Labis na nagdadalamhati ngayon ang aktres na si Sue Ramirez sa pagpanaw ng kanyang lola na itinuturing niyang pangalawang ina.
Ayon kay Sue, sumakabilang-buhay ang pinakamamahal niyang lola noong June 18, 2024.
Sa kanyang madamdamin at tagos sa pusong Instagram post nitong Sabado, June 22, inalala ng aktres ang sakripisyong ipinakita at pagmamahal na ipinaramdam ng kanyang lola noong nabubuhay pa ito.
Pagbabalik-tanaw ni Sue, ang kanyang lola na tinatawag niyang "Mama" ang kasa-kasama niyang pumila sa mga audition at taping noong nagsisimula pa lamang siya sa pag-aartista.
Read: Sue Ramirez amusedly recalls her childhood ambition
Bagamat lagi silang pagod at puyat, ni isang beses daw ay hindi nagreklamo ang lola niya na samahan siya sa pag-abot ng kanyang mga pangarap.
Kung kaya't ganoon na lamang ang paghihinagpis ni Sue nang pumanaw ito.
Mababasa sa post ni Sue, kalakip ang litrato niya kasama ang kanyang lola: "Ilang araw na akong nag-iisip kung anong sasabihin. Wala talagang pumapasok sa isip ko.
"Kung lubusan niyo akong kilala, alam niyo na isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko ay ang lola ko. Si Mama.
"Hindi kailanman magiging sapat ang mga salita para ipaliwanag kung gaano ko siya kamahal at ang pagpapasalamat ko sa kanya.
"Si Mama ang nag alaga sakin habang lumalaki ako, kasama ko palagi nung nagsisimula palang ako.
"Halos araw araw puyat sa mga taping at trabaho pero kahit kailan hindi ko naringgan na pagod siya o kailanman nagsabi na hindi nya muna ako masasamahan kasi may gagawin siya. Kay Mama ko naramdaman yung feeling na maging #1."
Read: Sue Ramirez admits doing crazy things in the name of love
SUE PAYS TRIBUTE TO HER LATE GRANDMOTHER
Emosyunal ding nagpasalamat at nagpaalam si Sue sa kanyang lola.
Pangako niya, habambuhay niyang aalalahanin ang mga aral na natutunan niya rito, gayundin ang masasayang alaala nilang nabuo.
Saad ni Sue, "Mahal na mahal kita, Mama. Salamat sa napaka-selfless na pagmamahal na ibinigay at itinuro mo saakin.
"Habang buhay nang may butas ang puso ko dahil sa pagkawala mo. Habang buhay ko mamimiss na asarin ka at kumandong sayo. Yung boses mo at ngiti mo.
"The purest form of love that I have ever known. Sobrang swerte ko na naranasan kong mahalin at pahalagahan ng ganito.
"I will forever keep your memory alive, Ma. Sa isip at sa puso ko hinding hindi ka mawawala. May bago akong angel na magbabantay at aalalay sakin.
"My grandmother passed away last Tuesday. Sana maisingit niyo siya sa mga panalangin ninyo."
Hindi binanggit ni Sue ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang lola,
NETIZEN'S REACTIONS
Sa comments section ng kanyang post ay bumuhos ang pakikiramay ng kanyang mga kaibigan, co-celebrities, at fans.
Komento ni Iza Calzado, "Taos pusong pakikiramay, Sue [praying sign emoji] Yakap."
Sabi ni Chie Filomeno, "I'm sorry for your loss, Sue. Deepest condolence to you and your family."
Read: Sue Ramirez hesitant to hit Jodi Sta. Maria's head in The Broken Marriage Vow's crucial scene
Saad naman ni Adrian Lindayag, "Salamat sa pag-aaruga mo kay Sue Anna, Mama Nits. Sizzy, prayin for her at para sa inyong mga naiwan niya."

Mensahe ni Tippy Dos Santos kay Sue, "My deepest condolences, Sue. I'm so sorry for your loss. Praying for strength for you and your family right now. Kung kelangan mo ng kausap, nandito lang ako. Love you."

Ilan pa sa mga nagpaabot ng pakikiramay ay ang boyfriend ni Sue na si Victorias City, Negros Occidental Mayor Javi Benitez, Denise Laurel, Nikki Valdez, Chito Miranda, Ruby Ruiz, Melai Cantiveros, at ang direktor na si Theodore Boborol.


Read: Sue Ramirez opens up about managing LDR with Victorias City Mayor Javi Benitez
