PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dina Bonnevie experienced being "clinically dead" in the past

Dina Bonnevie opens up about her near-death experience
by Bernie V. Franco
Published Jun 1, 2024
Dina Bonnevie photos side by side
Actress Dina Bonnevie reveals she was declared "clinically dead" for one minute and 10 seconds in the past and had a near-death experience.
PHOTO/S: YouTube (Amy Austria-Ventura) / @dinabonnevie on Instagram

Ibinahagi ng aktres na si Dina Bonnevie, 62, na naging “clinically dead” siya noon at nagkaroon ng malalim na karanasan.

Ito, aniya, ang nagbunsod sa kanya na hanapin ang kanyang spiritual life.

Base sa kanyang kuwento, isang near-death experience (NDE) ang naranasan ni Dina. Twenty-three years old lamang daw siya noon.

Ayon sa Oxford, ang NDE ay isang “unusual experience” na nararanasan ng taong nasa bingit ng kamatayan, at “typically an out-of-body experience or a vision of a tunnel of light.”

Naalala raw ni Dina ang pangyayari nang magbalik ang kanyang malay.

Ikinuwento ni Dina ang kanyang NDE sa YouTube vlog ni Amy Austria noong May 26, 2024.

Ang videos ni Amy ay kuwento ng mga artista at kung paano nila natagpuan ang Panginoon.

Read: Piolo Pascual opens up about feeling empty at the peak of his career: “Walang meaning yung buhay.”

DINA WAS “CLINICALLY DEAD”

Sa paglalahad ni Dina, sinabi niyang nakaranas siya ng “severe tests” pagdating sa trabaho, marriage, at health.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito niya ibinunyag na nadeklara siyang “clinically dead” dati at tumagal ito nang mahigit isang minuto.

Sabi niya, “Actually, na-clinically dead ako for a minute and 10 seconds.

“Siguro overfatigue kasi that time ang dami-dami kong ginagawang pelikula, sabay-sabay. And then nagda-dubbing ako, and I was promoting yung movie ko.”

Noong araw raw na iyon, nag-guest siya at nag-perform kasama si Alma Moreno sa variety show nitong Lovely Ness.

“E, allergic ako doon sa smoke machine. Nili-lift kami ni Ness, may dance number kami…” pagbabalik-tanaw ni Dina.

Matapos ang performance, nakaramdaman daw si Dina ng hirap sa paghinga at pagkahilo.

“Right after, parang kulang na lang bumagsak ako. Tumakbo na ako sa kotse.

“Pagdating sa bahay, ang nakita ko si Danica. Ang una ko lang nasabi was, ‘Danica, call Ninang Doctor.’”

Umakyat daw si Dina para maglinis ng mukha. Bumagsak daw siya sa banyo.

“Long story short, tinakbo ako sa ospital. Going to the hospital pa lang wala na akong makita,” pagpapatuloy niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Blinded na yung vision ko kasi hirap na hirap na akong huminga. Super asphyxiated na ako. Parang nagba-violet na ako dahil I couldn’t breathe.

“Pagdating sa hospital, doon na yung narinig ko na sinabi na, ‘Put her on two liters of oxygen.’ ‘Doc, no response.’"

Dina Bonnevie and Amy Austria
Dina Bonnevie opens up to Amy Austria when she was declared "clinically dead" for one minute and 10 seconds.
Photo/s: YouTube (Amy Austria-Ventura)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot naman daw ng doktor: “Put her on four liters.”

Sabi naman ng nurse: “Doc, no response.”

Narinig daw niya ang pagtatalo nang sabihin ng doktor na, “Put her on six liters.”

May narinig daw siyang nagsabing, “You know that her lungs could explode.”

Pero ipinag-utos pa rin ito ng doktor.

Narinig din daw niyang iniutos ng doktor na saksakan siya ng aminophylline sa parehong lungs.

Ginagamit ang aminophylline mag-relax ang muscles sa lungs at para dumaloy ang hangin dito.

DINA’S NEAR-DEATH EXPERIENCE

Pagkalipas ng ilang sandali, wala nang naririnig na sigawan si Dina.

“Sabi ko, ‘Anong nangyari? Bakit biglang tumahimik… na parang where’s everybody? Okey na ba ako?”

Tumayo raw si Dina mula sa hospital bed at nakita ang kapatid na nakatingin sa electrocardiogram (ECG/EKG) monitor.

Sinabihan daw ni Dina ang kapatid na pagod na siya at niyaya na itong umuwi, pero tila hindi siya narinig ng kapatid.

“Hindi ako pinapansin. Sabi ko, ‘Tingnan mo itong bastos na ito.’ Sabi ko, ‘Kinakausap kita, how come hindi mo ako kinakausap?’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinubukan daw ni Dina na tapikin ang kapatid, pero lumusot lang ang kanyang kamay.

Bigla raw humagulgol ang kapatid nito at pagtingin ni Dina sa ECG/EKG monitor ay flatline na ito.

“And then I looked at the bed where I was. Nakita ko na parang may silver na cord na nakadikit doon sa pusod ko,” lahad ng aktres.

Nakaramdam daw ng panic at takot si Dina.

“Then para akong pumasok sa mahabang-mahabang roller coaster ride na napakadilim.”

Pakiramdam daw ni Dina ay nakasakay siya sa napakatulin na roller coaster. Pagkatapos ay bigla itong tumigil.

“Parang from the long tunnel, lumabas ako. 'Tapos biglang hindi ko lang talaga totally ma-describe. Hindi totoo yung mga harp-harp music na yan. Hindi yan yung narinig ko.

“It’s just talagang pure peacefulness, calmness. Yun talagang parang totally na-uplift ako, na parang, wow, ang sarap ng feeling na ito. Parang ganoon yung feeling…”

Nagtataka raw si Dina kung nasaan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Biglang may malakas na malakas na ilaw na pumunta sa akin. Sabi ko, ‘Ano iyon? I can’t see.’”

May sinasabi raw sa kanya ang liwanag, pero nangyayari raw ito telepathically.

Sabi ni Dina, “Parang walang voice. Parang kinakausap ka through the mind, parang telepathic, na, ‘Are you ready to come with me, my child?’

Sagot daw ni Dina, “Yes, yes, yes. I wanna go with you.”

Pakiramdam daw ni Dina ay niyakap siya ng liwanag.

“’Tapos hagulgol na ako nang hagulgol, not because of fear, but because of so much love, na parang ang sarap ng feeling na ito.

“Parang mas masarap pa sa hug ng anak, sa hug ng ama, ng ina…

“Naiyak ako sa sobrang sarap ng feeling… na mahal na mahal ako nito kung anumang light na ito.”

Sumasama na raw si Dina sa liwanag, pero may bigla siyang naalala.

Dina Bonnevie with bouquets of flowers
Photo/s: @dinabonnevie on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DINA JOLTED BACK TO REALITY

Pakiramdam daw ni Dina ay isinasama na siya ng liwanag, “somewhere. I don’t know where.”

“’Tapos sabi ko, ‘Wait, I remembered something.’ Sabi ko naiwan ko yung daughter ko.”

Nang sumunod ay may nakita raw malaking screen si Dina at nakita niya rito ang flashbacks ng kanyang buhay.

Tumitigil daw ang screen sa mga masasakit na karanasan niya tulad ng paghihiwalay nila ng kanyang ex-husband, away nila ng kanyang ina, at pagkamatay ng kanyang classmate.

Pakiramdam daw ni Dina ay nasa “hukuman” siya at nagpapaliwanag.

“And then sabi ko, ‘Just give me a chance. I just want to talk to my daughter just for a while,’ kasi parang umaandar na kami. Kung saan pupunta, hindi ko alam,” sabi ni Dina.

“And then I heard a sound na, ‘Ma!’”

Pagtingin daw ni Dina, nakita raw niya sa dulo ng tunnel si Danica at inaabot ang kamay. Inabot daw ni Dina ang kamay ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The minute na hinawakan ko yung kamay niya, nagising na ako sa ospital. Dinidi-fibrillator na nila ako. Yung sina-shock para gumising.”

Dina Bonnevie and Danica Sotto
Dina and daughter Danica Sotto-Pingris
Photo/s: @dinabonnevie on Instagram

Ang una raw niyang hinanap ay ang anak na si Danica.

Sinabi raw ng kapatid ni Dina na nasa bahay ang kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinarili raw ni Dina ang karanasan niyang ito.

“I didn’t tell anyone kasi baka sabihin nila, ‘Sira-ulo to, ah.’”

Binanggit ni Amy Austria na may mga inilabas nang libro tungkol sa parehong karanasan ni Dina na NDE, tulad ng Embraced by The Light ni Betty J. Eadie.

Sabi ni Dina, “Yes, but this happened way, way pa bago lumabas yung libro na iyon.”

Sinubukan daw ibahagi ni Dina ang naranasan niya sa kapatid, subalit ayaw nitong maniwala.

Nasabi raw ni Dina sa sarili, “Sabi ko na nga ba, e. People won’t be ready to understand kung ano iyon.”

Kinilabutan daw si Dina nang minsang magawi siya sa bookstore at nakita ang librong Embraced by the Light dahil ganoon din ang kanyang experience.

Naging life-changing daw ang karanasan ni Dina at hinanap niya ang relihiyon para sa kanya.

Inaral daw niya ang Buddhism, Taoism, Hinduism, Quran, at New Age.

Sa huli ay “things fell into place” at ngayon ay isa na siyang Christian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabigyan daw ng mga sagot si Dina sa kanyang mga katanungan sa buhay.

Sa kaso niya, ang kanyang mga mapapait na karanasan ay nagpatibay sa kanya para maging relatable sa mga taong may mga pinagdadaanan din.

“Lahat tayo meron tayong purpose kung bakit tayo nabubuhay sa mundo, pero kailangan nating i-fulfill yung purpose na iyon, kailangan nating gawin,” sabi ni Dina.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Dina Bonnevie reveals she was declared "clinically dead" for one minute and 10 seconds in the past and had a near-death experience.
PHOTO/S: YouTube (Amy Austria-Ventura) / @dinabonnevie on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results