PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nadia Montenegro on alleged daughter with Baron Geisler

Nadia Montenegro: "I don’t think I owe anyone an explanation..."
by Jojo Gabinete
Published Jun 26, 2024
nadia montenegro on daughter sophia
Nadia Montenegro: "Yung mga nangyari sa buhay ko before, in the past — siguro umabot sa 17, 18 years na naitago ko — hindi ko ito itinago sa mga taong dapat nakakaalam. Hindi ko rin ito itinago sa mga mahal ko sa buhay. Hindi ko itinago sa anak ko. Hindi ko itinago kay Boy... But I don’t think I owe anyone an explanation kung anuman ang ginawa ko sa buhay ko. Napatawad ako ng Panginoon. Maayos namayapa si Boy na okay kami."
PHOTO/S: Julius Babao Unplugged YouTube

Tinapos na ni Nadia Montenegro ang isyu tungkol sa pagkakaroon niya ng anak kay Baron Geisler.

Sa pangalawang yugto ng eksklusibong panayam sa kanya ni Julius Babao sa YouTube channel ng broadcaster, ni minsan ay hindi binanggit ni Nadia ang pangalan ni Baron.

Pero habang nagsasalita si Nadia ay may pagkakataong pina-flash ang mukha ni Baron.

Read: Baron Geisler regrets missed years with first daughter: "I didn't get to hug her"

Pero alam daw ito ng kanyang pamilya ang buong katotohanan dahil hindi siya naglihim sa kanila, kabilang na sa pumanaw niyang asawa na si former Caloocan Mayor Macario "Boy" Asistio Jr.

Pagbabahagi ni Nadia: “Yung mga nangyari sa buhay ko before, in the past — siguro umabot sa 17, 18 years na naitago ko — hindi ko ito itinago sa mga taong dapat nakakaalam.

“Hindi ko rin ito itinago sa mga mahal ko sa buhay. Hindi ko itinago sa anak ko. Hindi ko itinago kay Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"In fact, all these years, it was so difficult for people to understand.

“'Bakit okay sila? Bakit nagtagal sila ni Boy? Bakit sila okay ng mga anak niya kung may ganito?'

“Common sense, guys, sa tingin ninyo, hindi ko inayos ito? Tingin ninyo, hindi ko pinlano ito? Tingin ninyo, hindi ko pinroblema ito?"

Dagdag ng aktres, "Buhay ko ito. Buhay ng anak ko. Pangalan ng asawa ko. Pangalan ko.

"But I don’t think I owe anyone an explanation kung anuman ang ginawa ko sa buhay ko.

"Napatawad ako ng Panginoon. Maayos namayapa si Boy na okay kami.

"Maayos ang mga anak ko, sa pagkakaintindi ko. Wala akong pinagsinungalingan sa pamilya ko."

NADIA'S HEART-TO-HEART TALK WITH BOY

Sumakabilang-buhay si Boy noong Pebrero 6, 2017.

Ayon sa aktres, nagkaroon sila ng masinsinang pag-uusap bago pumanaw ang dating mayor ng Caloocan City.

Read: Ex-Caloocan Mayor Boy Asistio dead at 80

Lahad niya: “Two weeks before Boy died, we had a heart-to-heart talk of two and a half hours.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Which, sinasabi ko sa lahat ng malalapit sa akin na siguro kung hindi nangyari yung two hours na heart-to-heart talk namin ni Boy, not knowing he would die two weeks later, siguro baka hindi niyo na ako nakakausap ngayon.

"Kasi it’s the most valuable, most important conversation we ever had in 29 years.

“I mean, I’ve seen him almost die so many times. Seven times kong nakita na ire-resucitate yung asawa ko.

"Ilang beses siyang inatake sa harap ko. Ang dami nang nangyari sa buhay namin na hindi kami bumitaw sa isa’t isa.

"Ang sinabi niya sa akin, ‘Ipaglaban mo sila. Lahat ng ibinilin ko sa inyo, inyo. At hanggang buhay ako, ako lang ang ama nila.”

Mabilis na "no" ang sagot ni Nadia nang itanong ni Julius kung pinagsisisihan niya ang nagawa sa kanyang buhay.

Read: Pagpu-post ni Nadia Montenegro ng larawan ng walong anak, may kinalaman sa rebelasyon ni Baron Geisler?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NADIA MONTENEGRO ON DAUGHTER SOPHIA

Para kay Nadia, isa sa pinakamalaking biyayang natanggap niya mula sa Panginoon ang bunsong anak na babae na si Sophia, na inilarawan niya bilang “most beautiful girl.”

nadia montenegro daughter sophia
Nadia Montenegro with youngest daughter Sophia then (left) and now (right).
Photo/s: Instagram

Saad ni Nadia: “What I got from Him was my biggest blessings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"She’s [the] most beautiful girl na pinalaki ko siya, punumpuno ng pagmamahal.

"Punumpuno ng respeto sa tatay niya, si Boy, sa nagbigay ng pangalan sa kanya, sa nagpaaral sa kanya, sa nagmahal sa kanya.

"Walang pupuwedeng magkuwestiyon outside our circle. I am not unfazed, wala akong pakialam sa kanila.

"Basta ako, kung nasaan ako ngayon, dahil sa hirap ko, dahil sa hiningi ko na patawad sa Panginoon...

"At ramdam na ramdam ko na ibinibigay Niya sa akin ang laya. My freedom.

"Nung nangyari yan, nung nag-trending, kalmado lang kami sa bahay."

Read: Get to know Nadia Montenegro's children

Sa paningin ng marami, mahirap itangging si Baron ang ama ni Sophia dahil magkamukhang-magkamukha sila.

NADIA ON SOPHIA METTING HER BIOLOGICAL FATHER

Tinanong ni Julius si Nadia kung interesado si Sophia na magkaroon ng relasyon o komunikasyon sa biological father nito.

“As of now, hindi,” mariing sagot ni Nadia.

“Isang beses pa lamang sila nagkita, biglang in-announce na agad. So, asan dun ang intensiyon mo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Magkaroon ng relationship o gusto mo lang ang views? Gusto mong mapag-usapan o gusto mong mag-promote?

"Ilagay mo sa tama kung ano ang intensiyon mo kasi ramdam na ramdam ko.

"Ayaw na ng anak ko. And give me a reason why. Are you even worth it to be called a dad?"

Malinaw na patutsada ito ni Nadia kay Baron dahil nagsalita ang aktor tungkol sa pagkakaroon ng inililihim na anak noong ipinu-promote niya ang Dearly Beloved, ang pelikula ng Viva Films na pinagbidahan nila ni Cristine Reyes na ipinalabas sa mga sinehan noong Marso 30, 2024.

Read: Cristy Fermin, feeling vindicated sa rebelasyon ni Baron Geisler tungkol sa panganay na anak ng aktor

Baron Geisler tells how he is as a father to Talitha, Joaquin, and Javi, as well as his ongoing reconciliation with firstborn daughter he has yet to introduce.
Baron Geisler
Photo/s: Screengrab from YouTube | Ogie Diaz
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NADIA ON PEOPLE FEASTING ON HER PERSONAL LIFE

May reaksiyon din si Nadia tungkol sa mga taong pinagpistahan ang kuwento ng buhay niya, pero ipinaalala ni Julius sa kanya na ito ay dahil isa siyang celebrity.

Sabi ng aktres: “Di ba, nakakatawa, feasting on somebody else’s life?

"But there are also people we need to pray for in this business. Na talagang who are feeding, eating every day through ruining lives of other people.

"Yon ang kailangan nating ipagdasal."

Nagsalita si Nadia na ipinagmamalaki niya bilang ina na lalong tumitibay ang relasyon nila ng kanyang mga anak dahil sa pagsubok na kanilang pinagdaraanan.

Nadia Montenegro's children (L-R) Ynna, Anykka, Alyana, Xander, Ysha, Sophia, Yssa, and Sam
Nadia Montenegro (third from left) with her children (L-R) Ynna, Anykka, Alyana, Xander, Ysha, Sophia, Yssa, and Sam.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “If there’s one thing I can be proud of being a mother, I make sure na in every crisis, it just make us stronger. It will never make us fall.

"I promised my children, in every crisis, I will be there and I will make us stronger with God, no one else.

"Wala kaming kakamping mag-iina kundi si Lord."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadia Montenegro: "Yung mga nangyari sa buhay ko before, in the past — siguro umabot sa 17, 18 years na naitago ko — hindi ko ito itinago sa mga taong dapat nakakaalam. Hindi ko rin ito itinago sa mga mahal ko sa buhay. Hindi ko itinago sa anak ko. Hindi ko itinago kay Boy... But I don’t think I owe anyone an explanation kung anuman ang ginawa ko sa buhay ko. Napatawad ako ng Panginoon. Maayos namayapa si Boy na okay kami."
PHOTO/S: Julius Babao Unplugged YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results