PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Why director Njel de Mesa prefers to launch films abroad

Njel de Mesa laments about struggle with showing films in PH cinema.
by Julie E. Bonifacio
Published Jun 10, 2024
Arci Munoz in Malditas in Maldives (left); Must Give Pause (right) directed by Njel De Mesa
Seen in photos are Arci Muñoz (in long gown) in Malditas in Maldives; Cheska Ortega (blonde) and Shaneley Santos (in tears) in Must Give Pause. Directed and produced by Njel De Mesa (inset), both films were shown in Jinseo Arigato International Film Festival last month.
PHOTO/S: Screengrab from Malditas in Maldives / Must Give Pause / Courtesy of Njel De Mesa

Pinangunahan ng writer, director, at producer na si Njel de Mesa ang Philippine delegation na lumahok sa kauna-unahang Jinseo Arigato International Film Festival na ginanap sa Nagoya, Japan last May 25 and 26.

Read: Is this Trina Candaza's reaction to wedding of Carlo Aquino?

In competition ang dalawang pelikula ni Direk Njel na Malditas in Maldives at Must Give Us Pause, na parehong prinodyus din ng kanyang film outfit, ang NDM Studios.

Ang Malditas in Maldives ay pinagbibidahan nina Arci Muñoz, Janelle Tee, at Kiray Celis, na gumanao bilang vloggers na na-stuck sa isla ng Maldives.

Bago pa man sila magsimulang mag-shooting sa Maldives ay may mga aberya agad na nangyari.

Ayon kay Direk Njel, "Pinasara namin yung resort during the filming. Kung hindi ko kaibigan yung mga artista sa Maldives, I wouldn't have survived the shooting.

"I lost my camera equipment, like the underwater camera. Nabalikan naman pero naghagilap talaga kami. May sakit si Arci for two days in Maldives.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ako makapag-shoot dahil may sakit siya, tapos nawala rin luggage niya. Buti na lang nagtago si misis ng isang set ng costume sa carry-on luggage niya."

Ang misis ni Njel na si Jan de Mesa ay executive sa NDM Studios.

Laking pasalamat din ni Njel sa pagiging friendly ng mga taga-Maldives sa kanila during the shoot.

"Nagkumahog na rin kami kasi mawawala na ang Maldives due to climate change. Sana ma-remind din ang mga tao when they watch it na this is what we should fight for," tukoy ni Njel sa isyu ng climate change.

Sa ulat ng abcnews.go.com noong 2021, may lumabas na pag-aaral mula sa National Aeronautics and Space Administration (NASA) at sa U.S. Geological Survey, na batay sa kasaluluyang rate of global warming, "almost 80 percent" ng Maldives ay di na maaaring tirhan sa taong 2050.

Njel De Mesa, owner of NDM Studios, directed Maldita in Maldives and Must Give Pause.
Njel De Mesa, owner of NDM Studios, directed Maldita in Maldives and Must Give Pause
Photo/s: Njel De Mesa Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Carlo Aquino and Charlie Dizon are officially married!

MUST GIVE US PAUSE

Sa kabilang banda, ang Must Give Us Pause ay tinalakay ang konsepto ng life and death base sa magkaibang pananaw sa buhay ng isang babaeng may cancer at babaeng nais na tapusin ang buhay.

Ipinaliwanag ni Njel na sakto ang tema ng Must Give Us Pause sa Jinseo Arigato International filmfest.

"Since Jinseo Arigato film festival celebrates kasi life and cross-cultural relations between Filipino and Japanese.

"So, the organizers organized this as such because there is sort of a like a damaged mentality of Filipinos in Japan because of the murders in Japan by Filipinos.

"They had this na one thing to sort of show the Japanese community that Filipinos care about Japan. We care about the culture. We care about the Japanese people.

"So, parang mataas yung gustong i-achieve ng Jinseo by celebrating life."

Ang ibig sabihin daw kasi ng "jinseo" ay "thank you for this life."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Patuloy ni Njel, "So, feeling ko kaya siya na-select is because, Must Give Us Pause, ang premise niya talaga is merong novelist na American na hindi niya naipagluksa ang tatay niya gawa nung quarantine.

"So, yung tatay niya bago mag-quarantine, nagkasamaan sila ng loob. Tapos, nung magri-reach yung tatay niya, nagdahilan sya na pupunta sya ng Singapore. Pero hindi naman. Nagdahilan lang siya kasi ayaw niyang makita ang tatay niya.

"Di ba, naalaala ninyo nung quarantine may namamatay na kamag-anak natin sa ospital na hindi natin mabisita? Tapos nag-quarantine, namatay ang tatay niya dahil sa pandemic. Tapos, hindi man lang niya nadalaw."

Sinisi ng lead character sa istorya ang sarili sa pagkawala ng ama.

"Ang feeling niya pinatay niya ang tatay niya because of guilt. So, gusto niyang magpakamatay sa Singapore.

"Tapos mami-meet niya ang babaeng ito na terminally ill na gustong mabuhay. So, yung contrast niya.

"So, parang hot from the heels of pandemic kasi parang everyone, the pandemic changed us, e. Iba ang perspective nating lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, parang all we want now is to enjoy life kasi we begun to question why we are here?

"So, kaya Jinseo Arigato embraces the celebration of life, e. And because of death nabibigyan kahulugan ang life, which leads me to something na it’s a business model we’re trying also to create here in NDM Studios."

Bukod sa dalawang pelikulang nabanggit, ipinalabas din sa Jinseo film fest sa Japan ang ilan pang proyekto mula sa NDM Studios.

Ang Coronaphobia tampok sina Diana Menezes, Will Devaughn at Paolo Paraiso; Mamasan? nina Shaneley Santos, Razel Ichimiya, Ado Chan, Fab Montemayor at Jaira Mara; Subtext nina Paolo Contis, Ciara Sotto, Ely Cellan, Hannah Arguelles, Nova Villa at Boboy Garovillo; at ang Creepy Shorts Anthology nina Will Devaughn, Kazuo Nawa, Artist Orbista at Princess Lerio.

Read: Carlo Aquino posts pic with Charlie Dizon amid wedding talk

MORE FILMS FROM NDM STUDIOS

Sampung pelikula ang sabay-sabay na ipapalabas ng NDM Studios this year, pero hindi pa raw agad ito ipapalabas sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang plano talaga namin, mag-iikot muna kami sa ibang bansa. Ipapalabas muna namin sa ibang bansa.

"Narinig niyo naman yung angal ng ibang artista? Recently, si Janella Salvador nagsasabi siya na dismayado siya sa box-office returns ng mga pelikula. Talagang mahina.

"So, ang plano kasi ng NDM Studios, yung sampung pelikula namin sa mga festivals muna namin ilalabas. Kapag narinig na namin ang panawagan ng mga tao na bumalik ka na dito at gusto na nilang mapanood, only then we will show it here."

Mahina pa rin daw kasi ang kita sa mga sinehan.

Paliwanag pa ni Njel: "So, magkakaroon kami ng theatrical release. And since I’m producing, it’s my call. When I don’t feel like, I’m not going to invest on something...

"Like a theatrical run would require like PHP2.8 M just to distribute the portable hard drives and to pay the checkers and everything. A lot of distribution office would know this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre naririnig natin, mga sikat na artista na yung nasa pelikuka, PHP60,000 lang yung kinita. Nationwide screening, PHP100,000 lang ang kinita.

"So, parang pag sinabi mo’ng nag-flop ang pelikula, lahat magpa-flop na yan e. So, parang ang nangyayari nadi-defeat nang nadi-defeat din.

"So sabi ko, it’s a new approach sa akin mag-film festival muna ako. Kapag narinig ako ang demand ‘tsaka lang ako maglalabas nung PHP2.8M para i-theatrical screening."

MISSING THE THEATRICAL EXPERIENCE

Noong panahong wala pa raw streaming platforms, naaalala raw niya ang kasabikan sa paghabol ng pelikula sa sine kasama ang kanyang ama.

Gusto ni Njel na manumbalik ang ganoong sigla sa panonood ng sine.

"Naghahabol kami ng pelikulang Like Father, Like Son, pawala na. Last day na. Hindi mo na mapapanood yan. Kasi dati, nung panahon na yon, hindi pa uso ang VHS.

"Hanggang sa nauso ang VHS. Nauso ang DVD. So, unti-unti nawala na yung value ng theatrical experience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang pinakamalaki itong streaming platform. E, nung pandemic wala tayong [sinehan], thankful din tayo sa Netflix nagkaroon tayo ng libangan.

"Akala nung big studios it’s a profitable endeavor. Ngayon, nagkakamali sila."

Nabanggit ni Njel ang pahayag ni Walt Disney CEO Bob Iger na humarap sa malaking hamon ang kumpanya nang mag-invest ito nang husto sa streaming.

"Lahat, including Bob Iger is saying it was a poor business model to begin with. In retrospect, sa unang bugso ang laki nung income.

"Tapos, eventually, because of password sharing, piracy and everything, yung mga tao nasasanay na, 'Ay, abangan ko na lang yan sa streaming platform.'

"Hanggang sa nawawala na yung scale na gusto mong magpasabog ng malaki, may higante doon sa pelikula mo, papanoorin sa maliit na cellphone.

"So, unti-unti nade-devalue yung mismong theatrical experience—in the sense of business models ‘no—that can actually pay for the production cost. So, parang bumaba nang bumaba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Nikko Natividad FB post on It’s Showtime issue deleted

ON NOT RELEASING HIS MOVIES ON STREAMING PLATFORMS

Sa parte ni Njel, hindi raw niya ipapalabas sa streaming platforms ang mga pelikulang ginawa niya.

"E, na-realize ko, because of all of these things, I take my cue on God, e. The reason why life means to us, and we value life, is because there is a tenure.

"We know it’s going to end. There is a death to this body. So, lalagyan ko ng kamatayan ang pelikula ko. Papatayin ko talaga siya. Ide-delete ko talaga.

"Ang mga pamilya niyo, kung gusto nyo manood sa pelikula, papanorin nyo na ngayon. Kasi, ide-delete ko talaga yan.

"Hindi ako nagsisinungaling."

Kung may clamor man sa isang palabas na nagawa niya, puwede naman daw niya gawan ng panibagong bersyon para muling maisapelikula.

"So, ang mangyayari d’yan, papatayin ko ang pelikula, nandiyan pa naman ang script. I can take it up again and make a new version. Any period.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At higit sa lahat, makakapagbigay pa ako ng trabaho sa mga artista," tapos ni Direk Njel.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seen in photos are Arci Muñoz (in long gown) in Malditas in Maldives; Cheska Ortega (blonde) and Shaneley Santos (in tears) in Must Give Pause. Directed and produced by Njel De Mesa (inset), both films were shown in Jinseo Arigato International Film Festival last month.
PHOTO/S: Screengrab from Malditas in Maldives / Must Give Pause / Courtesy of Njel De Mesa
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results