Hindi makapaniwala ang actress-entrepreneur na si Ara Mina na iniidolo pala siya ni Jeraldine Blackman ng the Blackman Family.
Sa mga hindi pamilyar sa the Blackman Family, sila ay binubuo ng Australian father Joshua, Filipino mother na si Jeraldine, at mga anak nilang sina Nimo (6) at Jette (almost 4).
Sila ay mga sikat na social media personalities. Tingnan ang kanilang followers sa social media: 2.5 million sa Instagram, 2.7 million sa Facebook, 2.3 million sa TikTok, at halos 250,000 subscribers sa YouTube.
Read: The Blackman Family of Jeraldine and Joshua Blackman teach kids stranger danger
Kahapon, April 24, 2024, nagkaroon ng bonding moment at isang collab si Ara at ang Blackman family sa Conrad Manila.
Kaagad nag-post si Jeraldine sa kanilang Instagram Reel.
Sabi ni Jeraldine sa nakalatag na text sa video, "I can't believe I am meeting a Philippine Celebrity that I used to watch on TV growing up."
Sa caption naman, "So lovely meeting this beautiful lady today!!! You’re amazing on what you do @therealaramina"
View this post on Instagram
Komento ni Ara, "It was a pleasure meeting your lovely family. Thank you for your time guys! I truly appreciate it."

ARA MINA ON FRIENDSHIP WITH JERALDINE blackman
Ngayong Huwebes, April 25, 2024, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara kung paano nagsimula ang pagkakaibigan nila ni Jeraldine.
Tugon niya, "Actually, isa ako sa followers nila kahit di pa kami magkakilala. And nung nag-comment ako sa isang post, nag-congratulations ako.
"Nung nakita niya, nag-DM siya sa akin. Dun na nag-start yung friendship namin."
Ipinadala pa raw ni Ara ang unang direct message ni Jeraldine sa kanya.
Mensahe raw ni Jeraldine sa kanya noon, "Ateeeeeeeeeeeeee!! Omg!!! I love you btw; thanks for being here"
Dagdag ni Ara, "Eto yung first DM nya sa akin, na-touch ako. Nakakatuwa na kahit sikat na sila she still recognizes and appreciates others."
Mapapanood sa mga susunod na Sabado sa show ni Ara sa Net25 na Magandang ARAw ang collab nila ng Blackman Family.
Read: Ara Mina: The star who had 4 screen names conquers acting, singing, even baking
