PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Why Evangeline Pascual turned down Miss World title in 1973

Evangeline: "Little did I know that it will go down to history."
by Jerry Olea
Published May 18, 2024
Evangeline Pascual turned down Miss World title in 1973
Evangeline Pascual on prioritizing showbiz than being a beauty queen: "I was 17 years old. I was illegally 17. Little did I know na hanggang ngayon, tinatanong niyo pa. I was doing title roles. Marami akong seryeng ginawa. I was doing 11 films in one year. Tuluy-tuloy yun. After that, I became a broadcaster. Twenty years akong nag-radio."
PHOTO/S: Jerry Olea

Si Evangeline Pascual ng Orani, Bataan ang first runner-up sa 23rd edition ng Miss World beauty pageant noong Nobyembre 23, 1973 sa Royal Albert Hall ng London, United Kingdom.

Limampu’t apat (54) ang mga kandidata sa timpalak. Ang nagwagi ay si Marjorie Wallace ng U.S.A.

Matapos ang 104 araw ay na-dethrone si Marjorie. Hindi inialok sa ibang participants ang Miss World 1973 title.

Nagdeklara kasi agad si Evangeline na ayaw niya ng “second-hand crown.”

Ang second runner-up ng timpalak na si Patsy Yuen ng Jamaica ang sumalo sa ilang duties and responsibilities ng Miss World na naka-schedule. Hindi ipinutong ang korona sa kanya.

Evangeline Pascual in her Filipiniana gown during Miss World in 1973

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsuplada si Evangeline!

"Hindi naman," sambit ni Evangeline, 68.

Nakapanayam siya sa thanksgiving party ng showbiz host na si Aster Amoyo noong Mayo 10, 2024, Biyernes sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.

"Parang dun lang napunta ang ating tadhana.

Looking back, wala ba siyang regrets sa pag-ayaw niya na maging unang Pinay Miss World?

"Little did I know that it will go down to history. It’s another story of a beauty contest, di ba?"sabi ni Evangeline.

"I was 17 years old. I was illegally 17. Little did I know na hanggang ngayon, tinatanong niyo pa.

"So, it’s the only question that’s different about beauty contest, and it’s the question that you can only ask me.

"You cannot ask others, you can only ask me."

Noong panahong iyon ay busy na si Evangeline sa pag-aartista.

"I was working with FPJ," tukoy niya sa yumaong King of Philippine Cinema na si Fernando Poe Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gumagawa na ako ng mga movies. I was Gemma, Ang Babaeng Kidlat. I was with Ramon Zamora," lahad ni Evangeline.

"I was doing title roles. Marami akong seryeng ginawa. I was doing 11 films in one year. Tuluy-tuloy yun.

"After that, I became a broadcaster. Twenty years akong nag-radio. Kasama ko si Aster sa DWIZ noon.

"For 20 years, I was doing on-the-air counseling."

Ang unang Pinay na kinoronahang Miss World ay si Megan Young. Nagwagi si Megan sa 63rd edition ng Miss World noong Setyembre 28, 2013 sa Bali, Indonesia.

Wala pang Pinay na sumunod sa mga yapak niya.

Sa lipon ng Miss World titleholders, tig-anim ang India at Venezuela. Tig-apat ang Jamaica at United Kingdom. Tigtatatlo ang South Africa, U.S.A., Iceland at Sweden. Tigdadalawa ang Czech Republic, Poland, Puerto Rico, China, Russia, Peru, Austria, Argentina, Australia, at Netherlands.

Read: Who are the Star Magic Best Bets for 2024?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

evangeline pascual on beauty pageants today

Natatawagan pa rin si Evangeline na mag-guest o mag-judge sa mga timpalak, pero hindi na siya masyadong nanonood ng mga beauty pageant.

Hindi na rin siya nagko-coach o nagsasanay ng mga kandidata.

"Dati I would do that pag naiimbita ako to train local candidates. Sometimes three-day workshop, ginagawa ko yon," saad ni Evangeline.

"Kasi naman ngayon, meron nang mga manager. But when I’m called to do training sa mga beauty queen candidates, I do that, ganun.

"Pag nagdya-judge ako, paisa-isa, pailan-ilan."

Andami nang mga beauty pageant nowadays, at nag-iba na rin.

"Talagang ganun, nagbabago. Kasi, yun ang panahon, e. Pero sa dami, talagang ang dami! Minsan, one after the other!" bulalas ni Evangeline.

"Kung minsan nga the same winner, another winner today, you know. One winner of many contests ang nakikita ko.

"Parang professional contestants, di ba? E, ganun naman ang trending. So, to each his own. Tinatanggap naman ng mga organizer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"That’s OK. Panahon na ng pagbabago. There’s nothing wrong sa pagbabago.

"When it’s different, it doesn’t mean it’s wrong. Bago lang, ganun."

Sandamukal ang mga title na pinaglalabanan. May mga kandidatang wagi na ng isang title, sumasali pa sa another pageant at nagkakaroon ng dagdag na title.

Napangiti si Evangeline, "Hinahayaan ng producer, e. Hinahayaan, and qualified naman. Hindi natin alam yung mga purposes ng mga kandidata.

"Kung minsan, matindi rin yung mga pangangailangan."

Sakaling siya ang organizer ng beauty pageant, ano ang stand niya sa pagpili ng mga kalahok?

"Siyempre it’s always nice to be able to get fresh candidates as much as possible,” pagmamatwid ni Evangeline.

"Katulad nung mga panahon namin noon, from eskuwela, diretso. Ipapaalam pa sa madre, ipapaalam pa sa kamag-anak mo, sa lolo mo, sa lola mo.

"And then pag nagkaroon ka na ng opportunity na maging contestant, doon ka na pupunta sa pag-aartista. Ngayon, nag-aartista bago maging beauty contestant."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasasakyan ba niya ang generation ngayon? Nakakasabay siya sa agos, kumbaga?

Mabilis na tugon ni Evangeline, “Oo naman. Bakit naman hindi? Nagdya-judge din naman ako sa mga local pageant, and even the Miss World here, the Miss Earth.

"I get to judge, and nasasakyan ko."

Relevant pa rin ba para sa mga Pilipino ang beauty contest?

"Iyun ang sinabi sa akin nung panahon ko. Right that year, during my year, na beauty contest has become irrelevant," pagbabalik-tanaw ni Evangeline.

"So, if they’re saying it today, it’s the same thing. Talagang may kokontra at kokontra. Iyon ang tema, right at my contest. Na bakit nagbe-bathing suit? Beauty contest is irrelevant.'"

Read: Dina Bonnevie details past confrontation with Alex Gonzaga: "It didn’t come naman without reason."

ON NOT GETTING MARRIED AGAIN

Tatlong dekada nang biyuda si Evangeline. Tatlo ang mga anak niya na pawang nasa abroad.

"So alone, but not lonely," pakli ni Evangeline. Boy-boy-girl ang mga anak niya. Ang unica hija niya ay hindi nangarap maging beauty queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"She wants to be better than me daw."

Hindi na siya nagpakasal muli.

"Ang huling habilin nga sa akin ng tatay ko, ‘Anak, mag-asawa ka na ulit.’ Five days before he died. Those were his last words," paggunita ni Evangeline.

Matapos mabiyuda ay nagkaroon daw ng mga boyfriend si Evangeline, pero hindi artista.

"Merong nag-apply, pero secret!"

Na-focus si Evangeline sa pagtatrabaho, at pagtataguyod sa tatlong anak, na na-enjoy niya.

"Kumbaga, the shoe is too big to fit para maghanap ka ng bagong papa. E, naisip ko naman yung tatlong anak ko. So far, so good," wika ni Evangeline.

"Nakatapos ang lahat, na tigdadalawang degree. Tapos bumalik ako sa eskuwela. Nung wala na akong pinag-aaral, nag-aral ulit ako."

Read: How KC Concepcion puts snooty salesperson at YSL store in his place

ON HER ADMIRERS

Marami ba siyang naging boyfriends noong nabiyuda siya? Napangiti nang sakdal tamis si Evangeline, "Marami sila. So many men, so little time!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatulong ba ang mga kasintahan niya upang manatili siyang fresh-looking?

Tumango si Evangeline, "Siyempre naman! Siyempre naman, maraming nagreregalo sa yo, bulaklak, pizza.

"Tapos sabi ng anak kong bunso, nung bagu-bago akong nabiyuda, ‘Mama, where are the men?’

"Sabi ko, ‘They are with the wives.’”

May lovelife ba siya ngayon?

“Plenty! I love you when I see you!”

May special someone siya?

Iwas na sagot ni Evangeline, “One way or the other, I love you when I see you!”

Ano ang ibig sabihin niyon? Single siya? Walang commitment?

“Single. I love you when I see you. I mean, I do not really… I don’t go for live-ins, e. Hindi ako nakikipag-live in. I love you when I see you.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Evangeline Pascual on prioritizing showbiz than being a beauty queen: "I was 17 years old. I was illegally 17. Little did I know na hanggang ngayon, tinatanong niyo pa. I was doing title roles. Marami akong seryeng ginawa. I was doing 11 films in one year. Tuluy-tuloy yun. After that, I became a broadcaster. Twenty years akong nag-radio."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results