Hinirang na Miss Universe Philippines 2024 ang pambato ng Bulacan na si Chelsea Manalo.
Masasabing dark horse si Chelsea dahil sa simula ng pageant, hindi naging matunog ang pangalan niya kung ikukumpara sa mga fan favorites na sina Ahtisa Manalo, Stacey Gabriel, at Christi McGarry.
Taong 2021 noong unang sumali ang Filipino-American beauty sa MUP, at si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu City ang nanalo sa nasabing batch.
Pero taong 2017 ang unang sabak niya sa national pageant—through Miss World Philippines—kung saan nakasama siya sa Top 15.
Read: Miss Universe Philippines 2024 Live Updates

Chelsea Manalo Stuns in Prelims
Ang poise, husay sa pagrampa, at galing sa pagsagot ang naging daan para siya ay mapansin noong preliminary round.
Sa huli, siya ang nakoronahan bilang Miss Universe Philippines ngayong taon.
Tinaob ni Chelsea ang iba pang 52 candidates na kinabibilangan ng mga pageant veterans.
Narito ang runners-up:
First runner-up - Cainta (Stacey Gabriel)
Second runner-up - Quezon Province (Ahtisa Manalo)
Third runner-up Baguio (Tarah Mae Valencia)
Fourth runner-up Taguig (Christi McGarry)
Si Chelsea ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa gaganaping Miss Universe 2024 pageant sa Mexico sa darating na Nobyembre.
Ginanap ang coronation night sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City, ngayong Miyerkules ng gabi, May 22, 2024.
