Sa kabila ng mga pinagdaanan ni Carla Abellana, lalo na sa kanyang saglit na buhay may-asawa noon, mabilis at nakangiting nasabi ng Kapuso actress na masaya na siya ngayon.
"Okay naman, masaya, thankfully, malakas. At tahimik, tahimik ang buhay," saad ni Carla.
Read: Carla Abellana reveals one of the "hardest lessons" she learned in life
Tukoy niya sa pagiging abala niya sa trabaho, "Excited and very happy. Love ko ‘tong show na ‘to, sobra. Kasi, paborito ko ang ganitong genre."
Ang tinutukoy na show ni Carla ay ang Widows’ War na nagkaroon ng mediacon sa Matrix Creation Events Venue noong June 21, 2024.
CARLA ABELLANA ON EX-HUSBAND TOM RODRIGUEZ
Ang ex-husband ni Carla na si Tom Rodriguez ay nakabalik na sa bansa matapos ang matagal na pananatili sa U.S.

Pareho silang nasa bakuran ng GMA-7, at posibleng magkrus ang landas nila.
"Nasabi ko naman yan na kung sakaling mangyari yon, ready naman ako," sagot ni Carla nang tanungin kung mangyari ang ganoong senaryo.
Kaswal na dugtong niya, "Hindi naman kailangan ng preparation or anything. Kapag nangyari, di ba? Nandiyan siya sa harap ko."
Babatiin niya?
"Hindi naman. I don’t see the need na bumati, mag-small talk, mag-conversation," paglilinaw ni Carla.
Basta hindi raw isyu sa kanya na magkrus ang landas nila.
"Ready ako kung sakali. Hindi naman ako yung iiwas o magtatago.
"Hindi rin naman ako yung parang friends na kayo."
Kung may depinidong sagot si Carla, ito ay ang hindi pa siya handang makatrabaho si Tom.
"No, yun ang hindi pa talaga," sabi niya.
Klaro ang boundaries niya sa sarili.
Paliwanag niya: "I don’t think I’m ready to work with him anytime soon.
"Kumbaga, rerespetuhin ko ang space niya, yung trabaho niya, yung buhay niya.
"I’ll have my own.
"Mahirap na nga to focus on my own life and career, yun lang ang focus."
Isiniwalat ni Carla na officially divorced na sila ni Tom sa U.S., at nire-recognize iyon ng local court, ayon sa panayam sa aktres sa Fast Talk With Boy Abunda noong June 28.
Read: Court validates Carla Abellana's divorce from Tom Rodriguez
Pitong taon silang magkasintahan bago nagpakasal noong October 23, 2021. Naghiwalay sila noong January 2022.
Si Carla ay 38 taong gulang, habang si Tom ay 36 ang edad.
Read: Things we love about Tom Rodriguez and Carla Abellana's wedding
CARLA ABELLANA ON WIDOWS' WAR
Sa isang banda, ibang-iba raw ang mapapanood kay Carla bilang Georgina sa Widows’ War, na magsisimulang mapanood sa GMA Primetime ngayong Lunes, July 1.
Intense daw ang halos lahat ng eksena ng cast, lalo na nilang dalawa ni Bea Alonzo.
Kung tatanungin kung sino sa kanila ang bida o kontrabida, pareho raw silang mga bida-kontrabida ni Bea.
"Yun po ang maganda rito, wala pong maliliit na role. Gray characters lahat, e.
"Hindi porke’t mabait, innocent siya. Hindi porke’t matapang, siya ang pumatay. So, very gray po ang character."
Wala rin daw silang ideya sa cast kung sino ang pumatay. Kaya pati raw sila, suspense at nagkakahulaan pa.
"Hindi namin alam kung ano ang mangyayari sa script.
"At tama po ang sinabi ni Sir RJ [Nuevas] na hindi lang isa ang killer, hindi lang isa ang mamamatay at maya’t maya, merong bagong mystery."
Read: Carla Abellana: "Ayoko nang mag-asawa. Pero..."
STARSTRUCK OVER BEA ALONZO
Unang pagkakataon nina Carla at Bea na magkasama sa isang proyekto.
Sa kanilang dalawa, vocal si Carla sa pagsasabi na hanggang ngayon, nai-starstruck pa rin siya kay Bea kahit ilang buwan na silang nagkakatrabaho.
"E, kasi, Bea Alonzo yan. Pinapanood ko lang siya before. Hindi pa ko artista.
"Sabi ko nga, wishful thinking na makatrabaho ko siya, kasi never kong inakala talaga na magkakaroon ng ganitong opportunity.
"So, iba. Iba ang ganda niya, ang husay niyang umarte. Parang ang hirap na hindi ma-startstruck kapag kaeksena mo na siya."
Pareho sila ni Bea na may imahe bilang "strong and independent women." Pareho rin silang may pinagdaanan pagdating sa kani-kanilang buhay pag-ibig.
Nang tanungin kung napagkuwentuhan nila iyon, sagot ni Carla ay hindi.
Paliwanag niya, "Ako naman kasi, hindi ako yung palatanong din or yung type na inaalam ang personal na pinagdadaanan ng co-actors ko or what.
"Siya, hindi rin nagtatanong. As in, completely wala talaga pagdating sa taping.
"Yung personal, walang singit sa trabaho."
Hindi pa raw masabi ni Carla na may nabuong friendship sa pagitan nila ni Bea, dahil kadalasan ay puro trabaho lang sila sa set.
"Ako rin yung type na pagdating sa trabaho, pagdating sa set, sobrang professional lang.
"As in, for me, work is work. Nahihiwalay ko, pero iba ang personal sa work talaga.
"Si Bea naman, ganun siya katutok sa role niya, sa show. Alam mong she means business kapag nasa set lang.
"But of course, kapag may opportunity, like sa kanyang business, na-invite niya ako sa event niya, yung mga ganung bagay."
Sana raw ay mabigyan sila ng pagkakataong mas magkakilanlan kapag lumuwag ang kani-kanilang schedule.
"Kasi, ilang beses na rin kaming nagkakayayaan na mag-dinner, lumabas, pero hindi natutuloy dahil sa schedule namin," sabi ni Carla.
