Wagi si Arci Muñoz bilang Best International Filipino Actress sa kauna-unahang Jinseo Arigato International Film Festival (JAIFF) para sa pelikulang Malditas in Maldives.
Sa direksiyon ni Njel de Mesa, ito ang isa sa dalawang pelikula mula sa NDM Studios na kasali sa competition.
Ginanap ang JAIFF 2024 sa Nagoya, Japan, noong May 25-26, 2024. Ang mission nito, ayon sa kanyang Facebook page, "is to showcase Filipino cinema to both the Filipino community in Japan."
Ang isa pang entry ng NDM Studios sa competition ay ang Must Give Us Pause na dinirek din ni Njel.
ARCI Muñoz AT THE AWARDS NIGHT
Naroon din sa award-giving event si Kiray Celis bilang isa sa mga artista ng Malditas in Maldives.
Kasama ni Arci ang kanyang ina sa awards night ng JAIFF nung narinig ang kanyang pangalan para sa Best International Filipino Actress award.
Ano ang reaksiyon niya?
Bungad ni Arci, "Natawa ako. Katabi ko kasi si Kiray, e. Sabi ko, ‘Uy, Kiray, ikaw yun,”
“Tapos, wala. Tinuturo-turo namin siya tapos inaasar namin siya, ‘Ikaw yun, Kiray.’
“E, nung ako na talaga, ‘Hala, Kiray. Ano ba yun?’ sabi ko.
“Tapos sobra silang mag-cheer. Sobrang na-touch ako.”
Read:
Arci Muñoz loses PHP500K in stolen credit card: "Pinaghirapan ko yan. Ang sakit talaga."
Arci Munoz moves on from stolen debit card incident
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arci sa Cornerstone Studios last Friday, June 7.
Wala raw sa isip niya na makatanggap ng award that night.
Nangingiti niyang sabi, “Ayoko pong mag-expect ng anything in my head. Ano po, I just really love what I do and I’ll continue doing that po.
"And having an award or getting something, ma-recognize in something that I love is a bonus, especially it’s Japan.”
Ano ang nasa isip niya nung paakyat na siya ng stage para tanggapjn ang kanyang award?
Tugon ni Arci, “Uhm, ‘Ano’ng sasabihin ko,’ sa isip ko. Hindi ako nag-prepare ng speech."
At sabay-tawang idinagdag, "Hala, ano’ng sasabihin ko?
“E, di nung pagdating ko doon [sa stage], nag-greet lang ako sa Japanese kasi gabi nun.
“Tapos, medyo nag-enjoy pa kami the night before kaya may hangover pa ako. Hahaha!”
ARCI DEDICATES AWARD TO HER MOM AND DAD
The night before, nagkayayaang lumabas ang Philippine delegation na nagpunta sa JAIFF.
Kuwento ni Arci, “Sabi ko, ‘Sorry, guys. I’m still having my hangover. I really appreciate,’ sabi ko.
"‘Di ba, it’s different to be recognized somewhere else,’ sabi ko.
“Ilang years na ba ako sa industry, 19? Since nag-Starstruck ako,” pagbabalik-tanaw ni Arci.
“Ah, may mga awards ako nung Starstruck. Hahaha! Di ba pag best performer ka, ganyan. But since gumagawa na ako ng, may lead movies ako and soap, oo, first time ko talaga [magka-award].
“And na-enjoy ko naman. Hindi ako nag-e-expect. Kasi for me, reward na mismo na alam ko, I did a great job and nagustuhan ng mga tao yung ginawa ko.”
Ano ang reaction ng mom niya sa kanyang award?
“I dedicated the award to her and to dad. My dad passed away. So I know since my dad passed away, I know that he’s been guiding me from above."
Sa pagpapatuloy niya, “Kasi my Dad passed away [in 2016], during my first movie, Always Be My Maybe [2019], and it was a success, and I know it was because of him.
“So it was a blockbuster movie like it was my first-ever lead role. Alam ko dahil yun sa kanya. So I dedicate everything to him, to my family, my mom.
“My mom, diretso ako sa kanya, e. Pagkababa ko ng stage, inabot ko yung award sa kanya. Kasi it’s for them. I do everything for them.”
Si Arci ay anak nina Yolanda Tabjan Datuin at Manuel Ramon Muñoz.

ARCI AS PRODUCER; GIVES CREDIT TO DIREK Njel
Bukod sa pagkapanalo ng award ni Arci, first movie niya ang Malditas in Maldives bilang producer.
Aniya, “I really don’t know what to do. Hahaha! Sabi ko, I really don’t know what to do nung nandoon kami.
"Si Direk Njel talaga. He’s just there guiding me all throughout. Even up to now po, nandito kami sa stage na sabi niya, ‘Mona,’ he calls me Mona [Ramona, Arci's real name].
“Sabi niya, ‘As a producer dapat ganito. Ganito na palagi. You have to meet up with people, always watch the movie.
"And you point out ano ba diyan yung ayaw mong ilagay. What music ba yung gusto mo?”
Tango lang daw siya nang tango kay Direk Njel, “Sige po, Direk. Sorry, kasi slowly I have to absorb that and I have to embrace that now.
“Shucks, producer pala ako,’ sabi ko sa sarili ko. Nanalo rin po ang NDM Studios for Best Production in Jinseo Arigato.
“So yun, work talaga nina Direk yun, actually. Ngayon ko pa lang ako yung, ’Okay, I know now what to do next time.’”
Nanalo siya ng award for the first time na nag-produce siya at pang-international pa. And first full length movie na shinoot sa Maldives.
Bulalas ni Arci, “Naku, ano po iyan talaga, it’s all because of Direk Njel de Mesa.
“So, I’m really grateful natatanggap, kasi medyo pareho kami ng personalidad ni Direk Njel. Medyo weirdo. Hahaha. Weirdo in a good way. So nagkakasundo kami sa ganitong mga bagay-bagay na minsan hindi na kami nage-gets ng mundo. Kami na lang ang may alam. Hahaha!”
LOOKING at INTERNATIONAL RELEASE OF MOVIE
Bilang producer, ano ang chance na magkaroon ng theatrical run sa bansa ang kanilang pelikula?
“So we’re working on putting Malditas in Maldives in several international film festivals.
"It will be our platform before, hopefully, we get it into streaming.
“We want to internationally release it. It’s considered theatrical release. Pero kami, ako, our goal mainly is to realy promote it internationally.
“Kasi, it’s in Maldives. We want to showcase also Maldives, the Philippines, the Filipino actors and producers, so yun po. That’s our plan as of the moment.
“But after po nito, like Jinseo Arigato was a success, we are planning to send it po sa iba pang film fests. And then, ayun, eventually, streaming platforms.
“Ang hirap po kasi, alam po nating lahat na napakahirap mag-theatrical release ngayon. Mahirap mag-sine talaga ngayon. It’s not like before."
Very significant raw ang paggawa ni Arci ng Malditas in Maldives.
"I really hope and pray na magustuhan ng mga tao ang pinaghirapan namin. That’s always naman my prayer.”
ARCI AS LEA SALONGA'S FAN
Sa halos dalawang dekada ni Arci sa showbiz, may mga hindi pa siya nakakasama sa proyekto na mga artista at direktor.
Binanggit niya ang kilalang direktor na si Brillante Mendoza.
Sino naman sa mga aktor ang gusto niyang makatrabaho?
Ani Arci, “Hindi ko pa po nakasama si Coco Martin and Alden Richards. So, sila na lang ata yung hindi ko pa naka-pair.”
What about sa mga babaeng artista? Sino ang gusto niyang makasama sa isang proyekto?
Bumuntong-hininga muna si Arci bago i-reveal ang name ng aktres na gusto niyang makatrabaho.
“Dream ko po talagang makasama si Ms. Cherie Gil. Pero wala na siya, e. Kasi one reason parang why I became an actress was because of her.
“That’s why I cried when she passed on. She’s such a great actress She reminds me of those old Hollywood actresses po. And I really love the old Hollywood,” pahayag bi Arci.
Ang isa pang celebrity na matagal na niyang hinahangaan ay si Lea Salonga.
Bulalas ulit ni Arci, ‘My second idol like I’m gonna freak out when I see her is Ms. Lea Salonga. Hahaha.
“Yung hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko kapag nakita ko siya. Baka tahimik lang ako, ‘Hi, po,'” kasunod ang malakas na tawa ni Arci.
Ano ang hinahangaan niya kay Lea?
Tugon niya, “Mahilig kasi ako sa fairy tales and she’s a Disney Princess. And wow, she sings so well and parang there’s only one Lea Salonga!”
