PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BDO depositor reveals who's behind missing PHP345K

"sa BDO Unibank, pasensya na po kayo."
by Bernie V. Franco
Published Jun 27, 2024
Glenn Canete and BDO logo
Depositor Gleen Canete releases a statement following a viral video about the missing PHP 345,000 from his BDO account. He identifies those responsible for the missing money and clears BDO's name.
PHOTO/S: Gleen Canete and BDO

Isiniwalat na ng depositor na si Gleen Cañete kung sino talaga ang may kinalaman sa nawalang PHP345,000 sa kanyang bank account.

Humingi rin siya ng sorry sa BDO na nadawit sa nag-viral na video na in-upload niya noong June 21, 2024.

Hawak-hawak niya kasi ang passbook, at lumabas na may pagkukulang ang bangko sa pagkawala ng kanyang savings.

Bahagi ng latest Facebook post ni Gleen Cañete nitong June 26, 2024, (published as is), "Manghingi po ako ng paumanhin sa Mismong banko BDO UNIBANK at gusto ko din po linawin na wala po silang kinalaman sa perang nawala sa account ng anak ko."

Read: VIRAL: Missing PHP345K savings of BDO depositor Gleen Canete

DEPOSITOR REVEALS WHO WITHDREW THE MONEY

Ayon sa inilabas na official statement ng BDO noong June 24, "valid" ang mga nangyaring withdrawals sa account ni Gleen. Sino ang nag-withdraw?

Ayon pa rin sa latest Facebook ni Gleen, ang anak pala niya ang gumawa ng online account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya (published as is), “Noong malaman ko na mismo ang Pamily ko ang nag withdraw ng pera, agad agad Kung binura ang live video para narin sa kapakanan ng pamilya ko…

"...sa BDO Unibank, pasensya na po kayo at nagdulot ito ng pangamba sa inyong lahat ang nasabing video kasi hindi ko po napigilang ilahad sa social media ang sakit na naramdaman ko bilang isang tao.

“sana maintindihan nyo rin ako at akoy inyong mapatawad at maibalik ang tiwala nyo sa akin bilang isang ama na nagsikap para sa kanyang anak."

Binigyang-tuldok din niya ang mga nagsulputang haka-haka na binayaran siya ng BDO para manahimik at i-delete ang video.

Diin niya (published as is), “Dahil pamilya ko ang na involved sa incidente pinili Kung manahimik ng ilang araw para makapag isip ng Tama...

“Hindi po ako binayaran ng BDO para manahimik at i delete ang aking live video. At wala pong nag utos sa akin na mag apologize, kusang loob ko po itong ginawa dahil na realize ko na hindi tama na masyado akong nagpadala sa bugso ng damdamin at lumabas sa social media.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang pagtatapos, sinabi ng depositor na may tiwala siya sa BDO, at “katunayan account holder po nila ako ng mahabang panahon.”

Dugtong pa niya, “Maraming salamat sa inyong lahat. Sana mawala na ang agam agam nyo tungkol ditu.”

Gleen Canete official statement
Gleen Canete's official statement after missing PHP345,000 in his BDO account.
Photo/s: Gleen Canete
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Depositor Gleen Canete releases a statement following a viral video about the missing PHP 345,000 from his BDO account. He identifies those responsible for the missing money and clears BDO's name.
PHOTO/S: Gleen Canete and BDO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results