Huwag balewalain ang sobrang init ng panahon dahil posibleng maging sanhi ito ng heat stroke at heat exhaustion.
Ang content creator na si Sherilyn Torcelino, a.k.a. Goddess Moto, ay inatake ng heat exhaustion habang nagmo-motor.
Buti na lamang at nakarating muna siya sa kanyang destinasyon bago bumagsak ang katawan.
Read: Man recalls being “eaten alive” by anaconda in 2014
LADY RIDER INFLUENCER HEAT EXHAUSTION
Inilahad ni Goddess Moto ang kanyang karanasan sa recent episode ng GMA public show na Pinoy MD.
Nangyari raw ito nito lamang Abril 2024, kung kelan ang temperatura ay umabot ng 50 degrees Celcius.
Mula Cavite, nag-motor siya papuntang Pasay City para sa isang event.
Tanghaling tapat nang umalis siya sa Cavite.
“Galing akong Trece Martires, Cavite, and from Cavite to SMX Convention…” lahad ng lady rider.
“Around 66 kilometers yung layo niya, so ang layo niya. Sabihin na nating two hours maximum kapag sobrang traffic talaga.”
Sa biyahe raw niyang iyon, nagkaroon siya ng apat na stopovers para makapagpahinga.
Habang nasa biyahe, nagsimula raw siyang makaramdam ng pagkahilo at sobrang pagpapawis.
Sa kabila nito ay patuloy siya sa kanyang pagmo-motor.
Nang malapit na sa destinasyon, dumiretso si Goddess Moto sa parking area dahil sobrang bigat na ng kanyang nararamdaman.
“Nung time na nandon na ako sa parking, iyan na yung time na sobrang hilung-hilo na ako. Naninigas na yung daliri ko.
“Hindi ko po in-expect na pagbaba ko [ng motorsiklo], nanlambot po yung tuhod ko. Napasalampak na po ako sa lapag.”
Read: Homeless valedictorian gets PHP2.2M for housing, meal plans

Sa kuhang video, makikitang sumaklolo kay Goddess Moto ang security guard at ilang motorista sa parking area.
Matapos mahimasmasan ay nagpasundo siya sa kanyang mga kamag-anak.
Ibinahagi ni Goddess Moto ang karanasan niyang ito bilang reminder sa fellow riders na huwag balewalain ang init.
Gayunpaman, may mga netizens na nakuha pa siyang i-bash.
Bakit daw kasi naka-leather jacket siya sa kabila ng sobrang init?


May nagtanggol naman sa lady rider at ipinaliwanag na nagsisilbing proteksiyon ang pagsusuot ng leather jacket.
Hindi ito pangporma.
Depensa ng isa pa, ang pagsusuot ng leather jacket ay parte ng "full gear" ng isang rider for protection. Hirit pa ng netizen, hindi naman niya ine-expect na maunawaan ito ng mga non-riders.
Nagkomento rito si Goddess Moto, indikasyong sinang-ayunan niya ang komento ng netizen.
Pati nga raw ang motor niya ay nasisi sa nangyari sa kanya.

HEAT EXHAUSTION: SYMPTOMS AND PREVENTION
Sa interview ng Pinoy MD, sinabi ni Dr. Jayceeson Soriano, isang general doctor, na heat exhaustion ang naranasan ni Goddess Moto batay sa mga naranasang symptoms.
Ani Dr. Soriano, dapat maging aware sa mga nararamdaman lalo na kapag exposed sa lugar na sobrang init.
“Yung katawan natin meron siyang mechanism para makapag-cope up sa sobrang init.
“Sa heat exhaustion, di na kayang maka-cope up nung katawan natin doon sa sobrang init na yon.”
Sintomas daw ng heat exhaustion ang matinding uhaw, pagkahilo, muscle cramping.
May dalawang uri ito: water depletion o kakulangan sa tubig at electrolyte depletion—ang pagtaas o pagbaba ng minerals sa katawan.
Nakakapanghina ito, at the same, nakakabilis ng pulso.
Maaari ring mawalan ng malay.
Sinabi rin ng doktor na posibleng makaranas ng panic attack kaya ang payo naman niya sa mga taong nakakita ng mga binanggit na sintomas, kelangang dalhin ang na-heat stroke sa malilim at malamig na lugar, lalo na kapag siya ay nag-hyperventilate o nahirapang huminga,
Ipinapayo rin ang brown-bag breathing.

Makakaginhawa rin kapag tinanggal ang makapal na damit ng pasyente, at hinilamusan siya ng cloth na basa o malamig.
Huwag kalimutang painumin ng tubig.
Bago ang biyahe, recommended ang pag-inom ng maraming fluids o electrolyte.
Mahigpit na ipinagbabawal ang caffeinated at alcoholic drinks dahil nakaka-dehydrate ang mga ito.

