Bumuhos ang mga panalangin para sa mabilis na paggaling ng seasoned broadcast journalist na si Arnold Clavio matapos magkaroon ng hemorrhagic stroke.
Ilang araw nang hindi napapanood si Arnold sa mga programa niya sa GMA-7 dahil naka-confine siya sa ospital mula pa noong Hunyo 11, 2024.
Read: Arnold Clavio remembers late Mike Enriquez on his 72nd birthday: "Miss kita Ama."
Sa kanyang Instagram post ngayong Biyernes, Hunyo 14, detalyadong ibinahagi ng GMA Integrated News anchor ang nangyari sa kanya.
Noong Hunyo 11, nagda-drive na raw siya pauwi galing sa Eastridge Golf Course sa may Angono, Rizal, nang naramdaman niya ang matinding pamamanhid sa kanyang kanang braso at binti.
Lahad niya, published as is: "Di ko na rin maramdaman ang pag-apak sa pedal ng gas at break.
“Huminto ako sa isang gasoline station para i-check ang sarili ko. Papunta ng restroom, hindi na ako makalakad. Kailangan ko na may mahawakan.
“Agad kong tiningnan ang sarili ko sa salamin kung tabingi ba ang mukha ko o maga ang mata ko.
"Wala naman kaya balik na ako sa sasakyan. At hindi ito naging madali."
Sinabi raw ni Arnold sa sarili na titigil siya sa unang ospital na makita kaya maingat niyang binaybay ang Sumulong Highway, hanggang marating niya ang emergency room ng Fatima University Medical Center sa Antipolo.
Read: Arnold Clavio lauds Alex Gonzaga for apologizing to waiter after viral cake-smearing video

ARNOLD CLAVIO DIAGNOSED WITH HEMORRHAGIC STROKE
Sa emergency room ay sumailalim si Arnold sa ilang tests at doon natuklasang nagkaroon siya ng hemorrhagic stroke, o pagdurugo sa utak dahil sa pagputok ng blood vessel.
Ayon sa Unang Hirit host, “Doon inasikaso ako at after ilang test, lumitaw na ang blood pressure (BP) ko ay nasa 220/120 at ang blood sugar ko ay umabot ng 270.
“Inirekomenda na isailalim ako sa CT Scan. Doon nakita na may ‘slight bleeding’ ako sa kaliwang bahagi ng aking utak. At sa oras na yon, ako ay nagkaroon na ng ‘HEMORRHAGIC STROKE’!"

Pagkatapos daw nito ay inilipat siya sa St. Luke's Medical Center, kung saan siya kasalukuyang naka-confine.
Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Arnold: "Feeling ok does not mean you're ok …
“Feeling good does not mean we’re good. Listen to your body.
"Traydor ang hypertension! Always check your BP.
“Thank you Lord. I personally experienced your MIRACLE.”
View this post on Instagram