Ai-Ai delas Alas refuses to apologize to Kris Aquino's hubby for old issue

by Julie E. Bonifacio
Jun 28, 2008
"Bakit ako hihingi ng sorry? Wala naman akong kasalanan. Kasalanan ko ba yun? Nakakalungkot lang, pero siguro, wala.... May gusto siguro sa akin si James! Hindi siya maka-move on, e. Naalala pa rin niya ako. ‘Ayun na lang. Pinagtatawanan ko na lang," says Ai-Ai delas Alas in jest when asked if she is willing to apologize to James Yap after being directly involved in the latter's recent fight with wife Kris Aquino.

Idinetalye sa Entertainment Live kanina, June 28, ang isyung hiwalayan ng TV host/actress na si Kris Aquino sa kanyang mister at basketbolista na si James Yap. Ayon sa report, ginulat ni Kris ang mga malalapit niyang kaibigan at K-Text subscribers sa ipinadala niyang text message noong June 17.

Ito ang laman ng text message ni Kris: "Just like all married couples, my husband James and I had disagreements. My Mom [former President Cory Aquino] sent me a heartfelt text message yesterday that made me realize our marriage has to work. Both James and I have to give 100 percent and set aside our pride."

Kinabukasan, June 18, isang text message muli ang ipinadala ni Kris at dito ikinuwento niya ang ilan sa kanyang mga natutunan sa pinadadaan nila na marriage counseling ni James. Mula rito, sunud-sunod na ang paglabas ng mga balitang nagkakalabuan na ang mag-asawa at posible raw mauwi sa hiwalayan.

Continue reading below ↓

Balitang pinalala pa ng usapang naglayas diumano si Kris sa kanilang tirahan sa Pasig kasama ang kanilang dalawang anak at pansamantalang nanirahan sa isang hotel. Ilang espekulasyon na rin ang naglabasan sa tunay na dahilan ng pagkakalabuan ng mag-asawa. Pero sina Kris at James ay nanatiling tahimik at hindi nagbigay ng kumprimasyon.

BOY ABUNDA SPEAKS UP. Sa launching ng Boy Abunda For All Sexes by Aficionado noong Miyerkules, June 25, kinumpirma ni Boy Abunda, manager at isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Kris, ang mga balita.

"Hindi po naghiwalay sina Kris at James. Medyo huli po ang balita. Hindi po naghiwalay pero nag-away. Nag away po si Kris at si James. Pero nung lumabas ang balita, tapos na. Nung lumabas na ang balita, bumalik na si Kris sa bahay. Nag-usap silang dalawa," lahad ni Boy.

Kinumpirma rin ni Boy na nag-alsa balutan si Kris mula sa kanilang bahay sa Pasig kasama sina Joshua at Baby James two weeks ago.

Continue reading below ↓

"Totoo po, umalis siya ng bahay kasama ang dalawang bata. Pumunta siya sa Discovery Suites, pero hindi sila naghiwalay. Nagpalamig is the correct term. Nagpalamig dahil nagkakainitan nga. Nagpalamig pero nag-usap. Naayos, napag-usapan."

Pero kung anuman ang hindi nila napagkasunduanay naayos rin daw agad nila ito at umuwi na rin si Kris sa kanilangn tahanan. At noong June 20, nag-imbita pa raw si Kris sa kanilang mga kaibigan sa kanilang bahay para sa isang salo-salo.

Isang patunay na umuwi na nga raw si Kris at patuloy ang pag-aayos at pagpapatibay nila sa kanilang pagsasama.

"Where are Kris and James right now?" sabi ni Boy. "Yes, they are into marriage counseling. They want to get to know each other better. Gusto nilang pagtibayin ang kanilang marriage, ang kanilang partnership, ang kanilang relasyon.

"Napag-usapan nila na dapat pagsamahan nating itong mga problema natin. Hindi mo problema ito, problema ko. Dapat dalawa tayong sumusuong kung anuman ang hindi natin naiintindihan sa isa't isa."

Continue reading below ↓

Isa-isa ring tinukoy ni Boy ang nababalitang dahilan ng hiwalayan nina Kris at James. Una ang pagiging brat daw ni Kris.

"Yung si Kris is a brat, in fairness naman sa aking kapatid, e, ang laki na ng ipinagbago ni Kris. Ang layo na ng inilakbay ni Kris bilang isang tao, di ba? She became more compassionate. I think she's more caring, she's more nurturing, and nakikita ko talaga she wants her marriage to work. She will do everything to make her marriage work."

Ayon sa balita, ang ikalawang dahilan ay may third party diumanong involved. Nagsimula sa blind item na tumutukoy sa asawa ng isang famous TV personality na nakikitang gumigimik at naghahanap diumano ng makaka-date na babae.

"Yung third party, hindi po totoo yun. Wala pong third party," diin ni Boy.

ENTER AI-AI. At ang ikatlong dahilan diumano ay ang pagtanggap ni Kris na lumabas sa pelikula ni Ai-Ai delas Alas. Matatandaan na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina James at Ai-Ai last year sa gitna ng James-Hope Centeno dahil sa komento ni Ai-Ai na isoli muna raw ni Kris ang asawa sa nanay nito.

Continue reading below ↓

"Totoo, indirectly may kinalaman si Ai-Ai. Pero I mean, pero napaka-passive ng pagbanggit ni Ai-Ai na pag-guest ni Direk Wenn Deramas, sa Boy & Kris isang beses," paliwanag ni Boy.

Ipinakita mismo sa Entertainment Live! ang eksaktong insidente kung saan naganap ang imbitasyon ni Direk Wenn kay Kris at pagtanggap ng huli sa morning show nila ni Boy.

"Kaya personal kitang iniimbitahan Kris, kasi yung opening, dapat ikaw," sabi ni Direk Wenn.

"Really?" sagot ni Kris.

"Dapat ikaw," ulit ni Direk Wenn.

"O, sige, sige. Go! I'll do it for you, friendship," sabi naman ni Kris kay Ai-Ai.

"Thank you, friendship," pag-acknowledge naman ni Ai-Ai.

Patuloy na kuwento ni Boy, "Hindi lingid sa ating kaalaman, pero huwag na nating balikan ang detalye ano, nagkaroon ng diperensiya si James at si Ai-Ai dahil lumabas talaga si Ai-Ai, kumampi kay Kris noong panahong may problema si James at si Kris.

"I think, si James, hindi ko rin masisisi to took it against Ai-Ai kasi may binitiwang linya si Ai-Ai. Ang feeling ko, hindi magandang pakiramdam ni James doon sa mga sinabi ni Ai-Ai kaya ang sabi niya, ‘Bakit mo gagawin yun?' Doon siguro nagsimula ang hindi pagkakaunawaan ni Kris at ni James."

Continue reading below ↓

Dahil daw sa pinagdaanan ng mag-asawa sa kanilang pagsasama, isang desisyon na raw ang napag-isipan ni Kris.

"Later on, nung nag-uusap na kami, na-realize niya na yung mga decisions na ganito ay pinag-uusapan nilang mag-asawa.

"Ah, ‘What do you think? Gagawin ko ba ito?' Na para tahimik ang lahat at siyempre maiintindihan din ito ni Direk Wenn for her [Kris] marriage to work, para hindi naman masira ang kanyang marriage, palagay ko tinawagan niya si Wenn. Tinawagan niya kung sino ang puwedeng tawagan na hindi niya pwedeng gawin dahil pag-aawayan nilang mag-asawa."

AI-AI REACTS. Nakunan din ng Entertainment Live! ng reaksiyon si Ai-Ai sa muli niyang pagkakadawit sa isyu.

"Ang luma-luma na ng isyu, e," sabi ni Ai-Ai. "Siyempre, paninidigan ko pa rin yung dati kong sinabi na nag-away sila ni James, kinampihan ko si Kris nung buntis siya. Yun lang naman ang puno't dulo noon. Lumang isyu, ‘Tapos nadamay na naman ako."

Continue reading below ↓

Tanggap na rin daw ni Ai-Ai ang hindi pagsama ni Kris sa kanyang pelikula.

"Okey lang kasi cameo role lang naman siya doon. E, napag-usapan siya ni Direk Wenn, hindi naman ako. Siguro ginagawa niya yun for Direk Wenn at hindi naman ako. So, hindi ko naman alam na darating tayo sa ganun," pahayag ni Ai-Ai.

Tinanong din si Ai-Ai kung handa ba siyang humingi ng paumanhin kay James.

"Bakit ako hihingi ng sorry?" matigas na sagot ni Ai-Ai. "Wala naman akong kasalanan. Kasalanan ko ba yun? Nakakalungkot lang, pero siguro, wala.... May gusto siguro sa akin si James! Hindi siya maka-move on, e. Naalala pa rin niya ako. ‘Ayun na lang. Pinagtatawanan ko na lang," nagbibirong sabi ni Ai-Ai.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Bakit ako hihingi ng sorry? Wala naman akong kasalanan. Kasalanan ko ba yun? Nakakalungkot lang, pero siguro, wala.... May gusto siguro sa akin si James! Hindi siya maka-move on, e. Naalala pa rin niya ako. ‘Ayun na lang. Pinagtatawanan ko na lang," says Ai-Ai delas Alas in jest when asked if she is willing to apologize to James Yap after being directly involved in the latter's recent fight with wife Kris Aquino.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results