Ikinasal na ang True Faith vocalist na si Medwin Marfil sa kanyang partner na si Mark Angeles nitong weekend.
Ang True Faith ay ang ‘90s Filipino pop band na nagpasikat ng mga kantang “Perfect,” “Alaala,” at “Kung Di Rin Lang Ikaw."
Sa kanyang social media accounts, ipinost ni Medwin ang milestone sa kanyang personal life.
Conservative ang post ng singer pero mahihinuhang kasal niya ito sa non-showbiz partner.
Ang same-sex marriage sa California, USA, ay legal since 2013.
Read: True Faith admits to talking about possible disbandment; brings back '80s, '90s music in "11" album
TRUE FAITH'S MEDWIN POST WEDDING ON SOCIAL MEDIA
Ipinost ni Medwin ang kanyang wedding photo kasama ang husband niyang si Mark.
Simple ang caption ng singer sa kanyang post: “May 11, 2024 Rockaway Beach, Pacifica, California.”
“It was a beautiful day,” ani Medwin kalakip ang magkaakbay na larawan nila ni Mark.
Terno ang kanilang while long sleeves, khaki pants, at white shoes.
Kalakip sa caption ang pink-heart emoji at dalawang rings with diamonds, indikasyon ng kanilang union.
Sa comments section, bumaha naman ng “congratulations" mula sa kanilang mga kaibigan at supporters.
May ilang netizens naman ang nasorpresa sa development na ito sa buhay ng singer dahil naging pribado si Medwin sa kanyang buhay.
Batay sa profile ng partner ni Medwin na si Mark, siya ay nagtatrabaho sa healthcare industry, at associated sa University of California, San Francisco Medical Center.
Si Mark ay mula sa Las Piñas, at ngayon ay nakatira sa San Francisco, California.
Kung titingnan ang Instagram account ni Medwin, may previous posts siya kasama si Mark.

