PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bodies found in quarry site linked to missing beauty queen, BF

Itinuro ng isang saksi.
by KC Cordero
Published Jul 6, 2024
Missing beauty queen Geneva Lopez and Israeli boyfriend
Isang saksi ang nagturo sa mga awtoridad sa pinagbaunan ng dalawang bangkay sa isang quarry site sa Capas, Tarlac. Aalamin kung iyon ang mga labi ng nawawalang beaty queen na si Geneva Lopez at ang Israeli fiancé nito na si Yitchak Cohen. (Photo courtesy of Bombo Radyo Baguio)
PHOTO/S: Facebook

Dalawang naaagnas na bangkay ang natagpuan ng mga awtoridad sa isang quarry site sa Barangay Sta. Lucia sa Capas, Tarlac, ngayong umaga ng July 6, 2024.

Ayon sa mga awtoridad, may posibilidad na iyon ang mga labi ng nawawalang magkasintahan na sina Geneva Lopez at ang Israeli fiancé nito na si Yitchak Cohen.

Ang beauty queen at ang kasintahan nito ay dalawang linggo nang nawawala.

BODIES FOUND IN QUARRY SITE

Ang mga miyembro ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang naghukay sa dalawang bangkay.

Natukoy ang pinagbaunan sa dalawang bangkay sa tulong ng isang saksi.

Read: Belongings of missing Pampanga beauty queen found

Authorities digging the two bodies
Naaagnas na ang dalawang bangkay nang mahukay ng mga miyembro ng SOCO. Aalamain pa kung mga labi iyon ng nawawalang beauty queen at ng Israeli boyfriend nito. Photo: Bombo Radyo Baguio Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Model claims rough encounter with Geneva Lopez's boyfriend

FAMILIES OF GENEVA AND YITCHAK AWAITING CONFIRMATION

Hinihintay pa ng mga kamag-anak nina Geneva at ni Yitchak na matukoy ang pagkakakilanlan sa mga bangkay.

Magsasagawa ang mga awtoridad ng masinsinang imbestigasyon kabilang ang pag-aawtopsiya para malaman ang sanhi ng pagkamatay ng dalawang bangkay.

Isasailalim din daw ang mga iyon sa DNA testing.

June 21 nang huling nakita si Lopez, na Mutya ng Pilipinas Pampanga contestant, at ang kanyang Israeli boyfriend na si Cohen sakay ng isang SUV.

Mula sa kanilang tirahan sa Angeles City, Pampanga, bumiyahe ang dalawa patungong Tarlac para tingnan ang bibilhing lupa.

May kakatagpuin sila noon para sa lupang bibilhin nila sa naturang probinsiya.

Natagpuang sunog at abandonado ang sasakyan sa Barangay Cristo Rey sa Capas noong June 22.

Read: Belongings of missing Pampanga beauty queen found

MIDDLEMAN SA BILIHAN NG LUPA, WILLING MAGSALITA

Sa ulat ng gmanetwork.com noong July 4, sinabi ng isang opisyal ng Philippine National Police na kasama ang dating pulis na middleman nina Geneva sa bibilhing lupa sa pitong “persons of interest” sa pagkawala ng magkasintahan sa Tarlac.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: SUV linked to Geneva Lopez, boyfriend disappearance found

Photo of Geneva Lopez and boyfriend
Ang larawan ng magkasintahang Geneva Lopez at Yitchak Cohen. Photo: PEP.ph

Read: Israel embassy aware of missing citizen, beauty queen

Pero ayon kay Police Major General Leo Francisco, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), hindi pa nila nakakaugnayan ang lahat nang itinuturing na POIs sa kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Francisco, “Pito ang POIs natin kasama na yung dating pulis na naging kausap nitong magkasintahan na nawawala.”

Sinabi niyang nakikipag-ugnayan naman sa mga awtoridad ang dating pulis na nakatalaga noon sa Angeles City, Pampanga.

Ito ang middleman ng magkasintahan at nakasama nang tingnan ang bibilhin sanang lupa sa Capas, Tarlac.

Pahayag pa ni Francisco, “’Yung kanyang katransaksyon naman na yun ay willing na magsalita at nagsasalita.

“Ang kanyang nilahad sa paunang imbestigasyon siya ay nakipag-usap nga sa magkasintahan na ito at naghiwalay na sila pagkatapos nung site visit nila sa lupang bibilhin.

“Nabalitaan na lang nila na nakita yung abandoned vehicle.”

Tatlong motibo ang tinitingnan ng mga awtoridad sa kaso ng pagkawala ng magkasintahan, pero hindi muna ito idinetalye ni Francisco.

Isa pang sasakyan na inabandona ang nakita naman sa Tarlac City, na hinihinalang may kaugnayan din sa pagkawala ng magkasintahan.

Read: BLACKPINK in your area? Lisa’s look-alike sells fried chicken in Thailand

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

REWARD SA MAKAPAGBIBIGAY NG IMPORMASYON

Umabot na sa PHP1.4 million ang pabuya para sa makapagbibigay ng lehitimong impormasyon sa kinaroroonan nina Geneva at Yitshak.

Ayon sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon noong July 4, ang karagdagang isang milyong piso ay mula kina Pampanga Governor Dennis Pineda at Vice-Governor Lilia Pineda.

Read: PHP250K reward for info on missing beauty queen, boyfriend

Poster of the reward
Unang nag-alok ang pamilya ng boyfriend ni Geneva Lopez ng reward sa sinumang makapagtuturo sa nawawalang magkasintahan. Photo: PEP.ph
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Netizens recount horror stories in San Juan’s Wattah Wattah Festival 2024

Bukod pa rito, may iniaalok ding PHP150,000 na pabuya si Sto. Tomas, Pampanga Mayor Johnny Sambo.

Pahayag ni Mayor Sambo, published as is: "Ako namamag-asa na mawala ang pag-aalala ng kanyang mga magulang.

"Kasalukuyan pa ding nangangalap ng karagdagang ebidensiya ang kapulisan at nagdodokumento ng mga CCTV footages na maaaring makapagbigay-linaw kung saang lugar maaaring pumunta ang mga nawawalang biktima."

Nauna na ring nag-alok ang pamilya ni Cohen ng PHP250,000.

Sinundan ito ng PHP100,000 reward money mula kay Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr.

Read: WHAT PEP KNOWS: Is Dominic Roque courting Kathryn Bernardo?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang saksi ang nagturo sa mga awtoridad sa pinagbaunan ng dalawang bangkay sa isang quarry site sa Capas, Tarlac. Aalamin kung iyon ang mga labi ng nawawalang beaty queen na si Geneva Lopez at ang Israeli fiancé nito na si Yitchak Cohen. (Photo courtesy of Bombo Radyo Baguio)
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results