Ginulat ng aktor na si Albie Casiño, 31, ang kanyang Instagram followers nang ibalita niyang isa na siyang ama.
Nayong Martes ng gabi, June 11, 2024, ibinahagi ni Albie ang video ng pagdating niya sa San Francisco International Airport kung saan masaya siyang sinalubong ng kanyang mag-ina.
Makikitang very excited si Albie nang halikan niya sa labi ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Michelina, 27, karga-karga ang kanilang baby boy.
Base sa caption ni Albie, ang pangalan ng kanyang anak ay Roman Andrew.
Ito ang unang pagkakataong nakita ni Albie nang personal ang anak na isinilang sa Amerika.
Pero walang ibinahaging detalye si Albie kung kailan isinilang ang anak.
Sabi ni Albie sa caption: "A great man told me 'being a dad has no days off and retirement' I wouldn’t have it any other way.
"I finally got to meet my son. Hello Roman Andrew the world is yours little man."
View this post on Instagram
CELEBRITIES REACT
Ito ang unang pagkakataong nalaman ng publiko na isa na palang ama si Albie, ngunit base sa komento ng kanyang celebrity friends ay matagal na nila itong alam.
Isa sa mga unang nagkomento sa post ni Albie ay ang singer/actor/TV host na si Darren Espanto.
Mensahe nito, "WE CAN FINALLY TALK ABOUT IT PUBLICLY HAHAHA"
Sabi naman ni Ruffa Gutierrez, "Congratulations!! not a secret anymore, Ahia!!"
Ayon kay Alexa Ilacad, "CONGRATS ALBIE!!! So happy for you guys!"
Sabi naman ni Alex Castro, "Congratulations brother sarap ng pakiramdam"
Pagbati naman ni Rodjun Cruz, "Congratulations brother @thestallion09"

Masaya rin para kay Albie sina Diego Loyzaga at Denise Laurel.

Mukhang si Darren ang isa sa may alam na magiging ama na si Albie dahil sa pagli-labor pa lang ni Michelina ay nag-uusap na sila.

Sa Instagram Story ni Albie ay makikitang tulog ang anak habang nasa sasakyan sila.

NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND
Ipinakilala ni Albie ang non-showbiz girlfriend na si Michelina noong May 2023.
Ang pagsasapubliko ni Albie sa kanilang relasyon ay kasabay ng kanyang ika-30 kaarawan at unang taon nila bilang magkasintahan noong May 14, 2023.
Sa kanyang Instagram noong May 15, 2023, ibinahagi ni Albie ang mga larawan nila ng nobya habang sila'y nasa Guam, USA.
Ayon sa hunk actor, maraming bagay siyang ipinagpapasalamat. Kabilang na rito ang selebrasyon ng kanyang kaarawan na kasama niya si Michelina.
Mababasa sa kanyang caption (published as is), "So much to be thankful for!
"One year being with @realmichelina my 30th and your 26th.
"Love you baby to more birthdays/anniversaries together [kiss emoji]."
Agad naman itong nireplayan ng kanyang nobya.
Ani Michelina, "I love you so much Mahal."
Read: Albie Casiño finally introduces girlfriend on Instagram
