Ipinagdiriwang ng LGBTQ+ communities ang Pride Month tuwing Hunyo bilang paggunita sa Stonewall riots.
Read: Celebrities celebrate Preview.ph's Pride 2024 Cover
Ayon sa Wikipedia, ang Stonewall riots na tinatawag ding Stonewall uprising, Stonewall rebellion, or simply Stonewall, ay isang serye ng spontaneous, violent demonstrations kontra sa police raid na nagsimula noong madaling-araw ng Hunyo 28, 1969 sa Stonewall Inn sa Greenwich Village neighborhood ng New York City.
Iyon ang hudyat ng gay rights movement sa United States at sa buong mundo.
Hulyo 3, 1969 nagtapos ang Stonewall riots. Post ng Pride PH sa Facebook noong unang araw ng Hunyo, “TO CELEBRATE PRIDE IS TO MAKE A STAND.
“This year, we don’t just fight for ourselves but –
“We fight for our community
“We fight for family
“We fight for love
“Pride Month is more than just a celebration — it's a movement for change, love, and equality.
“Inclusivity is at the heart of Pride. True acceptance demands fighting for everyone’s equal rights to live and to love.
“Walang tinatapakan na iba, walang iiwanan. Lahat tayo kasama sa laban. In love, no one is left behind. “Happy Pride Month!”
OH, ALEX!
Back-to-back ang theatrical release ng dalawang pelikula ni Alex Diaz ngayong buwan.
Hunyo 5 nag-come out sa mga sinehan ang BL movie nila ni Alan Cammish na Glitter & Doom.

Hunyo 12, Araw ng Kalayaan, naman nagbukas sa mga sinehan ang smorgasbord movie na Fruitcake, kung saan maaalab ang mga laplapan nila ni Marcus Paterson.

Ngayong Hunyo 19, Miyerkules, 163rd birth anniversary ng pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal, showing na sa Ayala cinemas ang catfishing film na Marupok AF (Where Is The Lie?) kung saan nagkatikiman sina Royce Cabrera at EJ Jallorina.
Sa poster niyon ay Hulyo 10 ang playdate. Before ay napabalitang Hunyo 26 iyon iso-showing.
Kasabay ng Marupok AF ang showing ng Karma ni Rhen Escaño, Cabrini, The Exorcism, at The Bikeriders.

PELIKULAYA
Proud ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa paghahandog ng Pelikulaya 2024 mula Hunyo 19 hanggang 30 sa Cinematheque Centres (Manila, Davao, Nabunturan, Negros, at Iloilo), Robinsons Galleria, at The Metropolitan Theater.
“Mga Kuwentong Mapagpalaya” ang tema ng Pelikulaya 2024, kung saan mapapanood ang piling Filipino classics and contemporary LGBTQIA+ cinema.
Ang tiket prices ay Php 150 to Php 200 depending on the film. Meron ding libre.

JuanFlix: The FDCP Channel is also streaming a curated lineup of Pelikulaya titles starting on June 21 for only PHP 99/month.
“Through the celebration of the Month of Pride, we see the rainbow not only as a symbol of hope but as a sampler of human beings bound together by acceptance, compassion and understanding,” pahayag ni FDCP Chairman and CEO Jose Javier Reyes.
Onsite film screenings sa Cinematheque Centres nationwide:
Facifica Falayfay (1969) ni Luciano Carlos
Huling Palabas (2023) ni Ryan Machado
Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa (2011) ni Alvin Yapan
Kasal (2014) ni Jay Altarejos
Divine Factory (2022) ni Joseph Mangat
Ang Tatay Kong Nanay (1978) ni Lino Brocka
Oliver (1983) ni Nick Deocampo
Close (2022) ni Lukas Dhont
Kaming Mga Talyada (1962) ni Tony Cayado

Online streaming sa JuanFlix:
Si Astri maka si Tambulah ni Xeph Suarez
I Get So Sad Sometimes ni Trishtan Perez
Nang Maglublob Ako Sa Isang Mangkok ng Liwanag ni Kukay Zinampan
This is Not a Coming Out Story ni Mark Felix Ebreo
Markova: Comfort Gay ni Gil Portes
Jay ni Francis Xavier Pasion
Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa ni Alvin Yapan
2 Cool 2 Be 4Gotten ni Petersen Vargas
Mamu (and a Mother Too) ni Rod Singh
Sila Sila ni Giancarlo Abrahan
Metamorphosis ni J.E. Tiglao
Happy Together ni Wong Kar Wai
Film screenings sa Robinsons Galleria sa Hunyo 22 at 30:
Close (2022) ni Lukas Dhont
Monster (2023) ni Kore-eda
Huling Palabas (2023) ni Ryan Machado
Becky & Badette (2023) ni Jun Robles Lana
About Us But Not About Us (2023) ni Jun Lana
Film screening sa The Metropolitan Theater sa Hunyo 23:
Gameboys: The Movie (2021) ni Ivan Payawal

UNITY ANTHEM
Ini-release ng Divine Divas na sina Brigiding, Precious Paula Nicole, at Viñas Deluxe ang kanilang unang single na “Oh, Divine Diva” sa pagpasok ng Pride Month.
Ibinida nila sa dance-pop na awitin ang mensahe ng empowerment at pagkakaroon ng confidence upang harapin ang hamon ng buhay.
Noong nakaraang taon, idinaos ng Divine Divas ang kanilang unang major concert na Divine Divas Live sa New Frontier Theater. Sinundan nila ito ng kanilang trending performance sa naganap na DragCon UK.
Nagsama-sama naman ang dating “Tawag ng Tanghalan” contestants na sina Anton Antenorcruz, Raven Heyres, at Saga para sa call for unity sa LGBTQ+ community sa kanilang kanta na “Bilang” na isinulat at prinodyus ng King of Talk na si Boy Abunda.
Read: Boy Abunda writes songs for the LGBTQ community
Isang disco-pop song ang “Bilang” na handog ng Star Music at nagsisilbi ring apila sa lipunan para kilalanin, tanggapin, at pakinggan ang LGBTQ+ people.
Ito ang unang single ng tatlong power belters na magiging bahagi ng espesyal na EP na “Say It Clear, Say It Loud” na binubuo ni Boy sa ilalim ng Star Music label at magsisilbing kauna-unahang Pride EP na ilalabas sa bansa.
PINTOG
Swak sa Pride Month ang tatlong linggo ng Virgin Labfest 19: Pintog sa CCP Black Box, o Tanghalang Ignacio Gimenez sa Pasay City.
Ang Virgin Labfest ay theater festival ng “untried, untested, and unstaged one-act plays.”

Three weeks ang VLF 19 — Premiere Week (Hunyo 12-16), Mid Week (Hunyo 19-23), at Encore Week (Hunyo 26-30).
Tampok dito ang labinlimang dula, na grinupo ng tatluhan, at kada linggo ay tigdadalawang performances.
Nasa Set A: Dilema ang mga dulang Vengeance of the Gods, Ningas, at Love on the Brain.
Nasa Set B: Bingit ang mga dulang Sentenaryo, The Divine Family, at Identite.
Nasa Set C: PuTim ang mga dulang Pagkapit sa Hangin, Lipistik at Pulbura, at The Foxtrot.
Nasa Set D: Di-Tiyak ang mga dulang Si Hesus Na’a sa US, Ang Munting Liwanag sa Madilim na Sulok ng Isang Serbeserya sa Maynila, at Sa Babaeng Lahat.
Nasa Set E (Revisited): Sagad ang mga dulang Dominador Gonzales: National Artist, Room 209, at Ang Awit ng Dalagang Marmol.
Ang “revisited” plays ay mula sa VLF 18: Hitik last year. Bawat set ay may handog para sa LGBTQI+ communities.
Sa Love on the Brain, ang tatlong tauhan ay pawang gay.
Nadiskubre ng ex-lovers na sina Ryan at Jake na pareho silang HIV+. Ang $69-question, nahawaan din kaya ng virus ang current dyowa ni Ryan na si Mike?
Sa Sentenaryo, flamboyant gay ang panganay na apo ni Tatay Dencio na si Joel.
Sa The Divine Family, ang panganay na anak ni Mama Tess ay gay, at escabeche ito ng married gay na si Clinton.
Sa The Foxtrot, babaeng bakla ang arrival ng yayamaning matrona na si Anna. Ang galawan ng D.I. niyang si Diego ay tila may bahid, pero…
Sa Sa Babaeng Lahat, classmates sa isang all-girls Catholic school ang teenagers na sina Gab, Regina, at Marie.
Wafung tomboy si Gab, na crush ang pretty na si Regina. Pakipot si Regina, na bet din naman si Gab. Best friend ni Regina si Marie, na nananalig na pinili siya ng Diyos para sa susunod na Immaculate Conception.
Sa Dominador Gonzales: National Artist, wagas ang girian at balitaktakan ng dalawang accla na dating fubu, ang mentor na si Dmon at ex-student na si Oliver.
BRIDGERTON
Ang Part 2 ng Season 3 ng Bridgerton ay nag-streaming sa Netflix umpisa Hunyo 13.
Sa finale na Episode 8 (“Into the Light”), passionate ang menage-a-trois nina Benedict Bridgerton, Lady Tilley Arnold, at Paul Suarez.
Bisexual si Paul, at nagpaka-fluid o pansexual si Benedict. Nag-L-to-L sina Paul at Benedict.
Ewan kung T-to-T, at kung merong nagpaka-top, nagpaka-bottom, o kapwa versa.

Maraming iba pang palabas sa Netflix para sa LGBTQ+ communities.
Streaming din doon ang five-episode Thai BL series na I Told Sunset About You. Ang part two nito na may lima ring episodes ay pinamagatang I Promised You the Moon.

Bida rito si Putthipong “Billkin” Assaratanakul, na gumanap bilang apong si M sa How To Make Millions Before Grandma Dies.
Nasa Netflix din ang LGBTQ+ stories na Dead Boy Detectives, Schitt’s Creek, Sense8, Cherry Magic!, Grace & Frankie, The Favourite, Nuovo Olimpo, Glamorous, Marry My Dead Body, Bohemian Rhapsody, Good Grief, RuPaul’s Drag Race, AJ and the Queen, Nimona, Sex Education, Hollywood, Young Royals, Elite, XO Kitty, Para Kang Papa Mo, Markova Comfort Gay, Brokeback Mountain, Q-Force, The House of Flowers, Halston, at napakarami pang iba.

BL ba kamo?
Andiyan ang Iti Mapukpukaw, Gaya sa Pelikula, Black Butler, The Untamed, Heaven Official’s Blessing, Heartstopper, Love Simon, To Be Continued, Word of Honor, I Cannot Reach You, What Did You Eat Yesterday?, Your Name Engraved Herein, Dance of the Forty One, Gameboys Level-Up Edition, Ben x Jim, Tien Bromance, Double Daddy, Double Happy, at iba pa… walang eme!

iWantTFC STREAMING
Nakikiisa ang iWantTFC sa pagdiriwang ng Pride Month sa pagtatampok nito ng mga pelikula at serye na bida ang kwento ng komunidad ng LGBTQIA+ na maaaring i-stream nang libre.
Nandiyan ang pelikulang T-Bird at Ako (1980) na pinagbidahan nina Superstar Nora Aunor at Star for All Seasons Vilma Santos, sa direksiyon ni Danny Zialcita.

Isa pang dapat panoorin sa iWantTFC ay ang seryeng Mga Batang Poz tungkol sa apat na HIV-positive teenagers na nagsisikap na mamuhay ng normal sa kabila ng stigma na dala ng kanilang kalagayan.
Nasa cast nito sina Mark Nuemann, Fino Herrera, Paolo Gumabao, at Awra Briguela.

Para sa mga mahilig sa coming-of-age na mga pelikula, maaari nilang i-stream ang Boyette: Not a Girl Yet, na tungkol sa isang freshman sa kolehiyo na mapapabilang sa isang love triangle, habang nagsusumikap para maging isang dancer.
Bida rito si Zaijian Jaranilla kasama sina Maris Racal at Iñigo Pascual.

Para sa mahihilig sa Boys' Love (BL), magpapakilig ang pelikulang The Boy Foretold by the Stars starring Adrian Lindayag and Keann Johnson.

Para sa Girls' Love (GL), nandiyan ang seryeng Sleep with Me nina Janine Gutierrez at Lovi Poe.

Ilan pa sa mga puwedeng i-stream sa iWantTFC ngayong Pride month ang Changing Partners, 2 Cool 2 Be 4gotten, Fluid, Sila Sila, Ang Henerasyong Sumuko sa Love, My Lock Down Romance, Oh Mando!, Hello Stranger, In My Life, Si Chedeng at si Apple, at Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Lahat ng ito, libreng mapapanood sa iWantTFC sa official app nito (iOS at Android) at website.
Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay.
LOVE LABAN 2
What’s up, Madlang Bahaghari?!
Magpapaalab sina Vice Ganda, JK Labajo, Gloc-9 featuring Sandiwa, Ben & Ben, BINI, at Pura Luka Vega sa Love Laban 2 sa Hunyo 22, Sabado, sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.
LIBRE ang entrance dito.
10:00 A.M. ang umpisa ng Pride Expo. 5:00 P.M.-12:00 MN ang Pride Night concert.

Magpa-perform din sina Elijah Canlas, Janella Salvador, Nica del Rosario, Janine Berdin, VXON, G22, YML, LesQrew, Lady Gagita, Marina Summers, Brigiding, Precious Paula Nicole, at Lance Reblando.
Magpapauga rin sina Naia, Deja, Raven Heyres, Justine Pena, Matthew Chang, Russia Fox, Barbie Q, Miss Jade So, Feyvah Fatale, Astrid Mercury, Tiny Deluxe, OV Cunt, Mrs Tan, Matilduh, Hana Beshie, Vinas, Bernie, Denise Julia, Mac N’ Sheesh, at O-A.
There’s more!
Magpapasaya rin sina Captivating KatKat, Maxie Andreison, Jean Vilogue, Maria Christina, Marlyn Ocampo, Elvira, Stef Aranas, at Dj Ayel Mari and Peabo.
Kabilang sa hosts ng programa sina Alex Diaz, Sassa Gurl, Adrian Lindayag, Christian Antolin, Pipay, Yani, Nicole Cordoves, Gian Bernardino, Esnyr, Tita Krissy Achino, Bong Gonzales, Sky Teotico, at Ate Dick.
RAMPA
“Makibeki! Wag mashokot! Maki-party! Wag mashogod!”
The celebration and protest don’t end at the QC Memorial Circle.
Ang official Love Laban 2 after-party ay sa Hunyo 22, Sabado ng 9:00 P.M. sa Rampa sa 40 Eugenio Lopez Drive, Brgy. South Triangle, Quezon City.
Andiyan ang drag performances ng Divine Divas na sina Viñas DeLuxe, Precious Paula Nicole at Brigiding, plus the Rampa Reynas Neenja, Abigail, Kieffy, Budalyn, Eliza, Eyygatha, Budalyn, Bomba Ding, Asha Sole and Mz Chronicles.
Ang door charge ay PHP700, may kasama nang isang inumin.

