PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL (again!): Fast-food manager doused with soft drink

This post first went viral in 2019.
by Allyanah Marielle T. Calinao
Published Jun 28, 2024
fast-food
A post about a fast-food manager who was doused with soft drink by a rude customer in 2019 resurfaces on social media, and netizens weigh in on the issue.
PHOTO/S: Erik Mclean on Pexels

May popular na kasabihang "the customer is always right," pero always nga ba?

Muling nag-trending ang isang post tungkol sa fast-food manager na binuhusan ng soft drink ng isang customer.

Bakit? Hindi kasi siya nabigyan ng straw dahil sa strawless policy.

Noong June 3, 2019, itinampok ng DZRH News Television sa Facebook page nito ang insidente, kunsaan nanatiling kalmado si Imee Joy Urgelles, manager ng kilalang fast-food chain, sa kabila ng pamamahiya ng isang customer.

Dagdag pa rito, nagawa pa ng store manager na ipaliwanag ang dahilan kung bakit hindi na nagbibigay ng plastic straws sa kanilang fast-food chain.

Sa isang Facebook post, ipinahayag ni Imee ang insidente.

Sa bandang huli, binanggit ng manager na ang suot na uniporme ay plantsa pa ng kanyang ina, subalit kahit nabasa, tuloy pa rin ang trabaho niya noong araw na iyon.

Umani ang nasabing post ng 123,000 reactions at mahigit 5,000 comments.

Limang taon ang nakalipas, ni-repost ito ng isang netizen sa FB nitong June 23, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Humakot ulit ito ng 28,000 reactions, 2,200 shares, at 6,500 comments—patunay na ang relevance ng nasabing post ay hindi saklaw ng panahon.

Imee Joy Urgelles
Imee Joy Urgelles' previous post
Photo/s: From DZRH

netizens sympathize with the manager

Gaya ng inaasahan, nakuha ni Imee ang simpatiya ng karamihan sa mga netizens.

Marami ang nagbigay ng kanilang opinyon bilang mga service crew members ng fast-food industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narito ang ilang comments mula sa comment section, published as is.

Ang sabi sa isang komento, “Proud crew here! Madami mga customer na akala nila binili na kaluluwa mo lalo pag nag wowork ka sa mga fast food chain [emoji] kailangan libo libo ang pasensya mong dala.”

comment 1

Sabi ng isa pa: “They don’t know the feeling coz Hindi cla nka pag work sa Isang fast food chains. Kudos Sayo mam you’ve made your job well done. Being a visor is not an east task all around multi tasking. To have a toxic customer is a very hard task. God Bless na lg sa customer muh mam. I’ve been a branch visor for 5 years here in negros pero sa hindi same Yung company natin pero I can feel what you feel and sa ginawa ni customer, I feel sad for her/him coz di niya na intindihan ang ‘Straw Less’ policy.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
comment

Pahayag ng isa pa, “God bless you ma’am and to all fast food workers. Hindi kayo alipin ng cutomers para ganyanin. Nakakalungkot makakita ng ganitong sitwasyon. [emoji]”

Comment 3
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahihinuha sa mga komento ang nais ipahayag ng mga tao mula sa industriyang kinabibilangan ni Imee:

Basic courtesy is also a right.

Ang pagiging crew at pagkakaroon ng trabahong paglingkuran ang customers ay hindi nangangahulugang maaari na lamang silang bastusin at ipahiya.

Samantala, may ilang netizens din na hindi napigilang ibaling ang atensiyon sa customer.

Ang sabi sa isang comment: “Bring your own straw na lang jusko. Feeling entitled masyado si customer bagsak kasi sa GMRC.”

Comment 4
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nagsabi rin ng ganito: “Nakalimutan magdala ng utak ang Costumer tsk”

Sabay reply naman ng isa pa, “walang nalimutan - wala talaga”

Comment 5

Ang isa pang comment, may patutsadang sinang-ayunan ng marami. Ang sabi: “Hirap sa pinas afford lng fastfood kala mo nasa fine dining na kht mag utos.”

Comment 6
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Punto ng isa pang netizen, “nkklungkot ..sobrang taas nman ng level nya..kahit siya pa ang pinakamayamang tao sa buong mundo…hindi nya dapat ginawa yun…dahil lang sa straw..pinakita nya ang totoo nyang ugali…next time sa five star hotel restaurant za kumain [emojis]”

Comment 7

Segunda ng isa pa, “nakakahiya naman dahil sa straw nakita ang tunay na ugali kung sino ka man maling mali po ginawa nyo”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Comment 8

Sambit ng isa, “Money can’t buy class talaga. So sorry this happened to the manager. I applaud her for being dignified kahit binastos siya.”

comment 9

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hayag ng isa pa, “It only shows that people who can’t respect others are not also capable of taking care of the environment.”

Comment 10

Iisa ang mensahe ng mga komentong ito: Huwag mamahiya.

Anu’t ano pa man ang mangyari, anuman ang context ng paghingi ng straw ng customer, nagkakaisa ang mga nagkomento sa pagsasabing hindi dapat umabot sa ganun ang eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Woman files complaint vs BF who failed to take her to airport

NETIZENS CALL THE ATTENTION OF FAST-FOOD CHAIN

Ang fast-food chain kung saan nagtatrabaho ang manager ay hindi rin nakaligtas.

Komento ng isang netizen: “Syempre foul naman talaga buhusan ka ng drinks, Hindi ka si Cherry Gil, para gawin yan.. pero dapat din sana magawan ng paraan kahit paper straw nalang para sa mga fastood nyo.”

Comment 21
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Giit naman ng isa, “Hindi sa kinakampihanbko ung customer Pero ilang best ko narin kc napatunayan na may masusungit na crew. Sabihin nila strapless Pero ang pagkaka alam ko ay may cup na pang strawless. Bigyan ka nila ng cup na hindi pang strawless Lalo na kapag sa drive thru ka ei ang hirap uminum na nagdadrive walang straw… Just saying mga kapatid.”

Comment 22
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinang-ayunan naman ang komentong ito ng ilan pang mga netizens.

Ang iba, nagbigay ng suhestiyon na magdala na lamang ang mga customer ng kani-kanilang stainless straw.

Ang sabi ng isa, “payo ko na lang sa lahat ng kumakain sa mga fast food chain o restaurant magdala na lang kayo ng sariling stainless na straw, sigurado ako walang magbabawal sa inyo na gamitin yun [emojis]”

Comment 23
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Segunda naman ng isa pa: “dami nabibili sa online ng stainless straw,mag dala ka sarili mo kung gusto mo humigop hahaha”

Comment 24

THE resolution no. 1428 PLASTIC STRAW AND STIRRER BAN OF 2018

Sa press release ng Department of Environment and Natural Resources na inilabas sa website nito, binanggit dito ang ipinasang Resolution No. 1428 series of 2021 na idinedeklarang "Plastic Straw and Plastic Coffee Stirrer as Non-Environmentally Acceptable Products or NEAP."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunman, maaaring ibigay sa mga taong mayroong medical condition o disability ang mga straw o stirrers—plastic man o hindi—kung kinakailangan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A post about a fast-food manager who was doused with soft drink by a rude customer in 2019 resurfaces on social media, and netizens weigh in on the issue.
PHOTO/S: Erik Mclean on Pexels
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results