Naniniwala si Dingdong Dantes, 43, na karapat-dapat si Star For All Seasons Vilma Santos, 70, na hiranging National Artist for Film and Broadcast.
Read: DongYan, Kathryn, Alden Box-Office Heroes sa 7th EDDYs
Ito ang sinusulong ngayon ng Aktor, ang league of Filipino actors, kunsaan chairman si Dingdong at kabilang sa advisory board si Vilma.
Suportado ito ng ibang film productions at TV networks.
Ayon kay Dingdong, taglay ni Vilma ang apat na katangian kung bakit nararapat itong maging National Artist.
"She's a paragon of professionalism, she's a cultural champion, she's a protector of a community, and most importantly a nation builder.
"Sa panahon ngayon madali tayong maligaw sa napakaraming nangyayari especially for the younger generation.
"Pero kung mayroon kang ganitong mga live-in principles, exemplified and brought to life by a person in the person of Ms. Vilma Santos, hindi e.
"Ito yung pamantayan, ito yung parang titingalain natin. I think mas less yung chance na maligaw sa industriyang ito."

Hindi raw tumigil ang Star For All Seasons sa paggawa ng pelikula, mapa noong nasa serbisyo publiko ito o ngayong ordinary citizen ulit ito.
"Nakikita mo naman yung pagmamahal ng isang tao sa industriya sa trabaho nito.
"Recently, When I Met You In Tokyo participated in Metro Manila Film Festival. I don't know kung magpa-participate siya uli ngayon.
"Isipin ninyo, after coming from public service, e, talagang nasa puso niya ang paggawa ng pelikula. Feeling ko up to the last breath yun ang gagawin niya.
"Yung commitment na yun is something that we rarely see, so grabe talaga yung paghanga ko sa kanya."
"To rally behind somebody like Ate Vi, especially in an event like this, I think it's something very important kasi in this industry we look up to her, she's a paragon of what it is to be an actor."
Read: Vilma Santos on fans lobbying for her National Artist nomination
VILMA SANTOS CONCERN FOR FELLOW ACTORS
Ayon pa kay Dingdong, nakita rin niya ang malalim na malasakit ni Vilma sa industriya at sa mga miyembro nito.
"Parati niyang sinasabi talaga, 'Paano ba natin matutulungan ang ating mga members?'
"'How can these programs impact the lives of our community? Paano ba magiging sustainable?
"'Ano ba yung nagiging contribution nito sa buhay nating mga aktor?'
"Parati siyang mindful dun."
Patuloy ni Dingdong, "And I think bilang isang public servant, matagal na sa industriya, yan ang mga bagay na talagang nagma-matter sa kanya.
"Bilang gumagabay sa amin, parang pinapaalala niya palagi sa amin yan.
"Ito ang binabantayan namin kasi para maging successful ang isang organization, heto ang mga tinintingnan natin."
Read: Vilma Santos meets Dan Villegas, Antoinette Jadaone for a movie pitch
DINGDONG DANTES DREAMS OF WORKING WITH VILMA SANTOS
Kung bibigyan ng pagkakataon, bukas si Dingdong na makasama sa pelikula ang Star For All Seasons.
"Siyempre naman. Pero yun pa pala, alam mo, nakakapagtaka kasi di ko pa nakakasama sa pelikula, pero parang nakasama ko na siya forever.
"Di ba, ganun yung pakiramdam, my god that's a dream! Of course, that's a dream," saad ni Dingdong na ninang sa kasal si Vilma.
"Knowing Ate Vi gusto niya parating natsa-challenge siya. Nakikita mo naman ang body of work niya extreme, horror, comedy..."
Pero kung saka-sakali, gusto raw ni Dingdong na drama ang pagsamahan nila ni Vilma.
Read: Marian Rivera no body double in fight scenes in Balota
ON OFFICERS OF AKTOR
Ang iba pang opisyal sa Aktor ay sina Piolo Pascual, Iza Calsado, Mylene Dizon, at Jasmine Curtis-Smith.
Masaya si Dingdong sa nakikitang interes at malasakit din ng mga kasama para mapaunlad ang industriya.
"Ang maganda dun, di lang siya basta-basta usapan, 'Lika, good time tayo, gawa tayo pelikula.'
"Pinag-uusapan namin talaga kung ano ang gusto namin for the future.
"Nakakatuwa, like si Piolo is very proactive sa kung ano ang puwede niyang ma-contribute sa industriyang ito.
"I'm sure ganun din ang iba, yung ibang mga members.
"Kailangan lang talaga ng tamang platform, stage for them to do that."
Alam ni Dingdong na kailangan din ng tulong mula sa ibang organisasyon para matupad ang adhikain ng Aktor.
"That's precisely the reason why we came to it kasi kung mayroon kang gusto kang gawin for the industry, di mo puwedeng gawin mag-isa.
"Actually, puwede naman pero mahirap gawin mag-isa.
"Pero kung sama-sama kayo together as a community, you push for reform, you push for the development of your community, kung sama-sama niyong gagawin yun, mas magiging madali."
Sana raw ay dumami pa ang supporters ng kanilang grupo.
"Kung Aktor lang ang gagawa nun di rin magiging posible, kailangan lahat ng stakeholders nandiyan, gaya ng directors, the writers.
"Kaya nga nandiyan yung mga grupo ng IGA, like I mention pati mga make-up artists.
"When all these groups come out together, when they dream together, mas nagiging mas matibay.
"Di pupuwede na isang grupo lang ang gumagalaw, dapat tulungan talaga, tulungan talaga sa industriyang ito."
Read: Marian Rivera says love and trust should prevail in marriage
WILL HE ENTER POLITICS?
Hindi naman maiwasang tanungin si Dingdong kung may plano itong tumakbo 2025 elections para sa serbisyo publiko at para na rin makatulong sa film industry.
Non-committal si Dingdong.
"You know, right now I'm committed to Aktor. Dito talaga ang buong dedication ko for the next three years.
"Yung aking trabaho sa GMA, yung pagiging navy reservist ko rin. Dun nakatutok lahat ng effort ko."
