Sasagutin ng parking lot operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang 19 na nasunog na sasakyan sa parking extension ng Terminal 3.
Ang Philippine Skylanders Int’l (PSI), ang operator sa pinangyarihan ng sunog, ay mayroong paglilinaw: “This, however, shall not serve as an admission of fault or fault or negligence on the part of the PSI.”
Noong April 22, 2024, ang araw na nangyari ang sunog, naglabas agad ng official statement ang PSI.
Sinabi ng private concessionaire na ginawa nito ito “solely in the spirit of humanitarian consideration and good faith.”
Kasama raw sa sasagutin nila ay “all damages incurred by the owners of the vehicles involved.”
Makikipag-ugnayan ang kumpanya sa lahat ng owners ng mga apektadong sasakyan sa lalong madaling panahon.

Read:
NAIA screening officer caught stuffing $300 inside mouth
Surot at NAIA? MIAA confirms receiving complaints; apologizes
19 burned cars AT NAIA TERMINAL 3 PARKING LOT
Nangyari ang sunog sa 19 na sasakyang nakaparada sa NAIA Terminal 3 parking extension.
Kinumpirma ito ng Manila International Airport Authority (MIAA).
"The spread of fire was fast. What was initially reported to us was one vehicle catches fire, but when the Fire Department arrived to respond, there were already several others that were affected," ani MIAA Acting General Manager Eric Jose Ines sa interview ng Philippine News Agency.
Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente. Hindi rin ito nagdulot ng anumang delay o cancelation sa operasyon ng airport.
Natanggap ng awtoridad ang report bandang 1:28 p.m., at naapula ang apoy dakong 1:57 p.m.
Tutukuyin pa ng MIAA kung ano ang naging sanhi ng apoy, na posibleng dulot ng matinding init at grassfire.
"Because it was windy, and the area is surrounded by grass," ani Ines.
Una nang sinabi ng MIAA na wala silang pananagutan sa insidente dahil ang parking area ay inuupahan ng isang private concessionaire.
