Pumanaw na si Aedan Pio Malvar, ang batang artist na nag-viral noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, dahil sa sakit nitong clival chordoma.
Ang clival chordoma ay isang rare type ng bone cancer na tumutubo sa base ng bungo o spine. Maselan at delikado gawan ng operasyon ang nasabing sakit dahil na rin sa lokasyon ng cancer cells, na maaaring magdulot ng kumplikasyon.
Read: Cancer-stricken content creator Sean Lester Beltran dies at 21
Hindi naging hadlang ang karamdaman para maipamalas ni Aedan ang kanyang talento sa pagpipinta.
Noong kasagsagan ng pandemic nung 2020 ay ginamit ni Aedan ang kanyang artistic talent para tumulong sa medical frontliners na patuloy na nagtatrabaho sa kabila ng banta ng COVID-19.
Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanyang mga artwork para makalikom ng salapi para itulong sa frontliners at pondo rin para sa sarili niyang treatment.
Lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang istorya ni Aedan, kung saan ay ikinuwento ng kanyang ina na si Gem Zapanta na bago pa man dumating ang pandemya ay ginagawa na ng anak niya ang tumulong.
Read: 9-year-old cancer warrior sells his artworks to raise funds for treatment, frontliners
"Noong 2016, hindi maganda iyong prognosis niya. Parang sabi sa amin noon, anything na gusto namin gawin for Pio, gawin na namin kasi they don't know.
"So, doon na siya nag-start na mag-sell ng paintings and share ng proceeds niya," pagbabahagi ni Gem.
"WE WERE JUST ON BORROWED TIME"
Sa pamamagitan ng Facebook, ipinahatid ng ina ni Aedan ang malungkot na balita sa pagpanaw nito.
Noong Sabado, April 27, 2024, binawian ng buhay si Aedan. Siya ay 13 years old.
Sa pagpu-post din sa Facebook ipinaparating ni Gem sa publiko ang labis na dalamhati at pangungulila na kanyang nararamdaman.
Saad ni Gem, "You can play all the Legos you want up there na again anak. It's been 24 hours.... but it feels like forever... I know you are definitely in a better place... my arms were not enough to keep you safe and sound... we were just on borrowed time. I miss talking to you. Sobra."
Sa isang post naman ni Gem na may kalakip na black-and-white pictures nilang mag-ina ay sinabi nito sa caption na, "It's time to give you back anak."
Kinumpirma ni Gem sa ABS-CBN News ang pagkamatay ni Aedan at sinabing naging takbuhan ng kanyang anak ang art kapag malungkot ito.
"Thank you for appreciating his art. For loving him. For giving your time in reading our kwentos and watching our stories.
"Pio has exceeded more than what's expected of him clinically and he has done so much and inspired so many," mensahe ng ina ni Aedan sa publiko.
Taos-pusong nakikiramay ang PEP.ph sa mga magulang at naulila ni Aedan.