PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dr. Manny Calayan sues "trusted kumare" for alleged estafa

Dr. Manny Calayan on being scammed by associate: "Napaka-walanghiya."
by Julie E. Bonifacio
Published May 1, 2024
Dr. Manny Calayan estafa complaint versus kumare
Dr. Manny Calayan on being ghosted by his friend and associate who failed to give him his profit from their business deals: "Pinuntahan namin yung bahay. Nag-alsa-balutan na lang daw bigla kasama ang mga anak. Hindi rin daw alam nung mga kasambahay kung saan nagpunta."
PHOTO/S: Courtesy of Dr. Manny Calayan

Nagsampa ng reklamong estafa ang kilalang cosmetic surgeon na si Dr. Manny Calayan laban sa kanyang "kumare" at business partner.

Read: FIRST LOOK: Dingdong Dantes starts shooting movie with Charo Santos

Ihinain ni Dr. Calayan ang reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City dahil diumano sa panloloko sa kanya ng milyun-milyong piso.

Noong April 11, 2024, nagpadala ang Office of the Organized and Transnational Crime Division (AOTCD) ng subpoena para sa paghahanap ng pulisya sa kumare ni Dr. Calayan.

Nakasaad sa kopya ng subpoena na kinilala ang respondent bilang "Michelle Alfaro" o may alyas na "Belle."

Hindi pa nakikita si Michelle sa ngayon.

DR. MANNY CALAYAN BUSINESS TRANSACTIONS WITH HIS ASSOCIATE

Ayon kay Dr. Calayan, nakasosyo niya si Michelle sa ilang negosyo: pagbebenta ng masks at gift certificates, at pagiging supplier ng sigarilyo at soda sa isang hotel.

Lahad niya, "Naging kumare ko siya kasi nakilala ko siya during pandemic days, nung lockdown.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagbebenta kami ng mga masks and gloves. So, nakaka-deal naman kami noon. That was siguro 2020."

Noong December 2022, humingi raw ng tulong si Michelle kay Dr. Calayan para makabenta ng Sodexo gift certificates.

"May interes na raw yung babalik sa akin. Halimbawa, bumili ako ng worth PHP200,000 na GCs, may babalik sa akin na 10 percent.

"So, that's mga PHP20,000, di ba? Okay naman yon. Nag-one deal lang kami."

Hanggang sa dumating ang buwan ng Marso 2023, muli raw lumapit si Michelle kay Dr. Calayan para sa panibagong negosyo.

"Sinabi nga niya, siya na raw ang ano sa Okada [Manila hotel], supplier ng sigarilyo at saka soda.

"So, nagbigay muna ako ng maliit [na investment]. Tapos ang komisyon, ang interes, is 10 percent every ten days.

"So, lumalabas na 30 percent per month. So, okay naman siya for May, June, for five months okay siya."

Nagsimula raw magkaaberya bandang August 2023 nang hindi mag-intrega si Michelle ng kita ng negosyo nila ni Dr. Calayan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang dahilan umano ni Michelle, "na-red flag" ang banko niya nang sinubukan nitong magdeposito ng PHP9 million.

"Nung fifth month, na-AMLA. So, hindi na sa amin binibigay ang mga interes," ani Dr. Calayan.

Ang tinutukoy niyang "AMLA" ay ang Republic Act 9160 o Anti-Money Laundering Act, na ayon sa amlc.gov.ph ay nagbibigay-proteksiyon sa "integrity and confidentiality of bank accounts" para hindi ito magamit bilang "money laundering site for the proceeds of any unlawful activity."

Nagtiwala pa rin daw si Dr. Calayan kay Michelle noong pahong iyon.

"Pero nag-a-add ako nang nag-a-add [ng investment] hanggang sa lumaki na ang pera.

"Tapos nung December nagkasakit na raw siya. Hindi na raw siya nakalabas. Naospital, mga ganoon.

"Wala pa rin daw yung AMLA," lahad pa ni Dr. Calayan.

Pagsapit ng January 2024, sinabi umano ni Michelle kay Dr. Calayan na may inaasahan itong investor na magbibigay ng PHP20 million.

Sinabi raw noon ni Michelle na mababayaran na niya si Dr. Calayan, pero hindi ito tumupad sa usapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nung magmi-meet up na kami, umiiyak, kasi hindi nga raw nag-invest.

"Tinakot na namin,” diin ni Dr. Calayan.

"Sabi namin, 'Naku, hindi kami... huwag mo kaming lokohin. Kasi hindi mo kami kilala.' Ginaganun-ganoon namin.

"Hanggang sa after ng meeting na yon, magmi-meet na ulit the following night. Tapos the following night na yun, hinihintay namin. Nasa Grab na raw siya papunta sa amin.

"E, magtu-12:30, madaling-araw na, wala pa.

"So, mamaya, blinock na kaming lahat."

Hindi na raw uli nagparamdam si Michelle kay Dr. Calayan.

Doon na raw nagsimulang mag-imbestiga si Dr. Calayan at iba pang nakatransaksiyon ni Michelle.

"So, yun, doon na kami nagsimula. Pinuntahan namin yung bahay. Nag-alsa-balutan na lang daw bigla kasama ang mga anak.

"Hindi rin daw alam nung mga kasambahay kung saan nagpunta."

Tuluyang naglaho raw na parang bula ang kumare ni Dr. Calayan.

Dismayadong himutok ni Dr. Calayan, "So, ayun. Napakawalanghiya."

Read: Daniel Padilla opens J Castles theme park in Batangas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DR. MANNY CALAYAN MEETS ANOTHER ALLEGED SCAM VICTIM

Bukod kay Dr. Manny Calayan, may isang biktima rin daw si Michelle na nakunan naman ng PHP3 million at nagpainterbyu sa GMA-7 news program.

Inamin ni Dr. Calayan na may red flags na siyang napansin bago siya tuluyang naloko umano ni Michelle.

Pagbabahagi niya, "Nung nag-i-invest pa ako, nag-iba siya ng pangalan from Michelle Alfaro to Belle Magadia.

"Tinanong ko siya, 'Bakit ka nagpalit ng pangalan?' Sabi niya, 'E, kasi Doc may isa akong investor na napakaswapang sa pera. Gusto uunahin lahat-lahat, ganoon-ganoon.'

"Sabi ko, 'Ah, talaga?' Naniwala naman ako. Tapos yun pala, may tinataguan na siya. Eto ngang Jenny Mitra na napanood sa news."

Nang makilala ni Dr. Calayan si Jenny, kinausap daw niya ito tungkol sa karanasan nilang ma-scam umano ni Michelle.

"E, sabi ko naman kay Jenny Mitra, ngayon lang kami nagkakilala. Sinabi ko sa kanya, bakit hindi niya ako sinabihan na niloko siya nung kami pa magkakasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"E, nahiya naman daw siya sa akin. 'Hay, naku. Ayan, ang nangyari sa yo, na-scam tayong lahat.' Yun ang sabi ko sa kanya."

Sa huli, nagbabala si Dr. Calayan sa ibang posibleng mabiktima umano ng scam ng kumare niyang si Michelle.

Panawagan niya, "Maawa naman kayo sa mga tao na kumikita ng pera na pinaghirapan nila."

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dr. Manny Calayan on being ghosted by his friend and associate who failed to give him his profit from their business deals: "Pinuntahan namin yung bahay. Nag-alsa-balutan na lang daw bigla kasama ang mga anak. Hindi rin daw alam nung mga kasambahay kung saan nagpunta."
PHOTO/S: Courtesy of Dr. Manny Calayan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results