Hindi naaliw ang ibang netizens sa anila’y mala-circus na pakulo ng 7th Senior High School graduation ceremony ng Kapalong College of Technology Inc. sa Kapalong, Davao Del Norte.
Na-offend ang netizens sa viral video na makikitang nagsasayaw ang mga estudyante ng mala-Tiktok matapos nilang abutin ang kanilang diploma.
Ang videong ipinost sa Tiktok ni @vleanacruz noong May 24,2024 ay may 151,300 views, 3,015 reactions, 166 comments, at 442 shares.
Lalo itong nakatawag-pansin sa social media nang i-repost ng isang Puerto Galera-based radio station sa kanilang Facebook account noong May 25. Umani ito ng 27,000 reactions, 13,800 comments, at 5.3 million plays.
Read: Ninang in viral Negros Oriental wedding speaks up
NETIZENS SAY THIS IS a DISGRACE TO DEPED
Sa viral post ng GWaves radio station, bumaha ang comments ng netizens na malinaw na dismayado sa napanood.
Tinuligsa nila ang paaralan, maging ang matataas na mga opisyal nito. Napuna din ang maling spelling ng “Technology” sa LED screen sa stage.
Narito ang ilan sa comments ng netizens:
“Reflection lahat yan sa Dean, Teachers and Parents. Binabalahura lang nila at pumayag naman sila.
“Bagay na dimo makikita sa mga malalaking state universities. No wonder, Pati TECHNOLOGY mali mali spelling nila inuuna katangahan.”

Netizen 2 : “Pangalan ng school nila wrong spelling, kaya ang graduation program nila WRONG din. Paki review ang DepEd Vision, Mission and Core values. WALA KAYO SA AYOS!”
Netizen 3: “The school must be held accountable. the school's license must be put on hold. They may be excellent academically but they have not done an excellent job in making students discern right from wrong which is the primary building block of education.”
Netizen 4: “Sira ulo ng mga estudyante mas sira ulo ng mga teacher, pinabayaan lang!”



Ayon sa isa pa, hindi karapat-dapat ang mga ganitong gawi para sa nasabing okasyon: “Inappropriate. There is a time and a place for this type of behavior. Allowing this trivializes the meaning and purpose of the ceremony. Wala ng boundaries—lahat na lang ginagawang katatawanan.”
Sinisi naman ng ilan ang kagustuhan ng karamihan na mag-trending sa social media.
Komento ng isang netizen, “Mostly kulang na sa pansin ang mga kabataan ngayon kaya kahit magmukha silang ewan gagawin nila magviral lang. Sad generation.”
Ang iba ay isinisisi sa social media platform, lalo na sa Tiktok, ang pangyayari. Narito ang katuwiran nila:
“Wala na talagang magandang naidudulot ang social media sa mga kabataan.,. Ginagawa ng katatawanan ang mga ganyang event.., wala na mga respeto mga kabataan ngayon.”
“FORMAL rites po yan, hinde audition sa Tiktok. Nakakabastos and NOT considered as an innovation.”

Mayroon pa ngang nagbanggit ng Department Order ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ukol sa pagdaraos ng graduation rites.
Marahil ay upang igiit na may karampatang respetong dapat ibigay sa pagdaraos ng graduation na itinuturing na isang pormal at mahalagang okasyon.
Ang DO No. 8 Series of 2017 ay nagsasaad na: “Further, the end of school year rites and moving up or closing ceremony should be conducted in an appropriate solemn ceremony befitting the learners and their parents and shall not be used as a political forum.”
May ilang pumabor sa ginawa ng mga estudyante sa video.
Hirit ng isang netizen: “Aprub Yan!... Tanggal stress sa lahat. Stress si teacher Kay studyante buti na lng at graduate na... Bawas stress din si parent sa pabaon at allowance sa pasaway na anak. At bawas stress din Kay student sa home work at assignment....”
At pagsapol nito sa nangyari: “That's how they express their HAPPINESS.”
Dagdag dito, kung pagbabasehan ang nangyayari sa ibang parte ng mundo, mukhang nahuhuli sa panahon ang DO No. 8 Series of 2017 ng DepEd.
Sabi nito "the end of school year rites...shall not be used as a political forum."
Pero mismong sa pinakatanyag na Ivy League school sa U.S., ang Harvard, nitong 2024 graduation ay malinaw ang political challenge ng ibinato ng mga estudyante.
Ilan sa kanila ang umakyat para sa diploma at doon nag-unfurl ng banner na "Free Palestine" patukoy sa nangyayaring genocide sa Gaza.
Ang student graduation speaker ay nagsalita tungkol sa Israel-Palestine war at ang role nilang mga estudyante sa pagpapatigil ng conflict. Sabi nito, "Harvard, do you hear us? Harvard, do you hear us?"
At matapos ang seremonya, ang mga graduates, ika nga, whooped it up: naghiyawan, nag-Free Palestine, nag-Hello World kumbaga. Walang pormalidad, walang rigid solemnity.
Sabi nga, pinag-aral mo upang matutong mag-isip ang mga bata. Nang natuto, paano't papatayin mo ang kanilang right to free expression?
Read: Retired colonel comes out as gay in obituary
DEPED REACTS to tiktok
Kaugnay pa rin ng isyu, naglabas ng reaction ang DepEd.
Sa ulat ni Ian Cruz para sa 24 Oras kamakailan, sinabi ng DepEd na wala pa silang natatanggap na report mula sa regional office kaugnay ng nag-trending na video.
Pero giit ng DepEd, hindi dapat binabalahura ang graduation ceremonies.
Lahad ng DepEd Assistant Secretary for Operations Francis Bringas, “They should be conducted in a solemn manner.
"So definitely ‘yung twerking or dancing upon the receipt of the diploma does not fall in the category of celebrating its solemnity.
“In fact, kung dalawa o tatlo ang mga sumasayaw, they should be more sensitive that there are more parents that would want the ceremony to remain solemn.”
KAPALONG COLLEGE APOLoGIZES
Sa Facebook post ng radio station na 93.9 IFM News Davao, na translated sa Ingles, sinabi nitong humihingi ng paumanhin ang pamunuan ng Kapalong College of Technology tungkol sa insidente.
Sa isa umanong official statement, sinabi ng paaralan: “it deeply regretted for any inconvenience or harm it caused to viewers of the video of the ceremony.
“They are yet to understand that this has become a hot topic online. They apologise to all who were offended by this activity and do not aim to make it felt by the masses.”
Nangako din silang hindi na mauulit ang pangyayari.
Kayo, ano ang take niyo? Ito nga ba ay kawalan ng respeto sa tradisyon? O ito ay hudyat ng mga bagong gawing mas akma sa kultura ng kabataan?