Sa unang pagkakataon, kasama ang mga baguhang filmmakers sa The Manila Film Festival (TMFF) na gaganapin simula ngayong June 5, 2024.
Layunin ng second edition na mag-nurture ng "fresh breed of Pinoy independent filmmakers."
The Manila Film Festival 2024 CALENDAR
Narito ang mga detalyeng dapat malaman ng mga movie fans tungkol sa walong outstanding Works-In-Progress in the Short Form Category.
RED-CARPET PREMIERE
Sa June 4, gaganapin ang red-carpet premier ng eight film entries sa Metropolitan Theater, Plaza Lawton, Ermita, Manila
Theatrical Screening
Tatakbo naman ang festival mula June 5 hanggang June 11 sa Robinson’s Manila at Robinson’s Magnolia.
AWARDS NIGHT
Sa June 11, at 6 p.m., ang awards night na gaganapin din sa Metropolitan Theater.
THE MANILA FILM FESTIVAL 2024: THE EIGHT DIRECTORS AND FILM ENTRIES
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press ang mga direktor ng walong pelikula:
through its TMFF Film Grants to be awarded to eight (8) outstanding Works-In-Progress in the Short Form Category.
- Charlie Garcia Vitug ng De La Salle - College of Saint Benilde: Ballad of a Blind Man
- Ronnie Ramos ng UP Film Institute: Happy (M)others Day
- Vhan Marco Molacruz ng Colegio De San Juan De Letran – Manila: Una’t Huling Sakay
- Cedrick Labadia ng iACADEMY: threefor100: o ang tamang porma ng pag uukay at iba pang mga bagay-bagay, i think!
- Joyce Ramos ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila: An Kuan
- Adrian Renz Espino ng Adamson University: Ditas Pinamalas
- John Pistol Carmen ng Bicol University: Pinilakang Tabingi
- Miko Biong ng UP Film Institute: Bahay, Baboy, Bagyo

DIRECTORS' INFLUENCES
Tinanong sila kung sinu-sino ang iniidolo nilang direktor sa showbiz industry.
Unang sumagot si Ronnie, "Sa akin, dalawa yung naaalala kong sobrang laking influence sa akin: ang una po, si Giancarlo Abrahan, tapos si direk Arden Condez po.”

Si Giancarlo ang direktor ng mga indie films na Dagitab (2014), Paki (2017), at ng premyadong LGBTQ+ film na Sila-Sila (2019).
Siya rin ang co-writer ng Transit (2013), na pelikula ni Jasmine Curtis- Smith, at Whether The Weather Is Fine (2021), na pinagbidahan nina Daniel Padilla, Rans Rifol, at Charo Santos-Concio
Si Arden naman ang direktor ng John Denver Trending (2019), Dandansoy (2021) at Random People (2021).
Sa pagpapatuloy ni Ronnie, "Kay Direk Arden kasi, ramdam na ramdam ko yung passion niya din sa pagkuwento kung saan siya nanggaling and as someone na galing din sa probinsiya, sa Pangasinan.
"Very rare yung mga ganitong opportunity para sa amin so to see like a regional filmmaker sa malaking screen, sobrang inspiring na for me.
“And then si Giancarlo Abrahan naman, the way kung paano siya magsulat ng kuwento, parang very mundane yung mga gawain niya at sobrang relatable sa iyo as a person. Parang hindi na siya kailangan ng masyadong daming spectacle kasi parang kuwento, ayan lang siya, ganun lang siya kasimple.”
Lahad naman ni Vhan, “Actually wala po sa ngayon kasi this year lang din po ako nag-shift from being an athlete to filmmaking so hindi pa po ako masyadong maraming kilalang direktor.
“Pero siguro po, masasabi ko lang yung director/professor ko si direktor Jancy Nicolas kasi siya yung unang naging professor ko when it comes to directing, so iyon po.”

Player ng Men’s Volleyball Team ng Letran si Vhan Marco o Marco.
Bakit siya nagdesisyong maging direktor?
“Actually, pagpasok ko pa lang po ng college, gusto ko na po, pero time constraint, hindi po kinakaya ng training sa school.
"Pero bago ako gumradweyt sabi ko, hindi ako puwedeng gumradweyt na hindi ko nagagawa yung gusto ko at ito yung totoong gusto ko,” pahayag ni Marco.
Ayon naman kay Cedrick, “I think there will always be a special place in my heart for direk Mike de Leon.
“So sobrang, siguro kung may ipi-pin point ako na film na talagang favorite ever, comfort film tapos as in my dream film palagi, it’s Kakabakaba Ka Ba? [1980], Bayaning 3rd World [1999].
“As in sobrang lapit sa puso ko dahil yung porma ng pelikula ni direk Mike is formless, parang it’s a body of itself na, na it’s not trying to be anything, it’s just Mike de Leon.”

Ang direktor naman ng Patay Na Si Jesus (2016) na Victor Villanueva raw ang malaking inspirasyon para kay Joyce.
Aniya, “Dahil nga po regional film siya and na-realize ko na puwede palang gawing drama din yung mga ganitong kuwento.
“Isa po iyon sa mga first films na nakita kong pinag-mix yung Filipino and yung regional language na pelikula so that really inspired me.”

Isa rin daw sa mga inspirasyon ni Joyce ang legendary lady director na si Marilou Diaz-Abaya, na kilala sa mga pelikulang Brutal (1980) at Jose Rizal (1998), to name a few.
Nasa unahan naman ng listahan ni John ang premyadong direktor na si Erik Matti.

“Actually hindi ko pa po alam na napapanood ko na ang pelikula niya,” lahad ni John, “Basta ang alam ko lang po, nanonood lang ako ng mga pelikulang iyon.
“Siguro po kaya ko po siya iniidolo dahil wala po siyang takot magsabi ng realidad thru visuals.
“At ang galing-galing lang po kung paano niya imi-mix yung realidad na hindi mo po mahahalatang sinasabi po niya iyon, mararamdaman mo na lang.
“So iyon rin po ang gusto kong mangyari sa sarili ko bilang bagong direktor, na gusto ko pong makapagkuwento na hindi ko po sinasabi sa tao na literal ipinapakita ko lang po sa kanila.
"Gusto ko po habang pinapanood nila, maramdaman po nila kung ano po yung gusto kong ipahiwatig sa kuwento ko,” pahayag ni John.
Si Giancarlo Abrahan rin ang pinili ni Miko.

Lahad niya, “Graduate din ako ng school of Giancarlo Abrahan. Same reason, yung mundanity ng buhay, yung pag-explore ni Direk Giancarlo sa mga human relationships, na kahit yung kuwento ay super-personal sa kanya nagagawa pa ring niyang maging universal yung kuwento.”
Iyon rin daw ang gustong ma-achieve ni Miko bilang isang filmmaker.
Si Glen Barrit naman ang binanggit ni Charlie na mentor niya sa kanilang writing workshop.

Humble raw ito, at kahit tapos na ang workshop nila ay patuloy pa rin daw nakikipag-communicate at tumutulong sa mga aspiring filmmakers at screenwriters.
“Lagi ka niyang kinakumusta kung ano ang balak mo sa susunod mong film. At ganun din ang gusto kong maging bilang isang direktor, someone who is respected but someone who is also respected for being humble.”
Si Glen ang sumulat at direktor ng 2019 QCinema International Film Festival Best Film na Cleaners.
Ang sabi naman ni Adrian, “Parehas po kami ni Vhan na hindi masyadong into films, pero yung nag-spark sa akin na maging direktor is si Direk Jun Lana dahil sa Die Beautiful [2016] and sobrang na-enjoy ko yung pelikulang iyon.
“Tumakbo siya sa isip ko ng ilang araw kung paano yung naging process ng paggawa ng pelikulang iyon.”

Naganap ang panayam sa walong filmmakers/finalists nitong Lunes, May 20, sa Bulwagang Villegas sa Manila City Hall.
Present si Mr. Ed Cabagnot, ang festival director-programmer-consultant ng TMFF, ang mga direktor sa featured shorts na sina Dwein Baltazar (Nananahan), JP Habac (Shortest Day, Longest Night), Jose Lorenzo “Pepe” Diokno (Lumang Tugtugin) at Sigrid Bernardo (May At Nila).
