Isa ang P-Pop boy group na Alamat sa nag-perform sa debut ni Sofia Pablo ngayong April 20, 2024.
Kinanta ng Alamat, na kinabibilangan nina Taneo, Mo, Jao, Tomas, R-Ji, at Alas ang kanilang hit song na “Day and Night.”
Read: Sofia Pablo: More than just a sweet face

Read: Sofia Pablo excited for tropical-themed 18th birthday party
SOFIA PABLO'S DEBUT: PERFORMERS
Ang official music video ng "Day and Night" ay nag-premiere sa YouTube Channel ng Alamat noong June 14, 2023.
Tampok sa music video ang Darna star na si Jane De Leon bilang isang Magindaras, ang karakter ng mermaid sa Bicol/Visayas mythology.
Ang "Day and Night" ay naka-align sa pagsisikap ng Alamat na mai-introduce ang traditional and modern Philippine cultural elements with western/global influences sa iba’t ibang aspeto ng musika ng grupo, kabilang ang dance, fashion, and iconography.
Read: Sofia Pablo, masayang magse-celebrate ng debut kapiling ang blended family

Read: Sofia Pablo's new ride worth PHP1M marks end of her 'passenger princess' era
Last April 19 ay nag-post pa si Sofia ng video ng alamat sa kanyang Facebook account.
Nilagyan niya ito ng caption na, published as is: “Alamat is ready to take the stage at my debut.”
Read: Sofia Pablo on planning her tropical-themed 18th birthday party: "Magastos po."
SOFIA PABLO'S SPECIAL GUEST
Ginanap naman ang tropical-themed debut ng dalaga sa Raffles Hotel, Makati City, na dinaluhan ng kanyang blended family.
Inamin niyang four years old pa lang siya ay naghiwalay na ang kanyang parents.
Naiwan siya sa kandili ng kanyang ina.
Pero maganda raw ang kanilang samahan kahit magkahiwalay ang kanyang magulang.
Okey raw ang mommy at daddy niya kahit matagal nang magkahiwalay ang mga ito.
Mabait din aniya ang kanyang stepmother.
Present sa kanyang debut ang kanyang daddy kasama ang pamilya nito.

Read: Allen Ansay, in M.U. relationship with Sofia Pablo?: "Parang ganun."
“He’s really a good Dad. Hindi niya po ako pinababayaan. Kapag may gusto ako, ‘Daddy I want this,’ ginagawa naman niya,” pahayag ni Sofia.
Bahagi ang daddy niya sa 18 tropical flowers. Pang-17th ito, at nag-TikTok din.
Samantala, sisimulan na ni Sofia next week ang taping ng bagong drama series nila ni Allen Ansay na Prinsesa ng City Jail.
Read: Sofia Pablo explains why she cried at mediacon with Vic Sotto, Maja Salvador
Pagtatapat niya ay challenging ang role niya rito na may pagka-jejemon na lumaki sa tabi ng kulungan at naging barkada ko ang mga inmates.
Nag-script reading na sila ni Direk Jerry Sineneng.
Advice umano nito sa kanya, “’Dear, you sound so sosyal pa rin. You have to make it more masa.’ So, tina-try ko po talaga.
“Bago po ito talaga, e,” natatawang pahayag ni Sofia.
Read: Sofia Pablo at Allen Ansay, imbitado pero di naka-attend sa debut ni Jillian Ward
