PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kris Aquino says reuniting with ex-BF Mark Leviste unlikely

Kris Aquino: "Gusto ko mag-move on and I think I have..."
by Nikko Tuazon
Published Jun 30, 2024
Kris Aquino on relationship with Mark Leviste
Kris Aquino hopes people will stop asking ex-boyfriend Mark Leviste for updates about her: "Huwag na lang siya tanungin din kung kamusta ako kasi hindi naman niya alam kung kamusta na ako talaga.... Kasi wala nang communication apart from 'Thank you, God bless.'"
PHOTO/S: Screengrab from Ogie Diaz on YouTube / ABS-CBN

Kinumpirma ni Bimby Aquino na may ilang buwan na ring walang relasyon ang ina nito na si Kris Aquino at si Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Kris Aquino potpones hospital confinement
Mark Leviste with Kris Aquino
Photo/s: Courtesy: Instagram

Ibinahagi ito ni Bimby sa vlog ni Ogie Diaz na lumabas sa YouTube nitong Sabado, June 29, 2024.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong ni Ogie kay Bimby, "Kumusta na ang puso ng mama mo? Alam ko naman na ang puso niya ay nahihirapan sa kanyang karamdaman, pero yung pagdating sa pag-ibig, kumusta ang puso ng mama mo?"

Kris Aquino with son Bimby and Ogie Diaz
Kris Aquino with Bimby and Ogie Diaz
Photo/s: Screengrab from Ogie Diaz on YouTube

Sagot ni Bimby, "Now, mom's heart is peaceful lang. Peaceful, steady, at peace, yun."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Karugtong nito, tinanong ni Ogie so Bimby kung kamusta na ang relasyon nito kay Mark?

Sagot ni Bimby, "He has always been respectful. He has always been nice to me, my brother, my family in general. But since before mom's birthday, they're not together na."

Dagdag nito, "Wala na. You know, pag long distance, syempre, mahirap, at tsaka just a lot of things."

Sa tanong naman ni Ogie kung final na ang desisyong ito, sabi ni Bimby, "That's up to mom to decide.

"That's up to mom to say. Well, sa tingin ko, yeah, wala na."

Matatandaan noong November 2023, nang huling ibahagi ni Kris na nakipag-break na siya kay Mark.

Read:

Sa kalagitnaan ng interview, pumasok na si Kris upang tulungan ang anak na sagutin ang mga tanong ni Ogie tungkol sa kanyang love life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Direktang sinabi ni Kris na wala itong balak makipagbalikan kay Mark.

"Walang balikan ang mangyayari. And, to save Bimb talagang, I should be the one saying it."

Dagdag nito, "Siguro kasi February yun. So, March, April, May, June, pa-July na tayo. So, magpa-five months na yan. Ang tagal na nun, Ogie.

"Kasi para malaman na lang na tao, nagkalabuan na magmula November. And then, sinubukang ayusin.

"Pero may mga nalaman ako na hindi ko gusto.

"Pero ayoko nang magsabi pa ng more than that because part of the reason why it did not work out was I'm at a stage in my life na mas gusto ko ng tahimik."

Read: Mark Leviste, maingat sa update about Kris Aquin

KRIS AQUINO ON BREAKUP WITH MARK LEVISTE

Kalauna'y nabanggit din ni Kris na ang di pagkakasundo ni Bimby at ni Mark ang isa sa mga naging dahilan kung bakit hindi nag-work ang kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi sila nagkasundo nung ex," sabi nito. "Hindi niya gusto, e."

Para kay Kris, importante ang komento ng kanyang mga anak lalo pagdating sa kanyang love life.

Paliwanag nito, "It matters to me because he knows me best. And siya at si kuya, yung opinion nila really matters.

"Most people would say na dapat yung mga anak ang sumunod sa magulang. Pero sa akin kasi, they'll always be there.

"And alam ko na yung pagmamahal nila sa akin, it's pure. So pag nag-sabi, like si Bimb said, dati sinabi niya, 'Mama, I don't think you really love him.

"I think you're just sad.' So tumatak yun sa akin. And sabi ko, 'Yeah, it's true.' Na-realize ko din talaga."

Paglilinaw naman ni Kris na sinubukan rin nitong bigyan pa ng isa pang pagkakataon ang relasyon nila ni Mark, ngunit sadyang hindi umubra ito.

"I feel that we both tried but I think yung tama yung sinabi ni Bimb also. And I'd like to say na we're still friendly at a distance na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong naman ni Ogie kay Kris, "So mayroon pang pagkakataon na pumupunta pa rin dito para suyuin ka?"

Sagot naman ng dating TV host, "Kung sumusubok man, sarado na yung pinto."

KRIS AQUINO: I WISH HIM THE BEST

Samantala, isa sa mga dahilan nabanggit ni Kris kung bakit ito nagsalita ay dahil nais na rin nitong tuldukan ang chismis na muli silang nagkabalikan.

Aniya, "I wish him the best and I'm sure he also wishes me well but I wanted to clarify lang kasi people might have the wrong impression.

"So it's been four months and maybe more by the time this airs and gusto ko mag-move on and I think I have and I never confirmed publicly.

"Sa kanya naman nanggaling lahat and yun ang hindi ko rin gusto."

Matatandaang sin Mark ang nagkumpirma ng kanilang relaston isang taon na rin ang nakakalipas, noong June 2023, isa sa mga bagay na nabanggit ni Kris na hindi nito nagustuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Mark Leviste confirms relationship with Kris Aquino: "Hindi lang happy, full of love, love, love."

Patuloy ni Kris, "Di ba parati nilang sinasabi na ang mga artista daw, ang mga celebrity, umaamin lang pagtapos na.

"So siguro ang maganda, hindi rin naman ako nagsalita nung kami. Ngayon parang sabihin ko na lang na kasi patuloy pang may mga lumalabas."

Tanong ni Ogie, "Na kayo?"

Sagot naman ni Kris, "Yes. So sana tumigil na."

Pakiusap naman ni Kris, huwag na rin daw tanungin si Mark nang update tungkol sa kanya,

"Huwag na lang siya tanungin din kung kamusta ako kasi hindi naman niya alam kung kamusta na ako talaga."

Sabi pa ni Kris kay Ogie, "Kasi wala nang communication apart from 'Thank you, God bless.' Mas may alam ka pa sa buhay ko."

READ MORE:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino hopes people will stop asking ex-boyfriend Mark Leviste for updates about her: "Huwag na lang siya tanungin din kung kamusta ako kasi hindi naman niya alam kung kamusta na ako talaga.... Kasi wala nang communication apart from 'Thank you, God bless.'"
PHOTO/S: Screengrab from Ogie Diaz on YouTube / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results