May alok na PHP250,000 reward money ang pamilya ng Israeli national na si Yitshak Cohen sa sinumang makapagtuturo ng kinaroroonan nito at ng nobyang si Geneva Lopez.
Si Geneva ay kandidata ng Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 kung saan kinatawan siya ng Sto. Tomas, Pampanga.
Misteryosong naglaho sina Geneva at Yitshak noong Biyernes, June 21, 2024, kung saan napag-alamang nagpunta sila ng Capas, Tarlac, para tingnan umano ang isinanlang lupa sa beauty queen.
Read: Mutya ng Pilipinas Pampanga candidate, boyfriend missing
"OUR ASSUMPTION IS THEY'RE STILL ALIVE."
Sa exclusive interview ng GMA Regional TV, na naiulat din sa GMA News Online, Huwebes ng gabi, June 27, 2028, sinabi ng kapatid ni Yitshak na si Joe Cohen na nag-alok sila ng reward para sa kaligtasan nina Yitshak at Geneva.
Aniya, "Our assumption is they’re still alive. We did not have any address for anyone for ransom, so we are hoping they will actually contact us.
“If anyone saw or knows anything, we are really looking to recover our brother and his fiance, and we are offering this money in return for valid information to find my brother and his fiance."

Ayon naman sa abogado ng pamilya Lopez, lehitimo ang transaksiyon nila sa Capas, Tarlac, para sa lupang nais nilang bilhin.
Humingi naman ang pamilya Lopez ng privacy para maiwasan ang mga aberya sa imbestigasyon.
Read: Belongings of missing Pampanga beauty queen found
Nakikipag-ugnayan na rin sa pulisya ang Israel embassy sa Pilipinas kaugnay ng pagkawala ng Pampanga beauty queen at ng Israeli boyfriend nito.
Sa ulat ng TV Patrol kahapon din, June 27, 2024, naglabas ang embahada ng Israel ng pahayag tungkol sa nawawalang beauty queen at ng Israeli citizen.
Nakasaad dito, "The Embassy of Israel in Manila, alongside the Ministry of Foreign Affairs in Jerusalem, are fully aware of the case of the missing Israeli, Yitshak Cohen, and are taking the appropriate measures to address it.
"The Israeli embassy is liaising with local authorities, including the Philippine National Police (PNP).
"We have complete confidence in the PNP and Philippine government's efforts to resolving this matter effectively."
