TW: Masturbation
Bilang bida ng Vivamax film na Kulong, nagbahagi si Aica Veloso na gusto niyang "makalaya" mula sa isang mapait na karanasan sa kanyang buhay.
Bungad ng Vivamax female star, “Simpleng buhay lang po kasi yung meron kami ng family ko nung mga nasa one to ten years old ako.
“And then meron po akong ka-compound which is kaibigan rin ng family ko."
AICA VELOSO'S TRAUMATIC EXPERIENCE
Dito ay sinumulan niyang ikuwento ang naging traumatic experience.
“Isang araw po, wala po kasing tao sa bahay. And then siyempre ako, wala namang malisya sa akin. Nang pumasok siya sa bahay namin since kilala siya ng family ko and then kilala naman ang family nila ng family ko.
“Ayun po, nung nakaupo po ako, naglalaro po ako ng phone ko na bigay po sa akin ng mommy ko. Bigla niya pong nilabas yung ano niya, yung *ri niya sa akin, bigla niya pong nilabas,” rebelasyon pa ni Aica na sa puntong ito ay humahagulgol na ng iyak.
“Nung sandaling iyon, hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Tumakbo po ako palabas. Hindi ko po alam kung sinong pagsusumbungan ko kasi hindi ko alam kung sinong maniniwala sa akin, kasi lahat ng mga tao sa amin kilala po siya.
"Kilala ng mga official na funny siya, na nagpapatawa siya sa iba’t ibang tao.
“Gusto ko pong sabihin sa mommy ko, pero hindi ko magawa,” ang patuloy na umiiyak na salaysay ni Aica.
“Kasi feeling ko hindi siya maniniwala sa akin.”

Hindi na raw alam ni Aica kung nasaan ang naturang lalaki.
Kasama ni Aica sa Kulong sina Caris Manzano, JD Aguas, at Jenn Rosa na nakausap ng members ng media sa mediacon ng Kulong sa Viva Café sa Quezon City noong Huwebes, May 2, 2024.
Ang Kulong ay sa direksiyon ni Sigrid Polon, at kabilang din sa cast sina Ghion Espinosa at Ralph Engle.
Nagsimula na ang streaming ng Kulong sa Vivamax ngayong May 24.
