PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlo Aquino and Charlie Dizon are officially married!

Carlo and Charlie's "secret wedding" happened in Silang, Cavite.
by KC Cordero
Published Jun 9, 2024
Carlo Aquino and Charlie Dizon during the wedding
Sa isang private resort sa Silang, Cavite, ginanap ang "secret wedding" nina Carlo Aquino at Charlie Dizon. (Photos courtesy of Myio Okamoto Photography Facebook)

Opisyal nang kasal ang Kapamilya stars na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, idinaos ang "secret wedding" nina Carlo at Charlie ngayong Linggo ng hapon, June 9, 2024, sa garden ng isang private resort sa Silang, Cavite.

Read: Charlie Dizon, nabuking na ikakasal na kay Carlo Aquino

Carlo Aquino and Charlie Dizon exchanging vows
Nagpalitan ng wedding vows sina Carlo Aquino at Charlie Dizon ngayong June 9, 2024. Photos: Myio Okamoto Photography Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa principal sponsors sina ABS-CBN CEO and President Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN Board of Directors member Charo Santos-Concio, Vilma Santos-Recto, Maricel Soriano, Olivia Lamasan, Veronique del Rosario-Corpuz ng Viva, Star Magic Head Laurenti Dyogi, at sina Senator Bong Revilla at maybahay nitong si Congresswoman Lani Mercado.

Maid of honor si Sue Ramirez, habang bridesmaids naman sina Belle Mariano, Kaila Estrada, at Adrian Lindayag.

Kabilang sa groomsmen sina Ketchup Eusebio at Ramon Bautista.

Si Loisa Andalio ang candle bearer, habang si Elisse Joson sa veil, at si Alexa Ilacad sa cord.

Read: Charlie Dizon says her parents approve of boyfriend Carlo Aquino

DOUBLE CELEBRATION FOR CHARLIE DIZON

Ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang pinakaunang naglabas ng balitang magpapakasal na sina Carlo at Charlie ngayong araw, sa ulat na lumabas nitong Sabado ng gabi, June 8.

Nang makapanayam si Charlie ng PEP matapos magwagi ito bilang best actress sa 47th Gawad Urian noong June 8, inusisa siya kung totoong magpapakasal na sila ni Carlo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nanalo si Charlie ng best actress award para sa pelikulang Third World Romance na pinagtambalan nila ni Carlo, sa direksiyon ni Dwein Baltazar.

Sa event, naulinigan ng PEP ang balitang magpapakasal na ang dalawa ngayong Linggo.

Nabanggit din kasi ng aktres sa kanyang acceptance speech ang mga linyang, “Kung hindi niyo lang po alam, sobrang gandang regalo po nito sa akin ngayon!”

Read: Romnick Sarmenta, Charlie Dizon win at 47th Gawad Urian

Charlie Dizon in her white gown
May pahaging na si Charlie Dizon nang manalo bilang best actress sa 47th Gawad Urian na dobleng selebrasyon ang pagkakapanalo niya ng award. Photo: Myio Okamoto Photography Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rosanna Roces reveals what she likes best about Loisa, Charlie, Elisse, Alexa

Pero ang masayang sagot ni Charlie sa PEP, “Hehehe, abangan niyo po! Ang masasabi ko lang, best gift siya. Kaya thank you, Lord!”

Nang tanungin naman kung gaano siya ka-excited para bukas, June 9, na araw ng kasal, patanong din ang sagot niya sa kung ano ang meron bukas.

Sinagot siya ng PEP.ph ng: “Wedding, siyempre.”

Pakli ng aktres: “Wedding niyo po ba?”

Pero halos pag-amin na nito nang banggiting double celebration na ang award para sa kanya, “Sa inyo na po galing yan, thank you so much.”

Read: Charlie Dizon on Carlo Aquino's confession of love for her: "Noong una, medyo kinabahan ako."

PRENUP PHOTO posted by carlo aquino

Last June 8 ay nag-post si Carlo sa Instagram ng tila pre-nuptial photo nila ni Charlie na magkahawak-kamay.

Nilagyan niya iyon ng caption (published as is): “Unti unti natin gagapangin ang buhay ng nakatawa @charliedizon_."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Comment naman ni Charlie sa post ni Carlo: “I love you.”

Read: Carlo Aquino posts pic with Charlie Dizon amid wedding talk

Carlo Aquino and Charlie Dizon at the wedding
Halata ang kasiyahan sa mga bagong kasal na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon. Photo: Myio Okamoto Photography Facebook

Pebrero ng kasalukuyang taon nang umugong ang balitang engaged na sina Carlo at Charlie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napansin kasi ang suot na singsing ng actress.

Pinabulaanan iyon ng aktor.

Bagamat sinabi rin niya noon na si Charlie na ang “the one” para sa kanya, wala pa umano silang balak pakasal.

Read: Charlie Dizon officially confirms relationship with Carlo Aquino: “Opo, boyfriend ko po.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa isang private resort sa Silang, Cavite, ginanap ang "secret wedding" nina Carlo Aquino at Charlie Dizon. (Photos courtesy of Myio Okamoto Photography Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results