PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Teresa Loyzaga admits sending son Diego to rehab in 2018

Teresa Loyzaga recalls the pain she felt while Diego was in rehab.
by Jojo Gabinete
Published Jun 17, 2024
teresa loyzaga son diego
Teresa Loyzaga on son Diego Loyzaga being angry at her for sending him to rehab: "We have to understand na yung mga mahal natin sa buhay kapag nalulong sa droga, kapag kinausap mo sila, binabastos ka nila. Hindi sila yon. Yun yong gamot. Nung nawala lahat yon, bumalik yung anak ko. Then, naintindihan niya."
PHOTO/S: GMA Network / Instagram

Mismong si Teresa Loyzaga ang nagpasok sa kanyang anak na si Diego Loyzaga sa drug rehabilitation center nang malulong noon ang aktor sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Si Diego ay anak ni Teresa sa dating karelasyon na si Cesar Montano.

Read: Diego Loyzaga, ibinahagi kung paano nalampasan ang depression noon

Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda na napanood ngayong Lunes ng hapon, Hunyo 17, 2024, ipinagtapat ni Teresa na sinisi niya ang sarili sa pagkakaroon ng bisyo noon ni Diego.

“I wasn’t always there, even if I try to be always there. I just couldn’t.

"Somebody had to work. Somebody had to put food in the table. Somebody had to put a roof over their heads. Somebody had to put them to school.

“And, please, I am not saying these na I’m degrading other people. No. Wala akong pinupuntiryang mga wala doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun ang sitwasyon namin so I dealt with it the best way I could,” saad ni Teresa.

Read: Teresa Loyzaga opens up about son Diego

teresa loyzaga and son diego
Teresa Loyzaga and son Diego in one of their beach getaways.
Photo/s: @teresaloyzaga Instagram

TERESA LOYZAGA RECALLS DIEGO'S TIME AT REHAB

Inamin ni Teresa na hiningi muna niya ang permiso ni Diego bago siya nagsalita sa programa ni Boy tungkol sa mga pinagdaanan nilang mag-ina noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya, “To be honest, my son was here, and I did ask him. I’m gonna be speaking about it with his permission.

“I think what the people do not know is I put him to rehab. I put him to rehab.

“There’s a part of me that died, but I wanted my son to live, so I had to put him to rehab.”

Kabilang sa mga ipinagtapat ni Teresa ang galit na naramdaman ni Diego nang dalhin ito sa drug rehabilitation center noong 2018, pero naunawaan niya ang inasal ng kanyang anak.

Read: Diego Loyzaga, kumpirmadong ipinasok sa ospital; Teresa at Cesar, nananatiling tahimik

Pagbabahagi ng aktres: “He wasn’t himself then.

"We have to understand na yung mga mahal natin sa buhay, kapag nalulong sa droga, kapag kinausap mo sila, binabastos ka nila. Hindi sila yon. Yun yong gamot.

“Nung nawala lahat yon, bumalik yung anak ko. Then, naintindihan niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"And ang tagal naming hindi nagkita, pero ang hindi rin niya alam, bumibisita ako parati sa kanya, kahit na bawal kaming magkita.

“That was part of his punishment for him to learn. To appreciate home, family.

“Hindi kami nagkita, pero kapag bumibisita ako dun, minsan pader lang yung pagitan namin, nandiyan siya sa kabila.

"Hindi niya alam pero napapanood ko siya sa isang maliit na monitor. Kung nasaan siya sa loob, kapag kumakain siya. Nagpapadala ako ng pagkain."

Pagpapatuloy ni Teresa, "There was one time, tarpaulin lang ang pagitan namin. May butas yung tarpaulin.

“Sabi sa akin, ‘You have to promise tatahimik ka. Hindi ka magpaparamdam.’

“Sabi ko, promise. Gusto ko lang talagang makalapit. Pagitan lang namin, tarpaulin.

"Nakasilip lang ako sa butas para makita ko lang yung anak ko. Ang hirap."

Read: Diego Loyzaga explains why parents Teresa Loyzaga, Cesar Montano are not on speaking terms

TERESA REMAINS GRATEFUL

Naniniwala si Teresa na malaki ang naitulong ng walang katapusang pagdarasal niya sa Diyos sa pagbabago at paggaling ni Diego.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “And you know what, prayers, prayers, and neverending prayers and pasasalamat talaga. Dun ako kumapit. Grabe!

“Kung wala yon, baka ako din, nasa loob. And there are days, iniisip ko, kailangan ko rin yatang pumasok para matuto rin. Haaay, ang hirap, pero look!

“There’s so much to be thankful for. Every day, you learn something. Every day is a struggle.

"But there’s also a reason to be thankful and rejoice. To celebrate and be grateful. It’s a new life.”

Maligayang-maligaya na ngayon si Teresa dahil wala nang bisyo si Diego at malaki na ang ipinagbago nito.

Isa ring responsableng ama si Diego sa anak na si Hailey, ang apo ng aktres na kinababaliwan nito nang husto.

Read: Teresa Loyzaga is a doting "glamma" to Diego Loyzaga's baby

Teresa Loyzaga is making the most out of being a grandmother for the very first time, through Diego Loyzaga's baby Hailey Paige Loyzaga; plays bubbles with her
Teresa Loyzaga is making the most out of being a grandmother for the very first time, through Diego Loyzaga's baby Hailey Paige Loyzaga, whom she plays bubbles with.
Photo/s: Screengrab from Instagram | @teresaloyzaga
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Teresa Loyzaga on son Diego Loyzaga being angry at her for sending him to rehab: "We have to understand na yung mga mahal natin sa buhay kapag nalulong sa droga, kapag kinausap mo sila, binabastos ka nila. Hindi sila yon. Yun yong gamot. Nung nawala lahat yon, bumalik yung anak ko. Then, naintindihan niya."
PHOTO/S: GMA Network / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results