Pinagdiskitahan na naman ng netizens ang pagiging payat ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa.
Read: Kylie Verzosa: From Miss International to internationally acclaimed actress
Sa kanyang "Get ready with me" post sa Instagram nitong nakaraang April 21, 2024, pinansin ng ilang netizens ang katawan ng Miss International 2016.
View this post on Instagram
Sa comments section, samu't sari ang pumuna sa anila'y kapayatan ng katawan ni Kylie ngayon.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:



Isang netizen naman ang nagtanggol kay Kylie.
Sabi nito, "idk why you guys just flock here & leave mean comments, leave kylie alone!!"

Napansin ito ni Kylie at nagpasalamat sa pagtatanggol sa kanya ng netizen.
Sinigurado rin niyang maayos ang kanyang kalusugan at masaya siya sa buhay.
Pinuna rin ni Kylie ang mga nanghuhusga base lamang sa nakikita nila sa social media.
Mensahe niya, "thank you, I’m perfectly healthy and happy, i eat healthy and i take very good care of my health.
"It’s sad to see so many Filipinos judging their own. I’m super proud to come from here, but you guys make it hard to appreciate home.
"We’re far behind, and yet here we are still commenting on other people’s bodies. It’s never okay."
Dagdag niya, "I hope you guys are okay and just focus on yourselves and your own personal growth and wellbeing. Being kind to one another will always be in."

NOT THE FIRST TIME
Unang pinuna ng netizens si Kylie dahil sa ibinahagi niyang larawan ng kanyang OOTD at mga pagkaing nilantakan sa isla habang nagbabakasyon sa Amanpulo, isang private beach resort sa isang isla sa Cuyo, Northern Palawan, noong January 13, 2024.
Read: Kylie Verzosa's latest bikini photos worry netizens: "Is she sick?"
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kylie noong March 5, 2024, sinabi niyang "very healthy" siya sa kabila ng mga puna ng netizens.
Pahayag ni Kylie sa ilang press, "Yeah, I'm actually very, very healthy. I really take care of my body.
"Like I said earlier, I go to the gym regularly. Not every day, but when I can.
"I've been traveling a lot so if, let's say if I travel a lot, I make sure my diet is healthy.
"I don't eat beef, chicken, or pork. I stay away from carbs.
"I don't drink. I don't smoke."
Read: Kylie Verzosa on comments about her body: "I don't think I'm too thin."
