PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Couple with 32-year age gap together for nearly 2 decades

This is what true love looks like
by Allyanah Marielle T. Calinao
Published Jul 1, 2024
Nilo and Bonie love story
The love story of Nilo and Bonie was not a walk in the park. Their May-December romance faced much opposition, but they proved that love knows no age. The couple has now been married for 17 years.
PHOTO/S: Bonifacia Estrera on Facebook

Love knows no age.

Iyan ang pinatunayan ng mag-asawang Bonie at Nilo na 32 years ang kanilang age gap—si Bonie ay 73 years old at si Nilo naman ay 41 years old.

Naging magkasintahan sila noong 2007, at ikinasal noong 2018.

Seventeen years na ang kanilang pag-iibigan na dumaan sa maraming pagsubok.

LOVE AT FIRST SIGHT?

Sa vlog ni Cristine Babao na ini-upload noong March 1, 2024, ikinuwento ng couple ang kanilang unique love story.

Bata pa lamang si Nilo noong una niyang makilala si Bonie.

Nung mga panahong iyon, 10 anyos pa lamang si Nilo at 42 anyos naman si Bonie.

Tila na-love at first sight ang bagets kay Bonie.

Kuwento ni Nilo, una niyang nakita si Bonie nang pumunta sa kanilang probinsiya at tumira sa bahay na malapit lang sa kanila.

Hindi nagtagal ay naging magkapitbahay sila.

Halos ka-edad lamang ni Nilo ang mga anak ni Bonie, at kinaibigan niya ang mga ito para laging makita ang kanilang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa parte naman ni Bonie, na noon ay may asawa’t mga anak, hindi niya lubos akalain na si Nilo ang soulmate at destiny niya.

Ayon sa kanya, naging maganda ang pagsasama nila ni Juanito, ang kanyang unang asawa. Nagkaroon sila ng siyam na anak.

Naging saksi naman si Nilo sa naging buhay may-asawa ni Bonie, na hinangaan niya dahil sa pagiging mapagmahal nito sa kanyang pamilya.

Sabi ni Nilo, “‘Yun po yung una kong hinangaan sa kanya, nasabi ko po sa sarili ko na sana pag nagkaroon po ako ng asawa, gusto ko po sana, katulad niya.”

Ngunit dahil bata pa si Nilo, hindi niya batid na ang paghanga niya sa ina ng kanyang mga kaibigan ay uusbong pala bilang pag-ibig.

Na-attract din siya sa ibang mga babae, at nagkaroon ng childhood crush.

Noong nag-aaral siya, maraming babaeng kaedad ang nasa paligid niya, pero lahat iyon ay hanggang kaibigan lang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi niya, “Basta ang alam ko lang po, parang naka-padlock sa kanya yung puso ko that time.”

Nang panahong iyon, naramdaman niya ang unti-unting paglalim ng pagmamahal niya para kay Bonie.

Paglalarawan niya, “Para po siyang halaman na unti-unting tumutubo na hanggang sa mamulaklak.”

Read: Man dies from cardiac arrest after casino jackpot win?

NILO’S HEART BEATS FOR BONIE

Nang magbinata, nakakalaro pa rin ni Nilo ang mga anak ni Bonie sa basketball, pero dulot ng hiya, hindi niya binanggit ang nararamdaman para sa kanilang ina.

Ang mga malalapit na kaibigan ni Nilo, pinayuhan siyang ibaling na lamang ang pagtingin sa ibang babae dahil may pamilya na si Bonie.

Subalit sadyang seryoso si Nilo, na ipinakita ang pagtatangi kay Bonie sa iba’t ibang paraan.

Paglalahad niya, “Kapag pumupunta po kami ng mga kaibigan ko sa bundok, binibigyan ko po siya ng mga prutas, tulad ng bayabas, mangga, ganyan, sampalok, mga papaya, yung parang gano’n po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumutulong din daw siya kung nag-iigib o nangangahoy ang mga anak ni Bonie.

Dagdag niya, “Inilalapit ko lang po sa kanya ang sarili ko, pero hindi ko po inilalabas yung nararamdaman ko kasi po pangit po dahil may asawa siya, at saka ayaw ko po na masira yung pamilya niya nang dahil po sa akin.”

Hindi naman lubos akalain ni Bonie na may kahulugan pala ang mga bagay na ipinapakita ni Nilo sa kanya—ang akala niya ay sadyang mabait lamang ang binata.

Read: VIRAL: Poisonous cobra goes inside Thai’s boxer shorts

Nilo and Bonie sweet photo
Looking through the eyes of love. The love story of Nilo and Bonie.
Photo/s: Bonifacia Estrera on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BONIE FINDS REFUGE IN NILO

Nang mamatay ang asawa ni Bonie dahil sa heart attack noong 2005, si Nilo lamang ang bukod-tanging lalaki na laging naroon para kay Bonie.

Sabi ni Nilo, “Kapag mahal mo yung isang tao at nakikita mo siyang malungkot, siyempre kailangan mo siyang damayan sa gano'ng bagay.”

Kaya naman, sa tuwing nakikita niyang malungkot si Bonie, pinupuntahan niya ito, kinakausap, inaaliw, at pinapatawa upang kahit papaano raw ay maibsan ang kalungkutan niya.

Sa madaling sabi, naging “shoulder to cry on” ni Bonie si Nilo.

Noong 24 anyos na si Nilo, nagpasya siyang manligaw sa noo’y 56 anyos na si Bonie.

Umabot sa tatlong taon ang panliligaw ni Nilo dahil noong una ay hindi siya pinapansin ni Bonie.

Lagi raw niyang pinagsasabihan noon si Nilo na iba na lamang ang ligawan niya, subalit patuloy pa rin ang panunuyo ng binata.

Paulit-ulit na itinaboy ni Bonie si Nilo kaya nagpasya ang binata na umalis muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Subalit, talagang hindi raw nahanap ni Nilo sa ibang babae ang pagmamahal na hinahanap niya.

Nang magbalik si Nilo, doon napagtanto ni Bonie na mahal niya rin ang binata.

Nang araw na iyon noong 2007, nakuha ni Nilo ang matamis na “oo” ni Bonie.

BONIE AND NILO THROUGH THICK AND THIN

Sa simula ng kanilang pagsasama, aminado ang couple na hindi naging madali sa kanilang mga pamilya na tanggapin ang kanilang pagmamahalan.

Ang pamilya ni Nilo, kontra dahil bata pa siya, iginigiit ng mga ito na maghanap na lamang siya ng kasing-edad niya.

Subalit katuwiran niya, “Ang sabi ko po sa kanila, kung puwede ko lang pong turuan yung puso ko at puwede lang po akong mamili ng taong mamahalin, ginawa ko na po yun. Kaya lang po hindi ko po talaga magawa.”

Ang panig naman ni Bonie, di sang-ayon dahil bata pa si Nilo at may edad na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-alala ang mga ito sa sasabihin ng mga tao at baka saktan lamang ni Nilo ang damdamin niya.

wedding of Nilo and Bonie
Nilo and Bonie's wedding
Photo/s: Bonifacia Estrera on Facebook

Subalit noong tumagal ang pagsasama nila at umabot na sa tatlo hanggang limang taon, nakita ng mga anak ni Bonie at ng mga magulang ni Nilo na mahal nila ang isa’t isa. Tinanggap na rin pamilya ang relasyon ng dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi pa rin nakaiwas ang magkasintahan sa panghuhusga ng ibang tao. Marami raw ang tumutukso sa kanila na mag-lola o mag-ina, pero hindi naman daw sila nasasaktan.

Depensa ni Bonie, “Basta kami ay nagmamahalan.”

Itinanggi rin ni Nilo ang paratang sa kanya na naghahanap lamang siya ng mother figure kay Bonie.

Buhay pa raw ang nanay niya at siya pa nga ang bunso at mama’s boy sa kanilang magkakapatid, kaya hindi niya hinahanap ang pagmamahal ng isang ina sa iba.

Aniya, iba ang pagmamahal niya sa nanay niya at iba rin ang pagmamahal niya kay Bonie. Romantic and real love talaga ang nararamdaman niya para sa kabiyak.

Walang sinumang sumubok na paghiwalayin sila ang nagtatagumpay dahil mas kilala raw nila ang isa’t isa.

Lahat din ng mga bagay na pag-aawayan ay iniiwasan nila kaya hindi sila dumarating sa punto ng paghihiwalay.

Nilo and Bonie wedidng
The two have been married for 17 years already and continue to be in love.
Photo/s: Bonifacia Estrera on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BONIE AND NILO’S ROAD TO FOREVER

Magmula noong ikasal sina Bonie at Nilo, silang dalawa na lamang ang magkasama dahil may kanya-kanya nang pamilya ang mga anak ni Bonie.

Inilarawan ni Bonie ang kabiyak bilang napakasipag na asawa, dahil bukod sa trabaho nito bilang lifeguard at mangingisda, tumutulong din ito sa mga gawaing bahay.

Wala rin daw silang naging matinding problema sa relasyon dahil wala silang bisyo pareho. Hirit pa ni Nilo, basketball lang daw ang bisyo niya.

Labis ang tuwa ni Nilo na ginagawa na sa kanya ngayon ang pag-aalaga na dati’y nakikita niyang ginagawa ni Bonie sa kanyang mga anak at sa dati nitong asawa. Kaya naman, sinusuklian niya rin ito.

“Ginagawa ko po yung lahat, inaalagaan ko po siya, hindi ko po siya binibigyan ng mga bagay na alam kong ikakagalit niya o magagalit siya o masasaktan siya,” sambit niya.

Panalangin ng mag-asawa, lagi sana silang magkasama at magkaroon ng malusog na pangangatawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Nilo, “Kapag dumating po yung time na mawala ako o mawala siya, sinasabi ko po na sana po kapag kinuha ng Panginoon, sana po sabay na lang kami kung puwede.”

Aniya, kung siya kasi ang mahuhuli, hindi niya alam kung paano mabubuhay at mag-uumpisa, dahil kung tunay raw na mahal mo ang isang tao, hindi mo kakayanin ang mawala siya sa iyo.

Samantala, ang ikinatatakot naman ni Bonie ay baka maghanap si Nilo ng iba, pero malinaw na sagot ni Nilo, “‘Yun ang hindi mangyayari.”

Sa pagsasama nila ni Nilo sa loob ng mahabang panahon, talagang tanging si Bonie lamang ang minahal niya.

Hindi man nabiyayaan ng anak, hindi sila nanghinayang dahil marami naman silang mga apo at pamangkin.

Nagpapasalamat ang magkasintahan dahil ipinagkaloob sila ng Diyos sa isa’t isa.

Sabi ni Nilo, “Thankful po ako kasi ipinagkaloob niya po sa akin yung babaeng pinangarap ko po at yung hiniling ko po sa kanya na katulad niya, pero hindi lang po pala katulad niya, siya po mismo ang ibinigay sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Bonie naman, nagpapasalamat dahil ibinigay sa kanya si Nilo na sobrang bait, sipag, at talagang mahal na mahal siya.

Ang kanilang kuwento, hindi man perpekto, ay patunay na ang pag-ibig ay walang pinipili. Paalala rin ito na ikaw ay nakatadhana para sa isang taong mamahalin ka nang totoo at buong puso.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The love story of Nilo and Bonie was not a walk in the park. Their May-December romance faced much opposition, but they proved that love knows no age. The couple has now been married for 17 years.
PHOTO/S: Bonifacia Estrera on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results