Mas pipiliin ng sex worker na si Salome Salvi ang maging single kung hindi siya matatanggap ng buo ng isang makakarelasyon.
Isa lang daw ang naging nobyo niya noon, at wala siyang karelasyon ngayon.
"I'm not looking for a relationship so I wouldn't agree on that in the first place," saad ni Salome sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
"I'd rather be single lalo na kung di nila tanggap ang sarili ko.
"I'd rather be single than be in a relationship with someone who will force me to change my job, kasi mas mahal ko ang trabaho ko over anyone."
Naranasan ni Salome na sarili niyang mga magulang ay hindi tanggap ang kanyang trabaho bilang sex worker.
"Di sila happy. Pero okay lang, they are not part of my life anymore," pag-amin ng dalaga.
"Di ko rin naman hinahanap-hanap ang family nila. Yun nga, e, I' rather be by myself than be with people na di tanggap kung sino ako."
Nakapanayam ng PEP si Salome sa birthday party ng writer-columnist na si Rommel Placente sa Sikat restaurant sa Tomas Morato Street sa Quezon City noong May 30, 2024.

Read: Sex worker Salome Salvi, umaasang ma-decriminalize ang sex work sa Pilipinas
SALOME SALVI ON SEX WORK
Nagtapos ng kursong Fine Arts sa University of the Philippines si Salome, na unang nakilala bilang adult content creator bago siya pumalaot sa mundo ng showbiz.
Mapapanood siya sa Vivamax movies tulad ng Ahasss at Kitty K7, at ngayon ay kasali na rin siya sa cast ng Kapuso prime-time series na Black Rider.
Tinanong ng PEP si Salome kung tulad ng ibang artista ay magkaroon siya ng pagsisisi sa paggawa ng adult content.
"Wala naman," sagot ni Salome.
"It's always been my goal to be one of the first people to do adult content and to do my stream work simultaneously, cause I'm very passionate about those two things, lalo na ang film.
"I've always a film fan. I've always been a showbiz fan.
"I'm really passionate about that as much as I'm passionate about my porn and sex work."
Aminado si Salome na may mga negatibong pagtingin ang iba sa pinasok niyang trabaho.
Paliwanag niya: "I think with all kinds of sex work mayroong stigmazation kaming nae-experience.
"People think we don't deserve dignity, respect because of our work because pinapakita namin ang katawan namin.
"That's the biggest misconception I think. Dapat baguhin ng mga tao yun."
Diin pa ni Salome: "I believe sex work is work.
"I know in myself, the way that I look at myself, I know I deserve respect.
"Parang I will always challenge people who disagree on that."
Read: '90s sexy star Yda Manzano nagbabalik sa pag-arte; nakipagsabayan sa Vivamax sexy stars
ON MAINTAINING PROFESSIONALISM AT WORK
Sa intimate scenes na ginagawa ni Salome sa adult videos, idiniin niya na trabaho lang ang lahat at walang personalan ang relasyon niya sa mga nakapareha.
"I try to be friends with them as much as possible. Kasi yung trabaho namin it requires us to be intimate to each other.
"It requires us to share with each other, so we need to have chemistry with the person," ani Salome.
May pagkakataon bang nahulog ang loob niya sa kapareha?
"Walang ganun," ani Salome.
"Nagkaroon nga ako ng katrabaho recently we had to stop working with each other kasi nagka-girlfriend siya.
"Prior to that, we were working with each other for three in a half years so ang dami na naming nagawang mga videos.
"Sa three years na yun I've never developed any feelings for him.
"I know him as a good friend, I'm very affectionate to him, but I never thought of having a relationship with him.
"Trabaho lang talaga and that's something highly agreeable."
ON PEOPLE CROSSING HER BOUNDARIES
Ibinahagi rin ni Salome na nakaranas siya ng pambabastos lalo na mula sa mga kalalakihan.
"Marami, palaging may nagtatangka na i-cross yung boundaries kasi people have this idea na, not [just] celebrities, even [other] public figures, [ang] pagtingin nila parang public properties.
"Feel nila, like, puwede akong akbay-akbayan nang di nagpapaalam, laging may ganun.
"Marami akong nae-experience na ganun lalo na sa mga club. Mahirap din, mahirap maging matatag kasi palagi kong nae-experience yung ganun.
"As much as possible, ayoko sanang mag-cause ng gulo, but sometimes it really distresses me.
"I hope it's understandable kasi mabigat siya, it's emotionally laborious.
"Parang ano na lang, I find strength on myself na kaya kong mahalin ang sarili ko at kaya kong dalhin ang sarili ko in a respectable way."
Read: Xian Lim receives death threats after split from Kim Chiu
SALOME SALVI ON BLACK RIDER
Napapanood sa Black Rider, masaya si Salome na napasama siya sa serye at nakasundo ang mga artistang kasama dito lalo na ang bida na si Ruru Madrid.
"Masaya ako sa exposure na binigay nila sa akin. Tapos every time I'm on set, super alaga and I get along with the cast very well.
"I think si Ruru mayroon siyang pagkakalog na hindi ine-expect ng nga tao. Yung image niya kasi he's a very good boy image, pero super kulit niya."
Nagustuhan ni Salome na mga patawa ang mga eksenang kasama siya.
"I think yun ang factor kung bakit super saya ako na makatrabaho sila.
"I'm always looking forward na makatrabaho sila kasi yung cast, para kasing comedic part kasi kami ng Black Rider.
"Super komedyante yung mga nakapaligid sa akin, panay kalog na mga tao."
Di naman tinago ni Salome nakaramdam siya ng pagkailang nung unang makapasok siya sa serye.
"Parang yung pagiging starstruck ko never nawawala every time na mayroon akong nakikilala na bago sa set.
"Recently nakilala ko si Jestoni Alarcon, Polo Ravales, kasi part din sila ng cast pero.
"First time na ma-encounter ng character ko yung mga characters na yun.
"I am always excited to meet new people and have new experience din of meeting new friends."
May snob ba sa set?
"Wala," pagtanggi ni Salome.
"Siguro the closest to that I can describe is mayroong mga artista na kapag pagod di masyadong nakiki-interact. I would think, 'that's kind of cold.'
"Pero at the end of the day naiintindihan ko rin kasi may mga araw na ganun na parang I don't wanna interact with anybody kasi puyat, pagod, ang tagal maghintay sa set...
"Tapos very hectic ang environment so di maiiwasan na hindi maging chipper palagi. May ganun siyempre, di nawawala.
"Pero generally, everyone is so kind to everyone else there."
May ilang Vivamax stars na pumasok na rin sa Black Rider tulad ni Angeli Khang na gumaganap bilang love triangle ngayon nila Ruru at Yassi Pressman sa istorya.
Masaya si Salome sa mga kasamahan na nakakapasok sa serye.
"I'm always really glad every time na mayroong nagdyu-join [mula] sa roaster ng Vivamax kasi I'm really passionate about film and erotic film especially being a pornographic actress.
"Natutuwa ako na mas marami nang nai-introduce sa industriya namin at marami pang nagkakaroon ng opportunity. Walang ganung feeling of entity or whatever.
"Si Angeli Khang kasi ang latest na nadagdag sa cast namin, sila ni Madame Inuts.
"Si Angeli Khang has been part of cast for a few weeks and I've been working with her a bunch.
"Mag-i-interact na si Nimfa saka si Annabelle so abangan po natin yun kasi we're shooting it right now."
Read: Lalaking pinagmukhang alien ang sarili, hindi matanggap sa trabaho
ON JERALD NAPOLES AND KIM MOLINA
Game rin si Salome na makasama sa pelikula ang magkasintahang Jerald Napoles at Kim Molina na bumibida sa mga pelikula ng Viva.
"I know bilang mga aktor ang gaganda ng mga pelikula nila, magaling silang pumili ng direktor na makakatrabaho nila.
"Kung makakasama nila ako sa isang film na maganda yung kuwento, na meaty yung kuwento, why not?"
Marami ang natuwa sa pinost na larawan ni Kim sa Facebook na kunwa'y nagulat ito nang makitang nagpa-picture si Jerald kasama ni Salome.
"Buti nagising ako," saad sa kuwelang caption ni Kim.
Kuha raw iyon sa anniversary celebration ng mga director na si Roman Perez Jr. at Reiner Narciso.
"Napagtripan lang namin, 'This will be funny 'no? Na if we have a picture na nakatingin siya sa akin na suspicious.'
"Si Ms. Kim ang nag-isip ng concept na yun. Matagal na namin syi-noot yun, actually, matagal na naming kinunan yun."
Tiyempong pinost iyon ni Kim kasabay ng promo para sa pelikula nila ni Jerald na Soulmeyt.
"Napansin ko rin very genius of Ms. Kim na ni-release niya yun right before nag-premiere ang movie niya to create buzz for the movie.
"I respect it, I know that she knows that I get it. I know she knows kung gaano ko naa-appreciate yun."
Read: Darryl Yap, may kuda rin sa It's Showtime issue
SALOME SALVI'S SHOWBIZ CRUSH
Tinanong din namin si Salome kung mayrooon ba siyang mga showbiz crush.
"I've been seeing yung cooking videos ni Erwan Heusaff.
"I never thought that he's my type, pero nung nakita ko recently yung mga cooking videos niya, 'Hmm, I get it now.'
"Si Red Agoncillo, he's a good friend of mine, he's kinda cute."
