Naghiyawan dala ng saya at pagkagulat ang Miss Universe Philippines 2024 candidates nang malamang makatatanggap sila ng PHP50,000 mula sa governor ng Sultan Kudarat na si Datu Pax Ali Mangudadatu at congresswoman Bai Rihan Mangudadatu Sakaluran.
Ito'y matapos idaos sa kanilang lalawigan ang national costume competition ng Miss Universe Philippines 2024.
WATCH: Miss Universe Philippines 2024 candidates, nasubukan ang husay sa Q & A
Sa kumakalat na video sa social media, makikita ang naging reaksiyon ng mga kandidata nang ianunsiyo mismo ni Governor Mangudadatu na bago sila umuwi sa Maynila para sa grand coronation ng Miss Universe Philippines 2024, na gaganapin sa May 22, ay mag-uuwi sila ng PHP50,000.
Saad ng gobernador sa viral na video: "Thank you for all your support to Sultan Kudarat.
"I hope na pag-alis niyo dito, dala-dala niyo yung iba't ibang token mula sa aming lalawigan and for me and Congresswoman Bai Rihan, and my family.
"Maliit lang ito nais lang namin makapagbigay ng isa pang thank-you gift sa inyo.
"Nag-decide po kami na bawat isang kandidata... bibigyan po namin, maliit lang naman, PHP50,000."
@johariduma Miss Universe Philippines 2024 Candidates recieved 50k cash from our Provincial Governor Datu Pax Ali Mangudadatu???????????? Only in Sultan Kudarat????#missuniversephilippines #sultankudaratsikatka ? original sound - Johari Laguyo Duma
Sa saya at pagkagulat ay dumagundong ng sigawan ang venue kunsaan nagtitipon ang mga kandidata ng Miss Universe Philippines 2024.
MISS UNIVERSE Philippines 2024 NATCOS
Noong April 28, ginanap ang national costume competition sa Sultan Kudarat Gymnasium and Cultural Center, kunsaan 53 kandidata ang nagpasiklaban sa kani-kanilang Philippine Flora and Fauna-themed costume.
Sina Janet Hammond ng Southern California, Alexie Mae Brooks ng Iloilo City, at Tamara Ocier ng Tacloban ang nakakuha ng Top 3 spots sa Miss Universe Philippines 2024 National Costume.

(L-R) Janet Hammond of Southern California, Alexie Mae Brooks of Iloilo City, and Tamara Ocier of Tacloban claim the coveted top three spots at Miss Universe Philippines 2024 National Costume competition on Sunday, April 28, 2024, in Sultan Kudarat.
Read: Miss Universe Philippines 2024 National Costume Competition Top 3
Nag-uwi sila ng PHP100,000 cash prize dahil sa kanilang pagkakapanalo sa nasabing kategorya.
Read: Miss Iloilo 2024 Alexie Brooks opens up about her sexuality
READ MORE:
