Ang kinatawan ng Sta. Cruz na si Aliya Rohilla ang kinoronahang Miss Manila 2024 sa patimpalak kagandahan na ginanap sa Metropolitan Theater nitong Sabado ng gabi, Hunyo 22, 2024.
Bukod sa titulong Miss Manila 2024, napanalunan ni Miss Sta. Cruz ang special awards na Best in Evening Gown at Best in Swimsuit.
Read: Gabrielle Lantzer of Malate crowned Miss Manila 2023
Si Leean Jamie Santos ng Manuguit, Tondo ang hinirang na Miss Manila Tourism 2024 at si Xena Ramos ng Sta. Ana naman ang Miss Charity.
First runner-up si Jubilee Acosta ng España, second runner-up si Daniella Moustafa ng Tayuman.
ALIYA ROHILLA IS A PAGEANT VETERAN
Hindi baguhan si Aliya sa pagsali sa mga beauty pageant dahil tatlong pageants ang sinalihan niya noong 2023 bilang kinatawan ng Albay, Bicol—Miss Fit Philippines, Miss CosmoWorld Philippines, at Mutya ng Daragang Magayon.
Si Aliya ay naging first runner-up sa Miss Fit Philippines 2023, at nanalo ng koronang Mutya ng Daragang Magayon noong 2023.
Siya rin ang opisyal na kandidata ng Pilipinas sa Miss Teen Supranational noong 2019.

MISS PANDACAN
Hindi pinalad makapasok sa Top 5 candidates ng Miss Manila 2024 si Estephanie Ladignon ng Pandacan.
Nakuha ni Estephanie ang atensiyon ng pageant fans dahil nagpakatotoo siya sa question-and-answer segment ng Miss Manila 2024.
Hindi naintindihan ni Estephanie ang tanong ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na “Who or what is your spirit animal?”
Sabi ni Miss Pandacan, “Owww, I think my spirit animal is something that I… I think that my spirit animal is… oh my God, I am so tensed at this moment!
"What’s the spirit animal, to be honest?”
Sina Catriona at Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel ang mga main host ng Miss Manila 2024 na mapapanood ang delayed telecast ngayong Linggo ng hapon, Hunyo 23, 2 P.M., sa GMA-7.
Read: Miss Pandacan, instant favorite sa Miss Manila 2024 dahil sa kanyang pagpapakatotoo