Bukas, June 1, 2024, gaganapin ang D10, ang 10th anniversary concert ng singer-actor na si Darren Espanto na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.
Sinu-sinong malalapit kay Darren ang inaasahan niyang darating sa kanyang concert?
Read: Darren Espanto promises spectacular D10 concert
Ayon kay Darren, "Of course, my parents are gonna be there.
"I've invited my castmates, yun nga po, my Can't Buy Me Love family.
"Yun nga, bumili rin si Ate Morissette [Amon] at si Kuya Dave [Lamar] ng tickets na Platinum, aside from Chie Filomeno.
"So bumili talaga sila, nakakataba ng puso.
"And ayun, my other friends have also told me na manonood sila.
"So, hindi ko talaga alam kung sino pa pupunta."
Pupunta rin ba at manonood ang napabalitang espesyal sa kanyang puso noong si Cassy Legaspi?
"Parang hindi ko pa po alam, e, di ko pa natanong.
"Pero she's also congratulating me on the concert.
"And ayun nga, excited siya sa 'Hanggang Kailan,'" pagtukoy ni Darren sa kanyang bagong single.
"Sabi niya, 'This is such a different single from the ones before that.'
"It's something that she's been looking forward to.
"Tapos nung na-release na siya, isa siya sa mga unang nag-congratulate sa akin.
"Kasi excited talaga siya sa release ng Hanggang Kailan.'"
Read: What Darren Espanto learned from Martin, Gary, Regine, Sarah
DARREN ESPANTO CONSIDERS ACTING AS ANOTHER CAREER
Napansin din ng viewers na marunong umarte si Darren lalo na sa katatapos lamang na seryeng Can't Buy Me Love.
Ano ang susunod niyang project?
Saad niya, "Of course, sana po may dumating pang acting projects.
"If the time comes, why not? Nag-enjoy na rin po ako sa acting.
"I'm glad with everything that's happened in my career.
"And now, ito nga po, yung pinakahuli was an acting project. Yung serye nga.
"And it's something that I never imagined would've happened na kakainisan ako ng tao for my role.
"So ayun po, masaya ako with the outcome. And also everything that I've learned."
Samantala, sold-out na ang D10 concert ni Darren.
Sabi niya sa Instagram ngayong araw, May 31, 2024, "#D10 IS OFFICIALLY SOLD OUT! See y’all tomorrow! MARAMING SALAMAT PO!"
View this post on Instagram
