Pinabulaanan ng kampo ni Bea Alonzo ang mga alegasyon sa kanya ng dating driver na sinampahan ang aktres ng labor compaint sa National Labor Relations Commission (NLRC) ng Department of Labor and Employment (DOLE).
LABOR COMPLAINT VS. BEA ALONZO
Natukoy ang complainant bilang si Efren Torres delos Reyes, Jr.
Ang balitang ito ay ibinahagi ni Cristy Fermin sa kanyang programang Cristy Ferminute sa Radyo 5 92.3 TRUE FM, noong June 27, 2024.
Nakakuha raw si Cristy ng kopya ng reklamo ng driver laban kay Bea.
Ayon kay Cristy: "Ito, nakuha ko ito, lehitimong balita po ito dahil ang dati pong driver ni Bea Alonzo, na ang tunay na pangalan ay Phylbert Angelli Ranollo, nagkaso po siya...
"Naghain na po ng kaso si Efren Torres delos Reyes, Jr. sa NLRC Department of Labor and Employment.
"Ano po ito, bibigyan po sila ng pagkakataong magkausap at magkita sa gitna dahil napakarami po ng reklamong isinumite nitong si Efren Torres."
Kabilang sa mga reklamo ni delos Reyes laban kay Bea ay ang diumano'y hindi pagbibigay ng night shift differential pay, overtime pay, holiday pay, 13th-month pay, at payment of separation pay.
Nakaranas din diumano ng illegal dismissal, maltreatment, at harassment si delos Reyes mula sa dating amo.
Sabi ni Cristy, “Si Bea Alonzo po ay kailangang kumilos para dito dahil isa pa lang ito, e.
"Isa pa lang itong ano... ang balita kasi natin, mayroong mga susunod pa, parang ganun, may mga susunod pa na maghahain din ng reklamo sa NLRC."
BEA ALONZO'S LEGAL COUNSEL ISSUES STATEMENT
Hindi pinalampas ng abogado ni Bea, si Atty. Joey Garcia ng Garcia Elauria Ruanto & Associates, ang anito'y maling mga paratang sa aktres.
Sa official statement nito kahapon, June 29, 2024, idiniin ni Atty. Garcia na hindi totoo ang mga alegasyon sa kanyang kliyente.
Kaduda-duda raw ang timing ng mga reklamo laban kay Bea dahil may cyberlibel complaint na isinampa ang aktres laban sa "lover" ni delos Reyes.
Ang karelasyon ni delos Reyes ang tinukoy ni Cristy na source sa impormasyong pinakalat ng showbiz commentator at vlogger sa March 15 episode ng kanyang online show.
Ang buong statement ni Atty. Joey Garcia: "The timing of Mr. Delos Reyes’ filing of the labor case is highly suspect.
"Since he was made a witness to one of the respondents among the criminal cases we filed not to mention him being a lover as admitted, then the intent behind said filing & the timeliness of such filing are too obvious not to be noticed.
"His acknowledgment of being involved as a lover clearly magnifies his bias and undermines his credibility which yet again puts into question or doubt the true intent behind his & her lover-respondent’s legal maneuvers.
"For the record, Mr. Delos Reyes only served as service driver of the family and only for a short period of 3 months, he was not even assigned as Bea’s personal driver, for her professional engagements. Thus, his claims seem farfetched, unreasonable, if not unrealistic.
"It’s nothing but a pure harassment case, a desperate attempt to sponge off, an obvious act capitalizing on the criminal case."
Sa ulat ni Salve Asis para sa Pilipino Star Ngayon noong June 8, 2024, naibalitang nagsampa ng cyberlibel complaint si Bea laban sa isang nagngangalang Florina Alano, ang tinukoy na "misis" ng dating driver ni Bea.
BEA ALONZO VS CRISTY FERMIN
Sa kanyang radio program nitong June 27, kinumpirma ni Cristy na nauna na niyang inulat niya sa kanyang online show ang mga alegasyon ng dating driver ni Bea.
Iyon daw ang isa sa dahilan kung bakit dinemanda siya ng cyberlibel ni Bea.
Ani Cristy, "Isa po ito sa mga dahilan kung bakit tayo kinasuhan ni Bea. Isa ito, isa itong sa driver... Tama, kasama ito."
May 2, 2024, nang magtungo si Bea, kasama ang kanyang legal team, sa Quezon City Prosecutor's Office para magsampa ng cyber-libel complaint laban kay Cristy.
Read: Bea Alonzo vs. Cristy Fermin: A Timeline
Dawit sa reklamo sina Rommel Villamor at Wendell Alvarez, ang co-hosts ni Cristy sa online show nitong Showbiz Now Na (SNN) na makikita sa YouTube.
Unang ibinalita ni Cristy sa SNN ang isyu ni Bea sa driver at mga kasambahay nito sa March 15 episode ng SNN na may pamagat na "BEA, NABUKING NG MOMMY, PINAGALITAN! CHARICE, AYAW NANG MARINIG NI JAKE ZYRUS!"
Ayon kay Cristy, pinalayas daw ni Bea ang ilang kasambahay, kabilang ang kanyang driver. Nakuha raw ni Cristy ang impormasyong ito mula sa girlfriend ng driver.
Ikinuwento raw ng source na ipinababayad ni Bea sa driver ang mga gasgas at sira sa sasakyan tuwing may aksidente.
Sundot komento pa ni Cristy, “Ang tanong ko, bakit, wala bang insurance ang kanyang sasakyan?”
Inireklamo rin ng source na hindi umano binabayaran ng overtime at night differential ang driver ni Bea. Dahil dito, nakisimpatiya si Cristy sa sitwasyon ng driver.
Sabi nito, “Ipagda-drive ni [driver] si Bea papuntang Iba, Zambales, sa kanyang farm.
"Tapos sa taping and shooting puma-pack up sila umaga na halos. So, wala pang tulog may lakad na naman…
"Pero bakit hindi mo binibigyan ng overtime? Bakit wala man lang night differential?"
Dagdag pang kuwento ng source ni Cristy, may benefits naman daw ang mga kasambahay ni Bea, tulad ng SSS at Philhealth.
Pero reklamo ng source, hindi raw pinapayagang umalis ng bahay ang mga kasambahay para lakarin ang mga dokumentong kailangan para sa kanilang mga benepisyo.
Base raw sa paglalahad ng source ni Cristy, may "four to five" months lang nagtrabaho ang driver kay Bea.
Naroon pa ang driver nang maghanda ng Valentine's surprise ang mga kasambahay ni Bea, pero kalaunan ay hindi na raw siya pinabalik sa trabaho.
Ayon pa sa source, pinagbintangan umano ni Bea ang driver na nagsusumbong sa kanyang ina.
Nalaman daw ng ina ni Bea na natulog si Dominic sa bahay ng aktres nang mag-break sila. Katuwiran ng source ni Cristy, hindi ang driver ang nagsumbong.
Sundot ni Cristy, "Hindi naman natin sinasabi na, 'Si Bea Alonzo ganito, ganyan.' Wala tayong kamalay-malay ganyan pala yan. Ang layo sa hitsura!"
Tinawag ng kampo ni Bea na "malicious" at "defamatory" ang mga impormasyong pinakalat ni Cristy sa show nito.
Sa official statement ng abogado ni Bea noong May 2, sinabi nitong ginamit umano ni ang "negative sensationalism" laban sa aktres para pagkakitaan at humakot ng views at followers ang online show nito.
READ MORE:
