PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

(Updated) Bea Alonzo vs. Ogie Diaz: A Timeline

A detailed look at Ogie Diaz's reportage on Bea Alonzo.
by Mark Angelo Ching
Published Jun 19, 2024 | Updated Jun 25, 2024
Bea Alonzo vs. Ogie Diaz: A timeline of Ogie's reporting of issues about the actress prior to the cyber-libel complaint
A-lister Bea Alonzo (left) is in a legal battle with showbiz vlogger Ogie Diaz (right). Here is a TIMELINE of how and when trouble between the two began.
PHOTO/S: @beaalonzo Instagram / @ogie_diaz Instagram

Sinampahan ng reklamong cyberlibel ni Bea Alonzo ang showbiz commentator at talent manager na si Ogie Diaz.

Ang reklamo ay kaugnay sa online show ni Ogie kung saan ilang beses naging topic ang Kapuso actress.

Co-hosts ni Ogie sina Mama Loi, Tita Jegs, Dyosa Pockoh, at Ate Mrena sa show, na may titulong I-Chika Mo Na Dali, sa YouTube.

Ang co-hosts na sina Loi Villarama at Brenda Lualhati ay pinangalanan sa reklamo.

May 1.02 million subscribers na ang channel at may higit 630 videos habang isinusulat ang artikulong ito.

Binalikan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang episodes ng I-Chika Mo Na Dali ngayong 2024 para mabatid ang nilalaman nito.

May 85 videos na ang channel for this year. Out of 85 videos ay may 12 episodes na tampok si Bea Alonzo.

Madalas, ang Bea episodes ay tungkol sa hiwalayan ng magkasintahang Bea at Dominic Roque.

Kabilang na rin dito ang sagot ni Ogie sa alegasyon ng cyber libel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bea Alonzo sues Cristy Fermin, Ogie Diaz for cyber libel

FEBRUARY 3, 2024

Naging tampok ang hiwalayang Bea-Dominic sa February 3 episode ng I-Chika Mo Na Dali.

Sa episode na “BEA ALONZO AT DOMINIC ROQUE, HIWALAY NA BA? AYON SA AMING SOURCE…” nilatag ng hosts ang nakalap nilang impormasyon.

“Nay, totoo bang hiwalay na sina Dominic Roque at Bea Alonzo?” diretsong tanong ni Mama Loi kay Ogie.

Nag-hesitate ang talent manager bago sumagot. “Pressure yan sa amin, sa totoo lang,” sabi niya.

Isa-isa niyang nilatag ang mga clues ng hiwalayan base sa usap-usapan sa social media at sa recent interviews kina Bea at Dominic.

Tinalakay din sa show na magkasalungat ang sagot ng couple nang tanungin sa hiwalay na events tungkol sa nalalapit nilang kasal.

Binunyag ni Dominic na imbitado si Kathryn Bernardo. Ito ay base sa panayam ng press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa isang event noong February 20, 2024.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasabay nito ang pagbunyag ni Dominic na hindi niya inimbitahan si Daniel Padilla dahil hindi sila nag-uusap mula 2020.

Read: Dominic Roque invites Kathryn Bernardo to his wedding to Bea Alonzo; admits falling out with Daniel Padilla

Tikom-bibig naman si Bea. Sa isang press event noong February 2021, magiliw na humingi ng paumanhin si Bea dahil wala pa raw siyang maibahaging detalye tungkol sa kasal.

"Wala pang plano," nakangiting saad lamang ni Bea. Liban dito ay hindi nakitaan si Bea ng senyales na may problema sila ni Dominic.

Pagsusuma ni Ogie, “Kaya nag-speculate na ang mga tao kung ano ba—wala nang singsing, wala nang like sa posts ng isa’t isa, hindi sila nakikitang magkasama. Hiwalay na nga ba sila?"

Pagpapatuloy niya, “Sana hindi totoo. Kasi sa totoo lang, bagay si Dominic at si Bea."

Dahil dito, naghanap daw ng sources si Ogie.

Una, nag-send siya ng Viber message sa 33-year-old actor. Nag-seen lang raw pero hindi nag-reply.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nakausap naman na source si Ogie na tuloy naman daw ang kasal. Sa September 2024 pa raw ang kasal sa Madrid, Spain.

Sinalungat din ng isa pang source ni Ogie ang espekulasyon ng netizens na kontra ang nanay ni Bea sa kasalan dahil mas mayaman daw di hamak ang aktres.

"Ang alam ni Mommy, 'Masaya dito ang anak ko, e. So, hahayaan ko siya basta masaya siya.'

"So, scratch na yung issue na kinukuwestiyon nung mommy kung ano yung kapasidad ni Dominic para buhayin si Bea," paliwanag ni Ogie.

Opinyon pa ni Ogie, kung siya raw ang tatanungin, dapat lang pumirma si Dominic kung naglatag ng prenup agreement si Bea dahil patunay iyon na malinis ang intensyon ni Dominic kay Bea.

Samantala, may isa namang source si Ogie na nagkumpirmang hiwalay na ang couple.

“Sabi ng isa kong source, wala na sila. Yung Japan nila, huling post na nila yun. Wala na, kaya inaabala na lang ni Bea ang kanyang sarili,” sabi ni Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

December nang magbakasyon sa Japan sina Bea at Dominic.

May alam din daw si Ogie sa dahilan ng hiwalayan, pero hindi niya sinabi.

“Bigay na natin sa kanila yun,” pagtatapos ni Ogie sa usapan.

Sa madaling salita, nilatag niyang may nagsabing tuloy ang kasal at meron ding nagkumpirmang hiwalay na.

Hiling ni Ogie na hindi totoo ang hiwalay. O kung totoo man, maging magkaibigan pa rin daw sana ang dalawa.

Hindi nagtagal ay nakumpirma ang hiwalayan ng couple.

February 6 nang kumpirmahin ni Boy Abunda ang hiwalayang Bea-Dominic sa Fast Talk With Boy Abunda.

Sinabi ni Boy na isinauli ni Bea ang engagement ring kay Dominic. Inihayag din ni Boy, base sa kanyang sources, na "okay" kay Dominic kung may prenup agreement sila ni Bea.

Pero sabi rin ni Boy, "I don’t think it is or it was an issue unless nabago po ang kuwento."

Read: CONFIRMED: Bea Alonzo and Dominic Roque break up; call off engagement

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

February 9 nang maglabas ang PEP.ph ng pagsisiyasat sa mga espekulasyon sa dahilan ng hiwalayan.

Tinalakay dito ang sagot ng sources ng PEP.ph sa isyung prenup agreement, wedding expenses, at ang pagtutol umano ng ina ni Bea kay Dominic.

Isa sa tatlong sources naman ng PEP ang nagsabing hindi isyu ang prenup agreement sa hiwalayan ng couple, dahil bago pa mag-Christmas vacation sa Japan sina Bea at Dominic ay maayos ang usapan nila tungkol dito.

Sinabi rin ng PEP source na hindi ito kumbinsidong may kinalaman sa pera ang mitsa ng hiwalayan ng couple.

Kung titingnan daw kasi ang dating history ng aktres, hindi naging kunsiderasyon sa aktres kailanman ang social status sa pagpili ng magiging nobyo.

Pinunto naman ng Third Source na sa mga nakarelasyon ni Bea sa showbiz, hindi maitatangging mas litaw ang pagka-A lister ng aktres kaysa sa mga naging nobyo nito.

Tugma rin ito sa mga pahayag ni Bea mula nang maging magkasintahan sila ni Dominic—na hindi alintana ng aktres kung mas may kaya siya kaysa kay Dominic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Why did Bea Alonzo and Dominic Roque call off their engagement?

Bea Alonzo and Dominic Roque engagement photos
Bea and Dominic's engagement
Photo/s: Mark Nicdao

FEBRUARY 8, 2024

Noong February 8, tinalakay sa online show ni Ogie ang social media post ni Dominic para kay Bea.

Ang titulo ng episode ay “DOMINIC ROQUE, NAGSALITA NA! GERALD ANDERSON, NAKORNER! CARLA ABELLANA, ANO BA 'YAN?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-post sa Facebook si Dominic ng mga video nila ni Bea na may caption na, “Bea’s a beautiful person inside n out… no hate/bashing/negative things please…”

Dahil sa post na ito ay nakatanggap daw ng simpatiya si Dominic sa netizens.

Pinag-usapan din ng hosts ang pagdalo ni Dominic sa burol ni Deo Endrinal. Dumalaw din doon si Ogie.

Si Deo ay head ng Dreamscape Production, na content provider ng ABS-CBN. Pumanaw siya noong February 3. February 5 to 8 ang burol.

Hinangaan daw ni Loi si Dominic sa pagpunta sa burol kahit na alam daw nitong hindi maiiwasang mausisa sa hiwalayan nila ni Bea.

Bea Alonzo and Dominic Roque vacation photo when they were still a couple
Photo/s: @dominicroque Instagram. dominic roque and bea alonzo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FEBRUARY 10, 2024

Sa sumunod na episode noong February 10, binigay ni Ogie ang kanyang nalalaman tungkol sa ex-boyfriend ni Bea.

Ang title ng episode na ito ay “ETO PA ANG INFO TUNGKOL SA HIWALAYANG BEA AT DOM! SHARON AT GABBY, MGA ABOGADO NA ANG NAG-UUSAP!!”

“Mayroon tayong nabasa,” kuwento ni Ogie. “Sa blind item lang talagang hulang-hula nila, e, si Bea daw ay na-fall out kay Dominic dahil na-fall daw sa kaibigan. Tapos si Dominic naman, nili-link sa bading. Jusko, di ba?”

Tanong ni Dyosah kay Ogie, “Tito Ogie, sa palagay niyo, may dyowang bading yun?”

Iwas-pusoy ang talent manager sa kanyang sagot, “Ikaw nga hanggang ngayon, dine-deny mo, e.”

Pero maya-maya sinabi ni Ogie ang kanyang opinyon.

“Sinabi ko nga sa ‘yo, lapitin ng bading yung mga tipo ni Dominic. Ngayon yung mga napakayamang bading, puwedeng lumapit 'yan, puwedeng diskarte 'yan, puwedeng magpahatid ng emisaryo 'yan para iparating kay Dominic na type siya nung isang politician, or businessman, or bilyonaryong bading.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Na kay Dominic na yun kung paano niya i-eentertain yun."

Tinalakay din nina Ogie ang condo issue na pinalutang ni Cristy Fermin.

Sa vlog ni Cristy, sinabing pag-aari ng isang lalaking pulitiko ang condo na tinitirhan ni Dominic.

Nagbigay ng clue si Cristy na hindi taga-Senado o Kongreso ang pulitiko kundi nasa "ehekutibo" na sangay ng gobyerno ang posisyon nito.

Depensa ni Ogie kay Dominic, ang alam niya ay nirerentahan ni Dominic ang condo.

"Sa pagkakaaalam ko, ‘no, nung nagbi-video call kami ni Dominic nung panahon ng pandemya, kinuha na raw niya yun kasi mababa ang upa," kuwento ni Ogie sa kanyang co-hosts na sina Mama Loi at Dyosa Pockoh.

Pinabulaanan rin ni Ogie ang espekulasyong ginagamit lang umano ng aktor si Bea. Aniya, willing raw pumirma ng prenup ang lalaki bago magpakasal.

Dagdag pa niya, may sariling negosyo si Dominic.

“Ang pinagkakaabalahan po niya ay ang kanyang production house. Mayroon po siyang production house na kino-commission ng mga brands para gumawa ng AVP," ani Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy ni Ogie ay ang Blackpeak Media Productions, ang boutique agency ni Dominic na gumagawa ng content para sa social media.

Dagdag ni Ogie, endorser at influencer rin ng mga brands si Dominic. Nalaman daw ni Ogie na "malaki" ang talent fee nito.

Kung yaman ang pag-uusapan ay di hamak na mas mayaman daw si Bea kaysa kay Dominic.

Pero pagtatanggol pa rin ni Ogie kay Dominic, hindi naman daw inuuri ang tao sa kung magkano o ano ang properties meron ito.

Sabi pa raw ng source ni Ogie, "galante" si Dominic kay Bea.

Patunay daw nito, ayon pa rin kay Ogie, ang engagement ring na binigay ni Dominic ay nagkakahalaga umano ng PHP3M.

Kontra sa ulat ni Boy Abunda sa Fast Talk, sinabi ni Ogie na hindi raw direkta kay Dominic isinauli ni Bea ang singsing.

Hindi naman sinabi ni Ogie kung kanino ipinaabot ni Bea ang singsing na binalik niya sa aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dinepensahan din ni Ogie si Dominic sa isyu na si Bea ang nagbabayad ng travels ng couple abroad.

"Sponsored trip" daw ng couple iyong huling bakasyon ng mga ito sa Japan.

At tingin daw ni Ogie, bilang lalaki ay may pride si Dominic na patunayang hindi yaman ang habol nito kay Bea.

Patunay daw niyon ay willing si Dominic pumirma ng prenup agreement.

Sa pagkakaalam din daw ni Ogie, mahal pa rin ng binata si Bea.

Hindi natapos doon ang huntahan sa show.

Hirit ni Dyosah, ang daming pagtatanggol ni Ogie kay Dominic.

Sabay tirada ni Dyosah, "Ibig niyo sabihin, kay Bea may problema? Parang walang masama kay Dominic."

Sagot ni Ogie, "Don't put words into my mouth. Siya po ang may sinasabi."

Bea Alonzo and Dominic Roque vacation photo when they were still a couple
Photo/s: @dominicroque Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bea Alonzo denies initiating breakup with Dominic Roque

FEBRUARY 12, 2024

Noong February 12, binigay ni Ogie ang kanyang opinyon tungkol sa bali-balitang nagkaroon ng hidwaan ang dating magkasintahan dahil sa pagpaplano ng kasal.

Mapapanood ito sa episode na may titulong “BEA-DOM WEDDING, NAKADEPENDE KAY MARIAN RIVERA? GWAPONG AKTOR, NABUNTIS ANG GF!”

Nasagap daw ni Ogie na hindi nagkasundo ang couple sa kung gaano dapat kaengrande ang kasal.

“One time daw ay nagdi-discuss sila sa number of invited guests, si Bea at si Dom.

"E, gusto raw ni Bea na magarbo, marangya, ganun.

"E, si Dominic daw, gusto niya pili lang yung mga invited nila, yung talagang mahahalaga sa buhay nila. Yung naging bahagi ng kanilang journey,” sabi ni Ogie.

Malaki raw ang gastos kapag magarbo ang kasal.

“Nagtatalo sila. Siyempre lumalaki ang gastos nila, lalo na kung ito ay gaganapin sa ibang bansa,” dagdag ni Ogie.

Gusto raw ni Bea nang marangyang kasal dahil “once-in-a-lifetime” lang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman ito weekly na ginagawa natin. Kumbaga, buhos natin.

"Kasi very memorable talaga kay Bea ‘yan dahil lalo na, sabihin na lang nating naudlot yung kanila ni Gerald,” sabi ni Ogie.

Ang tinutukoy ni Ogie ay si Gerald Anderson, ex-boyfriend ni Bea.

July 27, 2019 nang kumpirmahin ni Bea na hiwalay na sila ni Gerald, at walang formal closure ang relasyon nila.

Tingin ni Ogie, "naghahabol" si Bea maikasal sa edad nitong 36 taong gulang.

“At the same time, gusto niya napaka-special ng kanyang event sa kanyang life, naiintidihan ko yun."

Ipinunto ni Ogie na hindi umano sang-ayon si Dominic sa magarbong kasal.

Aniya, "Pero siyempre, yung kapasidad ng lalaki to spend for the wedding e limited lang."

Pinalutang din sa online show na gusto ni Bea na maging malaki ang kasal para tapatan ang estado nito bilang celebrity A-lister.

Binigay ni Ogie na halimbawa ang engrandeng kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes noong 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Merong gustong ma-achieve si Bea, e. Kasi, siyempre, tulad ng ilang mga celebrities, lalo na’t mga sikat, na grandiyosa ang mga wedding nila, parang gusto ni Bea ganun din.”

Susog ni Brenda, "Pati ba naman sa wedding, Kuya?! Makikipagkompitensya pa si Bea kay Marian?! Di ba, sina Bea at Marian ang pinakasikat ngayon sa GMA?"

Kunwa'y nagbiro si Ogie, "Anong konek sa wedding, Brenda? Sinasabi ko lang dito the likes of wedding nina Marian at Dingdong."

Katuwiran ni Brenda, "May kaibigan ako sa GMA. May nasabi sa akin. Bago ialok yung teleserye kay Bea ay dadaan muna kay Marian.

"Pag di tinanggap ni Marian, saka mapupunta kay Bea. Saka iaalok."

Saka nagbigay ng disclaimer si Ogie.

"Hindi iyan confirmed. Wag ka nagko-konfirm dito kung di confirmed. Naikuwento lang sa yo. Di natin alam totoong kuwento diyan."

Nagpatawa si Brenda na hindi lang daw si Ogie ang may source.

Sabay ulit ni Ogie, "Parang gusto sabihin ni Brenda, bago tanggapin ni Bea yung isang teleserye, tama ba? Inialok na muna iyon, nauna nang ialok yun kay Marian. Dyusko nakakaloka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam niyo na di iyan confirmed, ha."

Pagkatapos ay naputol ang huntahan nila dahil sa hiwalay na audio record ng pagbasa ni Ogie ng official statement ni Bea.

Base iyon sa IG post ni Bea noong February 11, na nagsasabing mutual decision nila ni Dominic na tapusin ang kanilang engagement.

Read: Bea Alonzo, Dominic Roque mutually end their engagement

Nag-iwan ng tanong si Ogie sa kung may pag-asa pang magkaayos ang couple.

Sa impormasyong inilabas ni Ogie na gusto ni Bea ng grandiyosong wedding, ang dating ay magarbo, materyoso, at gustong makipagpatalbugan sa ibang kapwa artista ni Bea.

Taliwas ito sa mismong pahayag ni Bea sa loob ng maraming taon.

Sa kanyang vlog noong September 2023, sinabi ni Bea na bata pa lang siya ay pangarap niyang magkaroon ng "intimate wedding."

Pero baka hindi raw mangyari iyon dahil nang pinag-iisipan pa lang nila ang guest list ay napagtanto raw nilang madaming kaibigan si Dominic mula sa iba-ibang grupo, habang si Bea ay maliit lang daw ang circle of friends ngunit maraming acquiantances dahil sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kakatwa rin sa ibang industry insiders ang isyung binanggit ng co-host ni Ogie na tila nakikipagkumpitensiya si Bea kay Marian, na itinuturing na Kapuso Primetime Queen at, tulad ni Bea, ay naihahanay sa certified A-listers sa showbiz.

Matatandaang minsan nang pinalutang ng publicist na si Lolit Solis ang pagkukumpara kina Bea at Marian noong panahong naglalabas ito ng social media posts na tirada kay Bea.

Read: Bea Alonzo's manager Shirley Kuan breaks silence on Lolit Solis "unprovoked attacks" against Bea

Sa eksklusibong panayam ng PEP noong October 2022, pinabulaanan iyon ng talent manager ni Bea na si Shirley Kuan.

Nang lumipat daw si Bea sa GMA-7 noong mid-2021, wala raw sa isipan nila ang makipagtalbugan o mang-agaw ng trono ng sinuman.

Inisip pa nga raw nila ni Bea na gusto nilang kaibiganin ang lahat ng bagong makakatrabaho ng dating Kapamilya star.

Photo/s: @dominicroque Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FEBRUARY 20, 2024

Noong February 20, ikinuwento ni Ogie na naplantsa na raw ang gusot nina Bea at Dominic.

Base ito sa episode na may titulong “BEA AT DOMINIC, NAGKAAYOS NA SILA! KIM CHIU AT PAULO, HMMMMM! PBB, SA GMA-7 NA?"

Kuwento pa ng talent manager, “nanaginip” daw siya na pumunta si Dominic sa bahay ni Bea para makipag-usap.

Sa mga sumunod na salita ni Ogie, mahihinuhang idinaan niya sa kunwa'y "panaginip" ang nakalap niyang impormasyon tungkol sa isyu.

“Ayon sa panaginip ko na inaayos nila na maging okay sila ulit,” kuwento ni Ogie.

Dagdag pa niya, "napanaginipan" niyang nagkita ang dalawa bago pumunta sa Singapore ang aktres.

Ginawan ni Ogie at ng kanyang co-hosts ng skit na nagtutulug-tulugan si Ogie in between mga revelations niya.

Naganap daw ang pag-uusap nina Bea at Dominic bago pumunta sa Singapore si Bea kasama ang pamilya ng aktres.

February 10 nang kumalat sa social media ang kuha kay Bea na namamasyal sa lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bea Alonzo flies to Singapore amid breakup issue with fiancé Dominic Roque

Pagpapatuloy ni Ogie, "Si Dominic pumunta sa bahay ni Bea bago mag-Singapore. Tapos pilit nilang inaayos ang problema."

“So, okay na sila?” tanong sa kanya ni Mama Loi.

“Okay na sila,” sagot ni Ogie. “Kaya nga nila nabuo yung statement. Pareho nilang IG, nandun yung statement.”

Nag-post sa Instagram sina Bea at Dominic ng joint statement noong February 11.

Sa statement ay kinumpirma ng couple na ititigil nila ang planong pagpapakasal.

“After much thought, consideration, and care, we have mutually decided to amicably end our engagement. It was not an easy decision.

"We wanted to have more time to carefully deliberate and pray about it, but there have been many speculations, questions, and insults," saad ng ex-couple.

Pero hindi kumbinsido si Ogie na tuluyan nang naghiwalay ang couple.

Tanong pa ni Mama Loi kay Ogie, “Ibig sabihin, nagkabalikan na sila?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Ogie, “Yan ang hindi ko pa masabi, kung nagkabalikan na sila. Basta nagkaayos na sila.”

Dagdag pa ng veteran columnist, nasa "panaginip" raw niyang nalaman ng nanay ni Bea na nagkita ang mga ex-fiancée kaya’t pinagsabihan ang aktres.

Sa huli, pahiwatig ni Ogie ay "napanaginipan" niyang nagkita muli sina Bea at Dominic matapos ng Singapore trip ni Bea.

“Sa panaginip ko, nagkabalikan sila,” sabi ni Ogie.

Read: Dominic Roque files cyberlibel complaint vs. Cristy Fermin

Bea Alonzo and Dominic Roque vacation photo when they were still a couple
Photo/s: @dominicroque Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bea Alonzo flexes new look after breakup with Dominic Roque

FEBRUARY 22, 2024

Sa February 22 episode ay tuluyang binulgar ni Ogie na sinusuyo raw ni Dominic si Bea. Lagi na raw itong bumibisita sa bahay ng Kapuso actress.

Base ito sa episode na may title na “DOMINIC, "WAITING" FOR BEA! RIA ATAYDE, BUNTIS NA KAY ZANJOE? MARIAN RIVERA, SPEECHLESS!”

Tingin ni Ogie, magkakabalikan sina Bea at Dominic.

Nasagap raw ni Ogie sa kanyang source na laging nasa labas ng bahay ni Bea ang 33-year-old actor.

“Dahil alam mo ba, ilang gabi na raw na laging nandun sa harap ng bahay ni Bea si Dominic.

"Nandun lang ito sa kotse, iniintay ang pagdating ni Bea. Nakasindi lang ang kanyang makina. Nandun lang siya, waiting,” kuwento ni Ogie.

Pinuri ni Ogie at Mama Loi ang gesture ni Dominic.

“Aba, effort yun, ah,” sabi ni Mama Loi.

Pagsang-ayon ni Ogie, “Pagpapatotoo yun na kung gaano kalalim at gaano kamahal ni Dominic si Bea.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Dominic Roque and Bea Alonzo U.S. vacation
Photo/s: @dominicroque Instagram

Read: Bea Alonzo vs. Cristy Fermin: A Timeline

MARCH 1, 2024

Sa episode ng online show noong March 1 ay muli nilang pinag-usapan ang paghihintay ni Dominic sa labas ng bahay ni Bea.

May titulo itong “DOMINIC ROQUE, “NAKITULOG”! MARIS RACAL, MAG-INGAT KA! GWAPONG AKTOR, TAAS NG PRESYO!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalo pang pinatibay nina Ogie ang mga espekulasyong nagkaayos na ang dalawang celebrity.

Lahad ni Ogie, nakitulog pa umano si Dominic sa bahay ni Bea bago pa man umalis ang aktres para sa Singapore trip nito kasama ang pamilya.

Pag-uwi ng aktres galing Singapore, nakitulog daw muli ang aktor, at natulog daw sa salas ng aktres.

"Itong mga tagpo, nakakakilig ‘yan sa amin. Nakakatuwa yan kasi magandang balita yun kapag sila ay nagkaayos, lalo na kung nagkabalikan na,” sabi ni Ogie.

Bea Alonzo and Dominic Roque vacation photo
Photo/s: @dominicroque Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MARCH 11, 2024

Noong March 11, sa episode na "BEA ALONZO, BUMAGSAK NGA BA ANG MARKET VALUE?,”ang primary topic uli ay si Bea.

Pinag-usapan ng mga host ang anila'y usapan sa social media na bagsak ang market value ng aktres.

Kuwento ni Ogie, may nakausap raw siyang showbiz insider na nagsabing baka raw bumaba ang "premium" o "market value" ni Bea dahil sa balitang hiwalayan.

“Si Dominic, umaangat o tumaas ang premium. Si Bea raw, hindi ikinaangat ng premium yun,” saad ni Ogie.

Paliwanag pa raw ng showbiz insider, may mga bago nang endorsement ang businessman-actor sa kabila ng pang-iintriga rito.

Dagdag pa niya, “Hindi naman daw ikinasira kay Dominic kahit yung balita, e, nili-link siya sa bading o nili-link siya sa pulitiko.

"Hindi naman yun nakasira kay Dominic, bagkus ikinaangat pa ng premium ni Dominic."

Sabat naman ni Ate Mrena, yung showbiz projects ni Bea ang dahilan ng pagbaba umano ng premium ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi naman Kuya, yung mga project naman na ginagawa ni Bea sa GMA, di naman nakapagpatingkad sa career niya, parang waley,” sabi ng co-host.

Pag-iwas ni Ogie, “Uy, ako na naman ang mako-quote niyan… ako na naman ang sisisihin.”

Sabay salo ni Ogie, hiling daw niya bilang manager na magkaroon ng “bonggang-bonggang project” ang aktres.

“Yun ang hangad ko kay Bea,” sabi niya.

Sa kabilang banda, sa episode na ito ay hinayag ni Ogie na hindi pa rin niya makumpirma o mapasubalian kung nagkabalikan sina Bea at Dominic.

Pero inulit niya ang aniya'y impormasyon na nagkikita ng palihim ang ex-couple.

Dagdag ni Ogie, usap-usapan ng netizens ang Instagram post ni Bea kunsaan pino-promote nito ang Bash, ang brand ng bag organizer na pag-aari ng aktres.

Kita sa litrato na suot ni Bea ang singsing na bigay ni Dominic. Nag-like rin si Dominic sa post.

Bunsod nito, napatanong si Ogie kung bakit hindi nagbibigay ng paglilinaw sina Bea at Dominic kung nagkabalikan nga ba ang mga ito o hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman malinaw kung ang post na iyon ni Bea ay bagong kuha o stock photo lang noong panahong engaged pa sila ni Dominic.

Bea Alonzo and Dominic Roque vacation photo
Photo/s: @dominicroque Instagram

Read: Bea Alonzo, binura ang photos nila ni Dominic Roque sa IG

MARCH 27, 2024

Sa March 27 episode ay binalita ni Ogie na wala pa ring kumpirmasyon kung nagkabalikan na sina Bea at Dominic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito sa episode na “BEA AT DOMINIC, ANO NA ANG LATEST? KATHNIEL, NAGKITA! SARAH AT MATTEO, MAY “ANAK” NA!” ay sinabi ni Ogie sa co-hosts niyang sina Mama Loi at Ate Mrena na huwag na lang raw pangunahan ang relasyong ito.

“Abangan na lang ang announcement,” sabi ni Ogie.

Sabi ni Ate Mrena, “Ayan na naman sa wag pangunahan, Kuya, pero nauna ka na naman.”

Natawa si Ogie, at sinabing, “Paulit-ulit na lang tayo, Mrena. Can we just move on to the next topic?”

Bea Alonzo and Dominic Roque vacation photo
Photo/s: @dominicroque Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Netizens ask: Is Bea Alonzo wearing her engagement ring again?

APRIL 14, 2024

Noong April 14, bago mabalita ang pagdemanda ni Bea, ikinuwento ng showbiz veteran ang ilang mga development kina Bea at Dominic.

May titulo ang episode na “CONFIRMED! NANLILIGAW NA NGA SI ALDEN AT SI JERICHO KAY KATHRYN! BEA, MAY ISYU ULI KAY DOM?”

Sinabi ni Ogie na tila mahal na mahal pa rin ni Dominic si Bea.

Ang basehan ni Ogie ay ang balitang nahagip sa isang fan video na ang litrato ni Bea pa rin ang gamit ni Dominic na lockscreen sa kanyang cellphone.

Salungat naman dito ang mga kinikilos ni Bea sa kanyang Instagram account.

Napuna ng mapanuring fans ni Bea na burado na ang pictures ng dating kasintahan sa Instagram ng aktres.

Inamin ni Ogie na maging siya ay natuwa sa ideyang mahal pa rin ni Dominic si Bea dahil gusto raw niyang magbalikan ang couple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya ako talaga, maiintindihan ko kung sakali mang nagkabalikan sina Bea at Dominic at nananahimik lamang sila sa ngayon.

"Ibig sabihin, posibleng sila uli, pero wag tayong maingay muna.

"Lalo lang tayong magugulo, lalo lang maraming makikialam at lalo lang maraming manghuhusga at mag-oopinyon tungkol sa relasyon natin kaya behave muna tayo,” espekulasyon ni Ogie.

Bea Alonzo and Dominic Roque
Photo/s: @dominicroque Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Politicians Bullet Jalosjos and Bong Suntay clarify condo, gasoline station issues with Dominic Roque

MAY 6, 2024

Naglabas si Ogie ng opisyal na pahayag sa kanyang online show matapos mabalita ang pagdemanda sa kanya ni Bea ng cyberlibel.

Base ito sa May 6 episode na may titulong “PAGDEDEMANDA NI BEA ALONZO, ETO LANG ANG SAGOT NAMIN…”

Kuwento ni Ogie, hindi siya galit kay Bea dahil karapatan daw nitong magdemanda.

“Buksan niyo man ang puso ko, hindi po ako galit kay Bea Alonzo, kasi ako naniniwala ako karapatan niya ‘yan.

"Kung feeling niya, e, nasaktan natin siya, karapatan niya yun.”

Ngunit may karapatan din daw silang ipagtanggol ang sarili.

"Siyempre karapatan din naming idepensa yung aming sarili at ipaglaban yung para sa amin ay fairness para sa amin," pahayag ni Ogie.

JUNE 13, 2024

Ang pinakahuling ulat ni Ogie tungkol kay Bea ay in-upload sa online show niya noong June 14.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito ay ibinalita ni Ogie ang impormasyon mula raw sa kanyang source na may love life na raw uli si Bea.

Noong una ay mala-blind item muna ang kuwento ni Ogie.

"Totoo ba na, una, di na sila nagkabalikan ng ex niya? That's confirmed.

"Hindi talaga nagkabalikan kasi may bago nang boyfriend ang aktres."

Sabay diniretso ni Ogie, "How true na may bago nang boyfriend itong si Bea Alonzo?"

Tikom-bibig ang co-hosts ni Ogie na sina Loi at Jegs dahil hindi pa raw tapos ang isyung libel.

Depensa ni Ogie, "Oy, wala namang libelous dun! That's good news, darling!

"Ibig sabihin, naka-move on na si Bea kasi meron na siyang bagong boyfriend."

Aniya, half-Pinoy at half-foreigner ang sinasabing nobyo ni Bea.

Pero sabay kambyo ni Ogie, "Kung totoo man, ha? Kasi kailangan marinig panig ni Bea."

"Despite na may isyu" sa pagitan nila ni Bea, "happy" daw si Ogie para kay Bea kung totoo man na may bago na itong nobyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JUNE 18, 2024

Pormal nang naghain si Ogie ng counter-affidavit sa cyberlibel complaint na sinampa ni Bea.

Sa ulat ng Philstar.com, nanindigan ang kampo ni Ogie na hindi paninirang-uri ang dalawang episodes sa online show na inirereklamo ng aktres.

Kasama raw sa reklamo ni Bea ang November 19, 2022 episode ng show, kunsaan nagkomentaryo si Ogie sa portrayal ni Bea sa Kapuso primetime series na Start-Up PH.

Lampas na raw sa isang taong "prescriptive period," o filing period para sa isang reklamo, kaya ayon sa abogado ni Ogie na si Regie Tongol, kumpiyansa raw ang kampo ni Ogie na mababasura ito ng piskalya.

Pinuna rin ng abogado na hindi raw nakadetalye sa sinumpaang salaysay ni Bea kung sino sa hosts ng show ang nagbitiw ng diumano'y mapanirang salita laban sa aktres.

Hindi rin umano naipakita ni Bea sa kanyang sinumpaang salaysay na may malisya ang tinuran ng hosts ng show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isa pang nireklamo ni Bea ay ang February 12, 2024 episode ng show kunsaan tinalakay ng isa sa hosts na nauunang ialok ng GMA-7 management ang isang proyekto kay Marian Rivera bago ito iaalok kay Bea.

Dagdag ng abogado ni Ogie, saklaw ng "fair comment on her work as one of the actresses in the Philippines" ang tinalakay sa episode dahil public figure si Bea.

Bukas ang PEP sa pahayag ng sinuman sa mga nabanggit sa artikulong ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A-lister Bea Alonzo (left) is in a legal battle with showbiz vlogger Ogie Diaz (right). Here is a TIMELINE of how and when trouble between the two began.
PHOTO/S: @beaalonzo Instagram / @ogie_diaz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results