PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arthur Miguel, OPM breakout artist advocates self-love

Arthur Miguel reveals he almost quit singing
by Rommel Gonzales
Published Jul 6, 2024
Arthur Miguel
Fast-rising OPM prince Arthur Miguel advocates self-love, and admits the perils of constantly being a 'people pleaser.' He says, “Parang minsan nakakalimutan ko na yung sarili ko talaga. Parang kumbaga, as a people pleaser, gusto ko one day, maisip ko naman yung sarili ko. Like, ‘Ako naman muna,’ parang ganun.”
PHOTO/S: arthurmiguelofficial Facebook

Si Arthur Miguel, 24, ay recording artist mula sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Arthur Miguel
Arthur Miguel
Photo/s: arthurmiguelofficial Facebook

Una siyang nakilala sa kanyang song covers, hanggang matutong sumulat at mag-produce ng mga orihinal na kanta bilang ekspresyon ng kanyang saloobin at ng mga taong hindi kayang ihayag ang kanilang nadarama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilan sa mga nag-trending niyang awit ay ang “Lihim” na may 39.1M streams sa Spotify at “Ang Wakas” na unang nakilala sa TikTok at may 50.7M streams sa Spotify.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga siya ng Warner Music Philippines upang lumikha pa ng mga madamdaming kanta.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arthur kung ano ang edge o kalamangan niya sa ibang mga mang-aawit ngayon.

Nakapanayam namin siya noong June 21 sa Ark Studio sa Quezon Avenue, Quezon City.

READ:

OPM singer dwta recalls moments she almost gave up on her music career

Dilaw of "Uhaw" fame talks about pressure of having massive hit

ARTHUR ON HIS UNIQUE MUSICAL STYLE

Arthur Miguel
Arthur Miguel
Photo/s: arthurmiguelofficial Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang meron siya na wala ang iba?

Aniya, “Hindi ko po siya naiisip kasi ano e, gusto ko lang talaga. I mean, as an artist, gusto ko lang talagang maka-relate yung people.

“Hindi ko iniisip if magti-trend ba itong song na ito or something. Basta ang gusto ko, makinig sila sa akin.

“And siguro, yung pinaka-unique lang about myself is kung paano ko iparating yung song na parang like… yung mga hugot, ganun!

“Kung paano ko sila… kasi from the very bottom of the heart talaga yung mga lyrics na nilalagay ko.

“Siguro iyon yung uniqueness ko na parang pag pinakinggan mo yung lyrics na ito or yung melody na ito, parang masasabi nila parang, ‘Oh my God, si Arthur Miguel ito kasi ganito yung tunog.’

“Parang ganun po.”

ARTHUR ADVOCATES SELF-LOVE

Kung isusulat niya ng kanta ang sarili niya, ano ang gagamitin niyang titulo at ano ang nilalaman nito?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“About myself? Siguro ano, parang, ‘Ako Muna’ siguro.

“Kasi ano e, kumbaga, parang lately lagi kong iniisip din na parang, iniisip ko kung paano magugustuhan ng mga tao yung songs ko.

“Parang minsan nakakalimutan ko na, like, yung sarili ko talaga!

“And ano po talaga e, parang kumbaga as a people pleaser gusto ko one day, na parang maisip ko naman yung sarili ko.

“Like, ‘Ako naman muna,’ parang ganun.”

ARTHUR’S LATEST SONGS

May five-track EP si Arthur ngayon, ang “MU” na ang carrier single ay ang “Malabong Ugnayan” tampok ang tinaguriang bedroom pop star na si Jikamarie.

Nasa EP rin ang apat na B-side tracks; “Isaoras,” “GHINOST,” “Dati,” at “Maling Panahon.”

Arthur Miguel EP
Arthur Miguel, "MU"
Photo/s: arthurmiguelofficial Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang “MU” ay available na sa mga digital streaming platforms tulad ng Spotify, Apple Music at YouTube Music.

ARTHUR ON OVERCOMING HIS BIGGEST TRIALS

Dahil forte ni Arthur ang mga “hugot” songs tinanong namin siya kung ano na ba ang pinakamasakit na karasanan niya sa journey niya bilang isang singer.

Lahad niya, “Masakit? Siguro ano po, yung parang ano, yung ni-hate ko yung sarili ko. Ganun.

“Kasi parang ano, hindi po ako confident talaga sa sarili ko to the point na siyempre, I mean parang lahat naman dumadating tayo sa point na parang you hate yourself.

“Parang, bakit ganito ka lang? And parang kapag tina-try mong, I mean may mga gusto kang i-achieve na parang gusto mong i-try pero hindi dumarating.

“Minsan kasi dumarating sa point na parang, iniisip ko na parang, ‘Bakit ganun, parang ginawa ko na ang lahat pero wala, ganito pa rin.’

“So parang dun ko na-start na parang I’m gonna hate myself, ganun. Parang ita-try ko na parang baguhin pero kumbaga kasi kung ganun ka hindi mo naman talaga mababago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So iyon lang.”

Na-overcome naman daw ni Arthur ang phase na iyon sa buhay niya.

“Ia-accept mo lang kung sino ka, kung paano ka.

“So okay lang naman, e. I mean, kasi for me iyon yung mga nagti-trigger ng something, like yung hine-hate mo yung self mo, dahil nga sa mga nangyayari sa iyo.

“And kumbaga for me parang pagsubok na lang iyon for everyone, hindi lang sa akin.

“And parang ngayon, hindi okay pero soon magiging okay. So parang naging ganun yung mindset ko.”

ARTHUR REVEALS HE ALMOST QUIT SINGING

Dumating din daw si Arthur sa puntong muntik na niyang talikuran ang pagkanta.

“Ay, opo! Madalas,” bulalas ni Arthur.

“Kasi nakakapagod din minsan, lalo na kapag nag-effort ka sa isang bagay tapos hindi mo nararamdaman na okay siya.”

Ang kanyang pamilya at mga malapit na kaibigan ang naging drive niya para ipagpatuloy ang pagkanta.

“Yung mga naniniwala sa akin, sila yung inisip ko. Kasi sila din naman, I mean yung mga tamang tao sila yung makakatulong sa iyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Totoo yung kasabihan na kapag down ka or may pinagdadaanan ka, just talk to anyone na totoo sa iyo.

“Kahit makinig lang sila kahit wala silang sabihin, masarap sa feeling na, ‘Okay, concerned ito sa akin.’

“Parang ganun.”

Samantala, maaring i-follow si Arthur sa mga sumusunod na social meda accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/arthurmiguelofficial

Twitter: https://twitter.com/arthurmiguelii

Instagram: https://www.instagram.com/arthurmiguel

YouTube: https://www.youtube.com/channel/arthurmiguel

READ:

Ben&Ben's new song "Lifetime" is perfect para sa lahat ng may TOTGA

Presenting the 14th & 15th Star Awards for Music winners

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fast-rising OPM prince Arthur Miguel advocates self-love, and admits the perils of constantly being a 'people pleaser.' He says, “Parang minsan nakakalimutan ko na yung sarili ko talaga. Parang kumbaga, as a people pleaser, gusto ko one day, maisip ko naman yung sarili ko. Like, ‘Ako naman muna,’ parang ganun.”
PHOTO/S: arthurmiguelofficial Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results