Napapanahon ang bagong single ng singer-composer na si Denin Sy na pinamagatang “Wag Mo Na Siyang Balikan” sa showbiz dahil sa sunud-sunod na hiwalayan ng ilang sikat na celebrity couples.
Pero nilinaw ni Denin na nasulat na niya ang kanta with his friend na si Kenneth Abawag noong panahon ng pandemya, bago pa man pumutok ang hiwalayan ng ilang showbiz couples, gaya nina Kathryn Bernardo-Daniel Padilla.
Special at personal para kina Denin and Kenneth ang “Wag Mo Na Siyang Babalikan” dahil pareho nila itong pinagdaanan sa kanilang buhay.
Pahayag ni Denin, “The breakup stories na napapanood sa ‘EXpecially for You,’ a segment of the noontime TV show It’s Showtime, also inspired me and Kenneth to write the song.
“I performed the song at a live gig and was heard by OPM hitmaker Tim Dionela. He told me that he liked the song and offered to produce it, and the rest is history.”
Read: WHAT PEP KNOWS: Kathryn Bernardo wooed by Alden Richards, Jericho Rosales, Donny Pangilinan?
DENIN PROUD OF SONG AND MUSIC VIDEO
Kinanta rin ba ang “Wag Mo Na Siyang Babalikan” sa EXpecially For You?
“Hindi nagamit ang song ko doon. Pero sana gamitin,” panalangin ni Denin.
Dagdag pa ni Denin, “Talagang gusto ko siyang mai-push, mai-release lalo na nung mauso ang mga breakup, sina Kathryn at Daniel, si Kim [Chiu] at Xian [Lim], ganyan. So, ang daming ganoon. Okay na okay na yung release ng song.
“Yung music video nito, sinulat ko pa nung pandemic. So, nung na-meet ko yung isang director sabi ko, ‘Uy, gusto ko nang mag-release ng music video.’
“Nanghihingi siya ng storyline… kinuha ko na lang. Sinend ko sa kanya. Tapos, nagustuhan naman niya ang story.
“Di pa namin alam kung sino ang cast. Nagkataon, nakita ko sa mga post niya, nagdi-direk siya ng ano, A Love So Beautiful nina Yuan Guinto and Vladia Disuanco, also known as Kyosu and Jaja B.
“Sila yung nag-viral sa EXpecially For You episode segment sa It’s Showtime.
“Sabi ko, ‘Uy, kilala mo pala sila? Baka puwede sila?’ So, sinend ko yung story. Nagustuhan nila. They got interested sa project. Yun! Shoot na agad.”

DENIN, THE PARODY KING
Nakilala ang mahusay na singer/composer na si Denin sa paglikha ng mga awiting “nakakakiliti” sa tenga.
Noong panahon ng pandemya, sumikat siya bilang "Parody King" para sa kanyang nakakatawang bersyon ng "Bioman" anthem na mayroong higit isang milyong views sa Facebook.
Ilan sa kanyang original compositions ay ang “Sabi Mo Usap Lang,” “Pasensya Ka Na God Bless,” na umani ng maraming radio airplay, “Susuka Pero Di Susuko,” “Minsan Kape Minsan Ikaw” na sinuportahan ng kilalang coffee brand at “Charotera.”
DENIN’S ADVICE TO COUPLES WHO BROKE UP
Dahil sa nakakabilib niyang husay sa pagsulat ng kanta, meron kaya siyang maibibigay na unsolicited advise sa celebrity couples na naghiwalay at idadaan niya sa pamamagitan ng kanyang awitin?
“Mahirap sabihin na follow your heart. Kasi yung heart nila gulung-gulo, di ba? So, tingin ko para ganoon, mag-usap kami nang personal,” nakangiting sabi ni Denin.
“Collab, hahaha! Kasi ibang situation, ibang tao, iba rin ang personality, oo. May mga tao na naturally giver. Iba yung pananaw niya. At may mga tao namam na sanay na siya yung ninu-nurture. Iba rin ang ano noon.
“Meron naman kahit in-apply mo na lahat ng love language techniques, wala pa rin. Ayaw na,” diin niya.
DENIN’S HUMBLE BEGINNINGS AS COMPOSER
Kailan siya nagsimula sa paglikha ng mga kakaiba niyang compositions?
Lahad niya, “Kung ika-count ko parang professionally, kinu-consider ko yung 2010 na na-distribute ng Star Records bilang first album ko as singer-composer.”
Kailan niya na-discover na puwede siyang maging singer-songwriter?
“Nung pagka-graduate ko ng Architecture, after two years nag-board exam ako agad. Para wala nang hang-ups, para I can pursue this career... on the side,” natatawa niyang sabi.
“Nung college kasi, before going to college medyo nagbulakbol. So, hindi ako masyadong nag-aral nung subject na chemistry at saka accounting. So, naghanap ako ng course na wala yung dalawa which is yun nga, Architecture lang.
“Nag-college ako sa Mapua [Institute of Technology]. So, yung Engineering, may mga Calculus din pero nag-enjoy naman ako. Ayoko lang nung masyadong memorization.
“Naka-graduate naman ako sa Mapua. Top seven, hehe. Ay, six 'ata?” may pagmamalaking banggit ni Denin.
Anong part ng buhay niya pumasok ang interes niya sa music?
“Yung pinasukan ko kasi na architectural company, may katabi siyang recording studio.
“Kaya pag may mga raket ako na producing commercial jingle, pag breaktime, napupuntahan ko.
“Overtime ako rito [recording studio], undertime muna ako sa office,” kuwento pa ni Denin.
