Nakikipag-ugnayan na sa pulisya ang Israel embassy sa Pilipinas kaugnay ng pagkawala ng Pampanga beauty queen na si Geneva Lopez at boyfriend nitong Israeli na si Yitshak Cohen.
Sa ulat ng TV Patrol kahapon, June 27, 2024, naglabas ang embahada ng Israel ng pahayag tungkol sa nawawalang beauty queen at ng Israeli citizen.
Nakasaad dito, "The Embassy of Israel in Manila, alongside the Ministry of Foreign Affairs in Jerusalem, are fully aware of the case of the missing Israeli, Yitshak Cohen, and are taking the appropriate measures to address it.

"The Israeli embassy is liaising with local authorities, including the Philippine National Police (PNP).
"We have complete confidence in the PNP and Philippine government's efforts to resolving this matter effectively."

Read: Mutya ng Pilipinas Pampanga candidate, boyfriend missing
REPORTED MISSING SINCE JUNE 2021
Ang Mutya ng Pilipinas Pampanga Organization ang nag-announce na nawawala ang isa nilang kandidata na si Geneva noong pang June 21, 2024.
Kakatawan sana ito sa Sto. Tomas, Pampanga.
Ayon sa organisasyon, walang anumang activities ang pageant noong araw na ito ay napabalitang nawawala dahil ito ay rest day nila.
Katuwang din daw sila sa local police sa paghahanap sa kinaroroonan ng aspiring beauty queen.
Buong pahayag nila: "URGENT Notice to the Public!!!
"It is with serious concern that we announce the disappearance of Ms. Geneva Sarita Lopez, one of the official candidates for this year's Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 representing Sto. Tomas, Pampanga who has been reported missing since June 21.
"We would like to clarify that we had no official schedule of activities during the said date as it was alloted for the candidates' rest .
"The Mutya ng Pilipinas Pampanga Organization assures the public on the frequent monitoring with police authorities for any updates regarding her whereabouts.
"We enjoin the public to assist us in any information that might lead to the resolution of this case.
"Let's continue to hope and pray for her safety as well as her Israeli boyfriend, her companion on the day she went missing"
Read: Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon "missing" according to mom, sister
BELONGINGS FOUND
Noong June 25, kinumpirma ng Bureau of Fire Protection ng Tarlac na mga gamit ng nawawalang Pampanga beauty queen ang natagpuan nila sa nasunog na kotse noong madaling-araw ng Sabado, June 22, 2024.
Ayon sa ulat ng GMA Regional TV noong araw na iyon, ilan sa mga gamit na natagpuan ay ATM card at ID picture ni Geneva.
Wala raw tao sa nasunog na kotse.
Kinumpirma rin daw ng pamilya ni Lopez na iyon ang kotseng ginamit nina Geneva at Yitshak.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang impormasyong bumiyahe papuntang Capas ang magkasintahan para umano maningil ng utang.
Ayon kay PLTCOL. Librado Manarang Jr., Chief ng Capas Police Station, "Nagpunta dito yung tao na kakatagpuin ng mga victims. Nakuhanan natin ng statement pero for verification ang statement niya."
Umaapela ang mga kamag-anak ni Lopez ng tulong sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng dalawa.
Ayon pa sa police report, isang kamag-anak ni Lopez ang nakausap ng beauty queen noong tanghali ng June 21. Sinabi raw nitong papunta sila ng Capas, Tarlac para maningil ng utang.
Saad ni PMAJ. Vicky Tamayo, Station Commander ng Angeles City Police Office (ACPO) Station 4, "Ang missing person natin [ay ang] babae na kapatid nitong ating reportee. Sabi [ng missing person sa kanya], 'Pupunta po ako ng Capas maniningil ako... pautang po.'"
