Narekober ng Criminal Investigation and Detection Group - Tarlac kagabi, Linggo, June 30, 2024, ang hinihinalang getaway vehicle ng diumano'y persons of interest sa pagkawala ng beauty queen na si Geneva Lopez at ang Israeli boyfriend nitong si Yitshak Cohen.
Si Geneva ay kandidata ng Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 kung saan kinatawan siya ng Sto. Tomas, Pampanga.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News online ngayong Lunes, July 1, 2024, nakita ang inabandonang sasakyan sa may Barangay Tibag, Tarlac City.
Isinagawa ang operasyon ng CIDG bunsod ng impormasyong galing sa mga pulis.
Ayon pa sa ulat, ang abandonadong sasakyan ay ang pangatlo umanong sasakyan kung saan nakitang kasama nina Lopez at Cohen ang middleman na pumunta sa Capas, Tarlac, noong June 21, 2024.
Bumiyahe ang magkasintahan doon para tingnan ang bibilhin nilang lupa sa Barangay Armenia, Tarlac City.
Itu-turnover ang abandonadong SUV sa Highway Patrol Group.

Ayon naman sa ulat ng GMA News Online ngayong araw rin, sinabi ni Capas Police chief Police Lieutenant Colonel Librado Manarang na, "Sa ngayon, yung report, meron nang natagpuan ang ibang operatiba natin dito sa Province of Tarlac, diyan sa Barangay Tibag, Tarlac City.
“As of now, wala pa rin akong konkretong detalye regarding doon sa nakitang abandoned na sasakyan."
Read: Mutya ng Pilipinas Pampanga candidate, boyfriend missing
GENEVA LOPEZ, YITSHAK reward money
Kaugnay pa rin nito, nag-alok ng PHP250,000 reward money ang pamilya ni Yitshak sa sinumang makapagtuturo ng kinaroroonan nito at ng nobyang si Geneva.
Sa exclusive interview ng GMA Regional TV, noong June 27, 2028, sinabi ng kapatid ni Yitshak na si Joe Cohen na nag-alok sila ng reward para sa kaligtasan nina Yitshak at Geneva.
Aniya, "Our assumption is they’re still alive. We did not have any address for anyone for ransom, so we are hoping they will actually contact us.
“If anyone saw or knows anything, we are really looking to recover our brother and his fiance, and we are offering this money in return for valid information to find my brother and his fiance."
Read: PHP250K reward for info on missing beauty queen, boyfriend
Noong June 22, 2024, kinumpirma ng Bureau of Fire Protection ng Tarlac na mga gamit ng nawawalang Pampanga beauty queen na si Geneva ang natagpuan nila sa nasunog na kotse.
Dagdag pa sa ulat ng GMA Regional TV ngayong Martes, June 25, ilan sa mga gamit na natagpuan ay ATM card at ID picture ni Geneva.
Wala raw tao sa nasunog na kotse.
Read: Belongings of missing Pampanga beauty queen found
Nai-report sa pulisya na missing si Geneva kasama ang Israeli boyfriend nitong si Yitshak Cohen noong Biyernes, June 21, 2024.
Ayon pa sa ulat, hindi na umano makontak ang dalawa mula pa noong June 21.
Sabi pa sa balita, nagpaalam si Geneva sa mga kamag-anak na pupunta ng Capas, Tarlac, para makipagkita sa nagsanla sa kanila ng lupa noong 2021.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa insidenteng ito.
