Hindi man napanalunan ng early favorites na sina Ahtisa Manalo at Alexie Brooks ang Miss Universe Philippines 2024 title, nag-uwi pa rin sila ng korona sa grand coronation ng national beauty pageant na ginanap sa MOA Arena nitong Miyerkules ng gabi, May 22, 2024.
Pagkatapos koronahan si Chelsea Manalo ng Bulacan bilang bagong Miss Universe Philippines, inanunisyo ng co-hosts na sina Tim Yap at Gabbi Garcia ang apat pang beauty titles na ipapamahagi.
Read: Dark horse Chelsea Manalo wins Miss Universe Philippines 2024
Pinabalik sa stage ang Top 10 finalists, maliban kay Chelsea at kina Miss Universe Philippines 2024 first runner-up Stacey Gabriel (Cainta) at fourth runner-up Christi McGarry (Taguig).
Mula sa kanila pinili ang apat na bagong titleholders:
Miss Eco International Philippines - Alexie Brooks of Iloilo
Miss Charm Philippines - Cyrille Payumo of Pampanga
Miss Cosmo International Philippines - Ahtisa Manalo of Quezon Province
Miss Supranational Philippines - Tarah Valencia of Baguio
Read: FULL TRANSCRIPT: The winning answer at Miss Universe Philippines 2024
MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2024: THE DARK HORSE WINS
Isang malaking sorpresa ang pagkapanalo ni Chelsea Manalo bilang Miss Universe Philippines 2024 dahil ibang "Manalo" ang hinuhulaang mag-uuwi ng korona—si Ahtisa Manalo ng Quezon Province.
Naging second runner-up lang si Ahtisa, na heavy favorite sa national pageant ngayong taon.
Pero binulaga ni Chelsea ang publiko at bigla siyang naging dark horse, hanggang sa masungkit niya ang korona.
Si Chelsea ang magiging kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe 2024 na gaganapin sa Mexico bago matapos ang taon.
Read: Tamang Manalo ba ang nanalong Miss Universe Philippines 2024?
