Lubos ang panaghoy ni Sunshine Guimary sa pagpanaw ng mister niya na hindi niya pinangalanan.
Si Sunshine ay nakilala bilang sexy star sa Viva Films movies tulad ng Kaka, House Tour at Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan. Siya ay taga-Cebu.
Sa kanyang Instagram post noong Huwebes ng gabi, June 20, 2024, ibinahagi niya ang larawan ng kanilang wedding by the beach.
Una ay solo niya na nakasuot ng bridal gown, at pangalawa ay ang first kiss nila bilang husband and wife.
Puno ng mga puting bulaklak ang makeshift altar na dinisenyo sa tapat ng beach.
Pero ang masayang pag-iisang dibdib nila noon ay napalitan ng lungkot ngayon.
Kasunod na litratong ipinakita ni Sunshine ay ang lamay para sa kanyang asawa.
Nakasuot si Sunshine ng itim na bestida habang nakatingin sa nakabukas na casket kunsaan nakalagak ang mister niya.
"See you soon babe," ang caption kalakip ng broken heart.
Sa maiksing palitan ng mensahe sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong Huwebes din ng gabi, kinumpirma ni Sunshine na mister niya ang pumanaw.
Ikinasal sila dalawang taon na ang nakararaan.
Ibinahagi rin ni Sunshine na heart enlargement ang sanhi ng pagkamatay ng asawa.
Read: Sunshine Guimary reveals how she caught boyfriend cheating on her; says, "Gabi-gabi ako umiiyak."
SUNSHINE GUIMARY AT HUSBAND'S WAKE
Sa Instagram Stories kagabi, ibinahagi ni Sunshine ang video kunsaan makikitang humahagulgol siya habang nakayakap sa casket.
Malakas ang kanyang pagtangis habang sa background ay maririnig ang dasal ng mga nakilamay sa kanya.
May post din siya na kuha noong papasok siya ng chapel at nilagyan niya ng text na "asawa ko" at mga crying emojis.
Sabi pa niya, "Isama nyo na ako [heartbroken emoji] ayoko na."

Read: Sunshine Guimary still grateful for all the blessings despite devastation of her house in Cebu
SUNSHINE GUIMARY FATHER DIED LAST YEAR
Hirap ang kalooban ni Sunshine dahil, base sa kanyang unang IG Stories, ang ama niya ay namatay eksaktong isang taon ang nakararaan.
Sabi pa ni Sunshine sa isang post kalakip ng litrato ng ama noong burol nito, "How r u in heaven pa? I miss you so much."
Leukemia ang ikinamatay ng kanyang ama.

