Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection ng Tarlac na mga gamit ng nawawalang Pampanga beauty queen na si Geneva Lopez ang natagpuan nila sa nasunog na kotse noong madaling-araw ng Sabado, June 22, 2024.
Ayon sa ulat ng GMA Regional TV ngayong Martes, June 25, ilan sa mga gamit na natagpuan ay ATM card at ID picture ni Geneva.

Nai-report sa pulisya na missing si Geneva kasama ang Israeli boyfriend nitong si Yitshak Cohen noong Biyernes, June 21, 2024.
Wala raw tao sa nasunog na kotse.

Kinumpirma rin daw ng pamilya ni Lopez na iyon ang kotseng ginamit nina Geneva at Yitshak.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang impormasyong bumiyahe papuntang Capas ang magkasintahan para umano maningil ng utang.
Ayon kay PLTCOL. Librado Manarang Jr., Chief ng Capas Police Station, "Nagpunta dito yung tao na kakatagpuin ng mga victims. Nakuhanan natin ng statement pero for verification ang statement niya."
Umaapela ang mga kamag-anak ni Lopez ng tulong sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng dalawa.
Ayon pa sa police report, isang kamag-anak ni Lopez ang nakausap ng beauty queen noong tanghali ng June 21. Sinabi raw nitong papunta sila ng Capas, Tarlac para maningil ng utang.
Saad ni PMAJ. Vicky Tamayo, Station Commander ng Angeles City Police Office (ACPO) Station 4, "Ang missing person natin [ay ang] babae na kapatid nitong ating reportee. Sabi [ng missing person sa kanya], 'Pupunta po ako ng Capas maniningil ako... pautang po.'"
MISSING PAGEANT CANDIDATE
Kahapon, June 24, 2024, inanunsiyo ng Mutya ng Pilipinas Pampanga Organization na missing ang isa nilang kandidata sa Mutya ng Pampanga 2024 na si Geneva.
Si Geneva ang representative ng Sto. Tomas, Pampanga.
Buong announcement nila: "URGENT Notice to the Public!!!
"It is with serious concern that we announce the disappearance of Ms. Geneva Sarita Lopez, one of the official candidates for this year's Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 representing Sto. Tomas, Pampanga who has been reported missing since June 21.
"We would like to clarify that we had no official schedule of activities during the said date as it was alloted for the candidates' rest .
"The Mutya ng Pilipinas Pampanga Organization assures the public on the frequent monitoring with police authorities for any updates regarding her whereabouts.
"We enjoin the public to assist us in any information that might lead to the resolution of this case.
"Let's continue to hope and pray for her safety as well as her Israeli boyfriend, her companion on the day she went missing"
Read: Mutya ng Pilipinas Pampanga candidate, boyfriend missing
