Isang short but sweet message ang ibinahagi ni Carlo Aquino, 38, para sa minamahal na si Charlie Dizon, 28.
Ito ay kasabay ng ulat ng PEP Troika na nakatakdang ikasal ang couple ngayong araw ng Linggo, June 9, 2024.

Sa Instagram post ni Carlo, Sabado ng gabi, June 8, makikita ang litrato nila ni Charlie na magkahawak-kamay habang nasa tabing-lawa.
Pareho silang nakangiti sa litrato.
Sabi sa caption (published as is): "Unti unti natin gagapangin ang buhay ng nakatawa @charliedizon_"
Reply ni Charlie kalakip ng heart at teary-eyed emojis: "I love you."
Nasagap ni Gorgy Rula ng PEP Troika ang balitang ikakasal na sina Charlie at Carlo sa kakatapos na 47th Gawad Urian, Sabado ng gabi, June 8.
Tumanggap si Charlie ng Best Actress Award para sa pelikulang Third World Romance, kunsaan kapareha niya si Carlo.
Habang nasa stage si Charlie, naulinigan ang direktor na si Dwein Baltazar na nagkomentong kinabukasan ang kasal ng couple.
Pagkatapos ng programa, diretsahang tinanong ni Rula si Charlie ukol dito. Umiwas namang magbigay ng confirmation o denial si Charlie.
Read: Charlie Dizon at Carlo Aquino, nabuking na ikakasal na
Nasa Pilipinas ngayon ang mga magulang ni Charlie na nakabase sa Los Angeles.
Nang tanungin kung bakit nasa bansa ang mga ito, ang sabi lang ni Charlie, “Dahil gusto po nila."
Noon lamang Pasko ay nagbakasyon si Charlie sa U.S. kasama si Carlo.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inamin ni Charlie na boto ang kanyang mga magulang kay Carlo.
Pangalawang beses na raw niyang naisama si Carlo sa pagbisita sa kanyang pamilya sa U.S.
May isa pa raw pagkakataon na kahit wala siya ay bumisita si Carlo sa kanyang mga magulang noong may U.S. tour ang binata para sa trabaho.
Read: Charlie Dizon says her parents approve of boyfriend Carlo Aquino
CARLO AQUINO AND CHARLIE DIZON RELATIONSHIP TIMELINE
December 2022 nang unang maiulat ang pag-post ni Carlo ng litrato nila ni Charlie, at naging hudyat iyon ng espekulasyong nagkakamabutihan sila.
Read: Is Charlie Dizon in a relationship with Carlo Aquino?
Kalaunan, mas naging madalas ang sightings nilang magkasama.
Read: Carlo Aquino, Charlie Dizon spotted together anew
January 6, 2023 nang aminin ni Carlo na dating sila ni Charlie, at noong July 2023 tuluyang kinumpirma ni Charlie na sila na ng aktor.
Read: Carlo Aquino confirms dating Charlie Dizon
