PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Stell Ajero “still shocked” by impromptu performance

Stell: "Hindi pa rin ako makapaniwala na nabigyan ako ng ganitong opportunity."
by Arniel C. Serato
Published Jun 19, 2024
Stell Ajero very proud of his performance at David Foster show
SB19's Stell Ajero on well-applauded performance at David Foster concert: "Grabe yung kaba ko. Akala ko pina-try nya lang sa'kin. Syempre sino na naman ako para tumanggi di ba? Minsan lang yung ganong pagkakataon kaya binigay ko talaga yung best ko."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Applauded ang ipinamalas na performance ng SB19 member na si Stell Ajero sa Hitman, David Foster and Friends concert na ginanap sa Araneta Coliseum nitong Martes ng gabi, Hunyo 18, 2024.

Hinangaan ng mga nanood ng concert ang "All By Myself" performance ni Stell na hindi pala na-rehearse kundi isang impromptu performance.

Read: Stell, tumanggap ng standing ovation sa David Foster concert

STELL ASKED BY DAVID FOSTER TO SING "ALL BY MYSELF"

Sa kanyang Instagram ngayong Miyerkules, June 19, 2024, ibinahagi ni Stell ang kuwento tungkol sa kayang performance kasama ang sikat na American musician, songwriter, composer, arranger, producer, at recording artist.

Hindi pa rin daw siya makapaniwalang nabigyan siya ng pagkakataong makapagtanghal sa harap ng maraming tao kasama si David.

Saad niya, "Story time! I’m still shocked. Hindi pa rin ako makapaniwala na nabigyan ako ng ganitong opportunity to perform on stage with the hitman, Mr. David Foster."

Standing ovation ang natanggap ni Stell mula sa Big Dome audience dahil sa kanyang mahusay na pag-awit sa "All By Myself."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang "All By Myself" ay ang kantang nilikha ni Eric Carmen noong 1975, na binigyan ng bagong areglo ni Foster at muling pinasikat ni Celine Dion noong 1996.

Ayon kay Stell, akala niya ay magsa-soundcheck lamang siya nang umakyat siya ng stage.

Pero diretso na raw pala ito sa kanyang performance.

Lahad ng singer, published as is: "So pag akyat ko ng stage dapat mag soundcheck na ako for my spot, pero nagulat ako Sir David is playing the piano.

"Then he ask me kung suot ko na inears ko kasi pwede daw namin itry yung song. Nagulat ako sabi ko sa utak ko “what song?”

"So na pa “huh” ako then sabi niya all by myself give it a try daw. Bilang lutang ako sa sobrang gulat kinanta ko lang siya kung pano ko siya kinakanta.

"After iplay yung arrangement nung song sabi niya “do you want to perform this song tonight?” nasabi ko nalang “if it’s ok with you sir” biglang BOOOM ayun na ang nangyare Para akong nag audition talaga. Namanifest ko yata.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Grabe ‘yung kaba ko. Akala ko pinatry nya lang sa’kin. Syempre sino na naman ako para tumanggi diba? Minsan lang yung ganong pagkakataon kaya Binigay ko talaga yung best ko."

SOLID EXPERIENCE

Dagdag pa ni Stell, grabeng kasiyahan ang kanyang naramdanan, pati na ng team niya, pagkatapos ng kanyang performance.

Nagpasalamat siya sa suporta ng audience at sa Diyos dahil sa maganda niyang performance.

Aniya, "Pagkatapos kong magperform, grabe din sigawan ng team and staff sa likod! Para kaming nanalo sa contest tapos talon kami ng talon. Grabe. Ayun lang.

"Ang haba ng kwento pero solid ang experience. Thank you sa lahat ng sumuporta. Thank you Sir David Foster and to the whole team.

"Sana nagustuhan niyo po yung performance ko. Thank you Lord kayo po talaga yung boses ko kagabi, Salamat po! #StellAtDavidandFriendsTour"

View this post on Instagram

A post shared by Stell Ajero (@stell16_)

Isa rin sa mga humanga noon kay Stell ay si Johnny “Mr. M” Manahan, ang direktor ng defunct singing competition na The Voice Generations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 'The Voice Generations' director Mr. M surprised by Stell Ajero's presence: "Talbog ako."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
SB19's Stell Ajero on well-applauded performance at David Foster concert: "Grabe yung kaba ko. Akala ko pina-try nya lang sa'kin. Syempre sino na naman ako para tumanggi di ba? Minsan lang yung ganong pagkakataon kaya binigay ko talaga yung best ko."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results