PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yayo Aguila weighs in on young stars disrespecting veterans

Yayo Aguila: "Yung iba kailangan sinisindak mo, e."
by Rommel Gonzales
Published Jun 17, 2024
Yayo Aguila on young stars disrespecting veterans
Yayo Aguila on confronting a disrespectful star in case it happens to her: "Siguro bilang co-worker, may right ka ring magsabi sa mga kasama mo kung wala sila sa lugar... Hindi naman talak, pero hindi ko rin kino-close yung doors ko sa pagtatalak kasi minsan yung iba kailangan sinisindak mo, e."
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Sikat na female teen star si Yayo Aguila na unang nakilala sa iconic teen film na Bagets noong 1984.

Read: Yayo Aguila admits to crying spell during Padyak Princess

Kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yayo kung ano ang malaking pagkakaiba ng bagets stars noon sa teen stars ngayon.

May nambastos na ba sa kanya o nagpakita ng kawalan ng respeto na mga baguhang artista?

"Actually, wala pa," bungad ni Yayo.

"Kasi marami na akong nakitang mga interviews ng mga kasabayan ko na marami silang angal. Marami akong naririnig.

"Pero lagi kong sinasabi, gusto kong may makatapat na ganun. Gusto ko lang silang ilagay sa lugar nila. Hindi ba?"

WHAT YAYO AGUILA WILL DO

Kung sakali, tatalakan ba niya ang batang artistang walang respeto kung umasta?

"Alam mo, hindi ko pa alam. Hindi ko pa nae-experience, pero iyan ang gusto kong gawin," hirit ni Yayo.

Sabay sabi rin niya, "Hindi, alam mo kasi, napansin ko sa sarili ko, tahimik lang naman akong tao, e. At tsaka lahat friends ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ngayong tumatanda ako, nari-realize ko, yung pasensiya ko umiikli.

"So iniisip ko, siguro naman sa tagal ko na rin sa industriya, meron din naman akong right na itama ka kung mali ka, lalo na kung nakakaapekto ka sa ibang kasama sa grupo.

"Hindi ka puwedeng, 'Ikaw lang, yung ganyan ka, pero lahat kami, okay kami, nagrerespetuhan. Hindi puwedeng ganun.

"Siguro bilang co-worker, may right ka ring magsabi sa mga kasama mo kung wala sila sa lugar."

Inulit naming tanungin kung tatalak siya kung mangyari sa kanya ang ganoong sitwasyon.

“Hindi naman talak,” pakli ni Yayo, “pero hindi ko rin kino-close yung doors ko sa pagtatalak kasi minsan yung iba kailangan sinisindak mo, e."

Nakapanayam ng PEP si Yayo sa grand mediacon ng Padyak Princess sa TV5 Media Center sa Reliance St. sa Mandaluyong City, noong Martes, June 4, 2024.

Balik-tanaw ni Yayo, noong kabataan niya, hindi raw ganoon katalamak ang kumpitensiya sa mga artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dati kasi masaya lang ang buhay, di ba? Parang it’s not a competition, it’s not a race.

"Ngayon parang ganyan, parang kanya-kanyang gustong magpabida-bida."

May payo si Yayo sa mga batang artista tungkol sa mindset sa trabaho.

“Hindi naman tayo dapat ganun. Pantay-pantay lang tayo sa work, di ba? Tsaka dapat masaya lang, walang mag-iiba, walang nega.

"Kasi the more na mabuti kang tao at mabuti kang katrabaho mas maraming blessings na darating sa iyo.

"Tsaka nagmamarka ka sa mga katrabaho mo, e. Siyempre dapat maging example ka rin, di ba?

"Hindi lang bilang artista, kundi bilang tao."

Read: Teresa Loyzaga admits sending son Diego to rehab in 2018

NO PASAWAY ON PADYAK PRINCESS

Wala namang masabi kundi papuri si Yayo sa mga kabataaang artistang kasama niya sa Padyak Princess ng TV5.

Ang cast ay sina Miles Ocampo, Jameson Blake, Joao Constancia, David Remo, Gillian Vicencio, Karissa Toliongco, Jem Manicad, Miel Espinoza, at Kira Balinger.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ito, itong mga batang ito, lahat halos nakatrabaho ko na, e, kaya wala akong kaproble-problema sa kanila kasi sobrang ayos nila.

"In fairness, ha? Maayos itong grupo na ‘to.

"May mga grupo na rin akong nasamahan na merong isang hindi maayos, o merong isang, alam mo na, gustong nasa limelight, ganoon.

"Pero ito okay na okay sila."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yayo Aguila on confronting a disrespectful star in case it happens to her: "Siguro bilang co-worker, may right ka ring magsabi sa mga kasama mo kung wala sila sa lugar... Hindi naman talak, pero hindi ko rin kino-close yung doors ko sa pagtatalak kasi minsan yung iba kailangan sinisindak mo, e."
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results