Dinepensahan ng The Voice Kids Season 2 grand champion na si Elha Nympha ang malapit niyang kaibigan na si Jayda Avanzado laban sa mga tagahanga ni Francine Diaz.
Kasalukuyang inuulan ng batikos si Jayda matapos ang rebelasyon niyang may pinagdaraanan ang pagkakaibigan nila ni Francine.
Sa pagkakaalam ng publiko ay malapit na magkaibigan sina Jayda at Francine.
Sa panayam ni Jayda sa Cristy Ferminute nitong Miyerkules, April 17, 2024, naungkat ang kasalukuyan nilang relasyon ni Francine matapos ang ilang espekulasyong nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.
Read: Darren Espanto clarifies rumored issue with Cassy; past romances with Kyline and Jayda
Nag-ugat ito sa minsang pagsasama at pagpapa-picture ni Jayda sa dating kaibigan ni Francine na si Andrea Brillantes nang magkasama sila sa isang event na diumano’y ikinagalit ni Francine.
Pag-amin ni Jayda, totoong hindi sila nag-uusap ni Francine ngayon.
Aniya, “Para sa pagpapakatotoo po, matagal na rin pong hindi kami nag-uusap ni Francine.
“Siguro po ang huli ay noong birthday niya na binati ko siya in private.
“And magiging honest po ako na may mga nangyari po na hindi pagkakaunawaan sa aming dalawa or nagkaroon po ng disagreement."
Read: Jayda Avanzado not on speaking terms with Francine Diaz
Dagdag pa rito, matipid ang sagot ni Jayda nang tanungin kung totoo ang balitang nanligaw sa kanya ang onscreen partner ni Francine na si Seth Fedelin.
Elha DEFENDS JAYDA
Mabilis na pinag-usapan sa social media, partikular na sa X (dating Twitter), ang naging pag-amin ni Jayda, kunsaan marami sa fans ni Francine ang galit ngayon sa kanya.
Buwelta ni Elha, walang magagawa ang pagkukomento sa isang isyu kung hindi naman alam ang puno't dulo at tunay na kuwento nito.
Tweet niya, "People be like commenting about a certain issue without even knowing what really happened or what went wrong? Who changed? Who started it first?
"but another problem is that we cannot disclose anything because ofc we don’t want to defame anyone bcos we still care.
"Time is the ultimate truth teller."
Walang binanggit na pangalan ei Elha kung sino ang kanyang pinapatungkulan, pero sa comments section ng kanyang tweet ay bumuhos ang mga komento ng fans ni Francine.
Comment ng isang netizen, "What’s the point of this tweet? What do you want to happen? I hope bago ka makisawsaw and makadagdag sa negativity, intindihin mo muna pinanggagalingan ng galit ng fans ni francine. Based from what I read so far, they respected kung anuman yung nangyari sa friendship.
"Wala akong nabasa na nanira kay Jayda kahit alam na naman ng fans na di na sila friends. Nagalit lang sila after na ng interview with Cristy Fermin. Sobrang paninira ang ginawa and yet di pinigilan ni Jayda. Sana man lang she made Cristy stop as respect na lang.'
Napukaw ang atensiyon ni Elha sa komentong ito kaya't agad-agad din niya itong nireplayan.
Buwelta ng singer, "Makisawsaw really? I respect chin’s fans pero before pa ako mag tweet, While i was doing a live stream on tiktok ako naman inaatake nila? Like what did i do?
"And also please stop spreading fake issues mas lalong lumalala to."
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na reaksiyon o pahayag si Francine tungkol sa isyu.
