Naging matagumpay ang sleep apnea operation ng Kapuso actor na si David Licauco.
Sa X (dating Twitter) nitong Lunes, May 6, 2024, ibinalita ng senior artist handler ng Sparkle GMA Artist Center na si Isabel Bulatao na isasagawa ang surgery ni David ngayong araw.
Saad nito, "David Licauco is undergoing his RFA Sleep Apnea procedure today. Your prayers for his safety and the success of the operation are greatly appreciated [praying hands emoji]"
Makalipas ang halos apat na oras, sumagot si David sa nasabing mensahe. Hudyat na tapos na ang operasyon sa kanya.
Sabi ng aktor, "Tapos na! Salamat sa lahat ng nag dasal po i appreciate you all"
Nakatakda dapat noong April 30, 2024, ang operasyon ni David para sa kanyang sleep apnea.
Pero ngayon lamang ito natuloy.
SLEEP APNEA
Ang sleep apnea ay sleeping disorder kung saan habang natutulog ang isang tao ay paulit-ulit siyang tumitigil sa paghinga. Kung malakas maghilik ang isang tao at nakakaramdam ng pagod sa kabila ng buong gabing pagtulog, maaaring may sleep apnea siya.
Read: David Licauco: "If hindi ako magising... feeling ko mamamatay ako."
Kuwento ni David noon sa panayam sa kanya ng PEP Troika, “Sana gumaling, di ba? Kasi hirap na hirap na ako, e."
Matagal nang may sleep apnea si David. Nag-umpisa raw iyon noong 16 years old siya.
Mabilis ba iyong operasyon na gagawin sa kanya?
Kuwento ng Pambansang Ginoo, “Yung sa akin, ang gagawin lang, parang radio frequency. Parang susunugin yata yung part ng nose ko sa loob.
“So, para mas may malaking airway, di ba, yung breathing room ko.”
Bakit natagalan bago ipaopera niya ang sleep apnea?
Lahad niya, “Kasi before, ang alam ko kasi, yung operation, dapat talagang one month yung recovery.
“When I got myself checked up siguro a week before I left for Canada, sinabi na meron palang procedure na ano lang… puwedeng 15 minutes lang yung procedure.
“Tapos yung down time, one day lang. Pero kasi, RF [radio frequency] yun. So, yun ang gagawin ko.
“Hopefully makatulong. Kung hindi… dead na tayo!"
Read: David Licauco, sasailalim sa operasyon para sa kanyang sleep apnea
